
B. Gamit ng Pandiwa batay sa Pokus na Tagaganap at Layon Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang pandiwang nakasulat ng may diin na nasa Pokus sa Tagaganap o Pokus sa Layon. Pagkatapos, tukuyin din kung ito ay nagpapahayag ng Aksiyon, Karanasan, o Pangyayari.
QuizĀ by RHONWEL ANCHOLA
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
āNag-alala si Sandawa para sa magiging kapalaran ni Lumad.
TagaganapĀ (si Sandawa ang nakaranas ng pag-aalala) KaranasanĀ (damdamin o emosyon)
āIsukoĀ ni Lumad ang kaniyang pagiging imortal alang-alang sa pag-ibig.
TagaganapĀ (ang buong kaharian ang sumaya) KaranasanĀ (damdamin ng kagalakan)
Nag-alala si Sandawa para sa magiging kapalaran ni Lumad.
IsukoĀ ni Lumad ang kaniyang pagiging imortal alang-alang sa pag-ibig.
BantayanĀ ng mga nilalang ang kalikasan bilang paggalang kina Mandarangan at Sandawa.
NalungkotĀ si Magindara nang malamang hindi na muling makakasama si Lumad.
SumayaĀ ang buong kaharian ng Avila sa pamumuno ni Dakila.
ItaguyodĀ ng mga tribo ang kanilang kultura at tradisyon sa ilalim ng bundok Apo.
GumalangĀ ang lahat ng nilalang sa naging desisyon ni Lumad.
PaglingkuranĀ ng mga Mulawin si Dakila nang buong katapatan.
NatuwaĀ si Mandarangan sa naging pagkakaisa ng kaniyang tatlong anak.
PanagutanĀ ng bawat nilalang ang pangangalaga sa mundong ipinagkaloob sa kanila.
ARALIN 3: Gamit ng Pangngalan Ginamit ang ibaāt ibang pangngalan depende sa kung sino ang tinutukoy, kinakausap o pinag-uukulan ng kilos. Dahil ito ay hindi lamang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Sa loob ng pangungusap, ito ay may ibaāt ibang gamit. Iba-iba ang papel na ginagampanan ng pangngalan depende sa kung paano ito ginagamit sa isang pahayag. 1. Simuno (Paksa) Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: a. Si Liza ay magaling sumayaw. b. Si Lea ay masunurin sa bilin ng magulang. c. Ang lola ko ay malakas pa. 2. Kaganapang Pansimuno Nasa bahaging panaguri. Lagi itong sumusunod sa panandang ay. Nasa unahan naman ito inilalagay kung walang panandang ay sa pangungusap. Halimbawa: a. Si Liza ay isang mananayaw. b. Si Dan ay isang mapagmahal na magulang. c. Siya rin ay ina ng aming barangay3. Pamuno Ito ay pangngalan na nasa tabi ng isa pang pangngalan upang magpaliwanag o magbigay ng dagdag na impormasyon. Halimbawa: a. Si Andres Bonifacio, isang bayani, ay lumaban para sa kalayaan. b. Si Faith, ang bunsong anak, ay nagsisikap sa buhay. c. Si Sandra, ang aking pinsan, ay pupunta sa amin. 4. Pantawag Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pakikipag-usap. Halimbawa: a. Ana, halika rito. b. Manong, alam niyo po ba ang daan patungongsimbahan? c. Ate, pabili pong kendi. 5. Layon ng Pandiwa Ito ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na ano? Halimbawa: a. Binili ni Marie ang bulaklak. b. Tumanggap si Ron ng papuri sa pagiging magalang sanakatatanda. c. Kumain ng mangga ang mga bata. 6. Layon ng Pang-ukol Ito ay pangngalag pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga pangukol na sa, ng, para sa, para kay, tungkol sa at iba pa. Halimbawa: a. Nagbigay siya ng regalo para kay Nanay. b. Ang bulaklak na binili ni Alonzo ay para kay Jia. c. Para sa bata ang laruang ito.
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
INSTRUMENTAL NA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
INTERAKSYUNAL NA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
7 GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Q13_PITONG (7) GAMIT NG WIKA SA LIPUNA
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Sumulat ng quiz gamit ang mga sumusunod na tanong: 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng ibaāt ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang āpamayanan ng mga mandirigmaā? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis