Loading...

Ating Balikan- Tawag ng Tuldik
Quiz by CHERLITA ACIERTO
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
​Ano ang tawag sa tuldik na ito? ( ' )
bantas
pahilis
paiwa
pakupya
​Ano ang tawag sa tuldik na ito? ( ' )
para sa salitang maragsa
para sa salitang walang tunog
para sa salitang malumi
para sa salitang mabilis
Ano ang tawag sa tuldik na ito? ( ' )
Ano ang tawag sa tuldik na ito? ( ' )
Aling tuldik ang gagamitin para sa salitang malumiÂ
(?)
Ito ay tuldik na _______(^)
Ang pakupya ay para sa salitang_________________
Ating Balikan-Tawag ng Tuldik
Mga pinuno sa aming komunidad (Balikan Day2)
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Maraming magaganda at mabubuting ugali ang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay namana pa natin sa ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga magagandang ugali na ating nakagisnan noon pa man. MAKA-DIYOS Tayong mga Pilipino noon pa man ay mayroon nang matibay na pananalig sa Diyos. Sa katunayan, bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling relihiyon. Hanggang sa dumating ang mga Kastila at matutuhan natin sa kanila ang relihiyong Kristyanismo na nagpakilala sa atin 17 ng paniniwala sa mga santo, santa at kay Kristo. Hindi tayo nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkakaloob sa atin. Sa ngayon, iba-iba man ang paraan ng pagsamba at pananampalataya natin, nagkakaisa pa rin tayo sa aral at at turo ng relihiyon. Ikaw bilang isang mag-aaral, lagi ka bang nagsisimba o nagpupunta sa inyong bahay-dasalan? Madalas ka bang magdasal sa Diyos? PAGIGING MAGALANG Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging magalang. Ang kaugalian nating ito ay ipinakikita natin sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo o di kaya ng mga salitang ate, kuya, manong, manang, lolo at lola sa mga nakakatanda sa atin. Kinagigiliwan ang ganitong mga kaugalian lalo na sa mga bata. Sa inyong tahanan, tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa iyong mga magulang o nakatatandang kapatid, gumagamit ka rin ba ng po at opo? MASIPAG at MATIYAGA Basta sa pagiging masipag at matiyiga, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino! Sapagkat tayong mga Pilipino, kahit anong gawain ay kakayanin natin mapaunlad lamang ang ating kabuhayan. Matyiga 18 tayo sa lahat ng mga bagay na ginawa natin. Wika nga ng iba, kailangan ang ST (sipag at tyiga) upang tayo ay umunlad. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PANAUHIN Tayong mga Pilipino ay kilala rin na magiliw na tumatanggap ng ating mga panauhin lalo na kung ang mga ito ay ating mga kamag-anak na mula pa sa mga malalayong lugar. Tinitiyak natin na magiging kasiya-siya ang pagpunta nila sa ating tahanan kaya’t naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain at tinitiyak na sila’y masaya at komportable sa pagbisita sa atin. MATULUNGIN AT MAPAGMAHAL Mapagmahala at matulungin sa kapwa ang mga Pilipino. Matulungin tayong mga Pilipino lalo na kung panahon ng mga sakuna at kalamidad sa ating bansa, tumutulong sila sa mga nasalanta at naapektuhan. Nagbibigay sila ng mga donasyon, pagkain, damit, gamot at iba pa. Mapagmahal tayo dahil kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ialay para sa ating bayan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ating mga bayani na magigiting. Pinatunayan nila na dakila ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at sa kalayaan nito. 19 Ilan lamang ito sa mga katangi-tanging ugali ng mga Pilipino. Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, kaya mo bang gawin ang mga katangiang ito sa iyong sariling paraan? Anu-ano kaya ang pwede mong gawin upang maipakita ang mga magagandang ugali ng isang batang katulad mo? Maaari mong gawin ang mga ito:  Magdasal araw-araw  Maging matapat sa lahat ng bagay  Magaing magalang sa mga nakatatanda  Makinig sa pangaral ng magulang at guro  Mag-aral ng mabuti  Sumunod sa mga utos ng magulang  Huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos araw-araw
ATING ALAMIN
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Mahilig ka bang magbasa ng Bibliya? Kung oo ang iyong kasagutan, magaling! Alam mo ba kung paano nagsimula ang paglikha ng Diyos sa ating mundo? Alam mo ba na isa tayong mga tao, sa mga nilikha niya? Alam mo ba kung pang-ilang araw nilikha ng Diyos ang tao? Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, napakaraming lahi ng tao sa buong mundo. Mayroong mga iba’t ibang kwento, alamat at teorya kung papaano nagsimula ang lahi nating mga Pilipino. Ooopppsss, sandali lamang! Mabuti pa siguro’y unahin na nating pag-aralan kung saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino. Sa modyul na ito, aalamin natin kung saan nagmula ang mga Pilipino. Sinu-sino ba sila? Anu-ano ba ang mga katangiang pisikal mayroon ang mga lahi ng tao na ito? Halika na! Mabuti pang simulan na natin silang kilalanin. Ating tandaan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:  Kasaysayan- ito ay ulat o tala ng mga nakaraang pangyayari na may saysay at kabuluhan.  Alamat- ito ay mga kwento na nagpasalin-salin mula sa isang henerasyon hanggang sa ating kasalukuyan. Kathang-isip lamang ito na galling sa malawak na kaisipan ng isang manunulat.  Teorya- nabubuo ito sa pamamagitan ng masusing pagaaral at pananaliksik upang mapatunayan ang isang bagay at pangyayari. Kailangan na ang bawat teorya ay may basehan o ebidensya. 5 Pinaniniwalaang ang mga unang tao na nanirahan sa Pilipinas ay dumaan sa mga tulay na lupa. Makaraan ang maraming taon, ang sinasabing tulay na lupa na ito ay nawasak at lumubog dahil na rin sa malalakas na paglindol at pagkatunaw ng mga yelo na nagmula pa sa pinakadulong bahagi ng ating mundo. Ito ay dahilan kung kaya’t ang Pilipinas ay napahiwalay sa lupain ng Asya at naging isang kapuluan. Ang mga pangyayaring ito ay naging daan upang dumating sa ating bansa ang mga sinaunang tao na tumira sa Pilipinas. Sinu-sino nga ba sila? Halina’t atin silang isa-isahin. Ang mga Negrito o Ita Ang unang pangkat ng mga tao na dumating sa Pilipinas ay tinatawag na Negrito o Ita. Sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay maitim ang kulay ng balat, sarat ang kanilang ilong, kulut na kulot ang kanilang mga buhok, makakapal ang labi, mabibilog ang mata at sila ay pandak. Silay ay gumagamit ng pana at sibat upang makakuha ng kanilang makakain. Karaniwan silang naninirahan sa gilid ng bundok at kweba. Gumagamit sila ng bahag para sa kanilang kasangkapan. Ang grupo ring ito ng mga tao ay kilala sa tawag na Aeta, Ita, Baluga, at Dumagat. Karaniwan ng sila ay natatagpuan sa 6 mga lugar ng Zambales, Mindoro, Panay at iba pang bahagi ng Mindanao. Ang mga Indones Ang mga Indones ay dumating sa Pilipinas sakay ng bangka mula sa Timog Silangang Asya. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga kapatagan at baybaying dagat. May dalawang pangkat ng Indones ang dumating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay mapuputi, matangkad, malamlam ang mata matangos ang ilong, maninipis ang mga labi at tuwid ang buhok. Ang ikalawang pangkat naman ng mga Indones na dumating sa Pilipinas ay may mga katangiang maitim, pango ang ilong, makapal ang labi at tuwid ang buhok. Mas maunlad ang paraan ng pamumuhay ng mga Indones kayse mga Negrito. Ang pangkat kase na ito ay marunong ng magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Sila ay mahusay rin pagdating sa paggawa ng mga sasakyang-pandagat. Mayroon na rin silang mga kasuotan na maayos at yari sa mga pinatuyong balat ng hayop na mayroon pang mga disenyo. Naglalagay rin sila ng mga tattoo sa kanilang katawan bilang bahagi ng kanilang kultura. 7 Ang mga Malay Ang mga Malay ang huling pangkat ng tao na dumating sa ating bansa. Nakarating sila rito sakay ng isang bangka na kung tawagin ay balangay. Ang mga pangkat ng tao na ito ay nagmula pa sa Borneo, isang lugar na malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas. Dumating ang pangkat ng Malay sa Pilipinas bitbit ang kanilang maunlad na pamumuhay. Marunong na silang gumawa ng mga sandata at kagamitang yari sa metal at bakal. Mayroon na rin silang maunlad na kaalaman sa pagsasaka at marunong na rin silang gumamit ng araro at patubig. Mayroon silang maayos na kasuotan na yari sa bulak at sedang makukulay at magagandang disenyo. Ang mga Malay ay may sistema rin ng pamumuno. Binubuo ito ng mga barangay na kinuha sa pangalan ng sinakyan nilang bangka na balangay. Ang paraang ito ng pamamahala na mayroong pinuno na kung tawagin ay Datu. Mayroon na rin silang mga batas na sinusunod at marunong na rin silang bumasa at sumulat. Ang kanilang katangiang pisikal ay may katatamtamang taas, kayumanggi ang kanilang kulay, maiitim ang mata, tuwid ang buhok, sarat ang ilong at may katamtamamng laki ng pangangatawan. Sa katunayan, higit ng 8 maraming Pilipino ang nahahawig sa pisikal na katangian ng Malay. Sa iyong pagbabasa ng ating paksa ngayong araw, umaasa ako na madali mo lamang itong naintindihan. Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman, maaaring magtungo ka sa iyong guro upang ikaw ay magpaturo pa ng mga gusto mong malaman tungkol sa ating mga ninuno. At sa oras na ikaw ay handa na, maaari mo ng ipagpatuloy ang pagsagot sa mga katanungan sa modyul na ito. Simulan mo na!
ATING HILIG PAUNLARIN
Ating kilalanin
ating tignan