
BAITANG 8 KASAYSAYAN NG DAIGDIG – ARALING PANLIPUNAN IKALAWANG MARKAHAN - Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon - REMEDIATION/ ACTIVITY SHEETS
Quiz by Althea Anne C. Torres
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ang kinikilalang lungsod ng kabihasnang Minoan.
Panahon ni Homer
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng kabihasnan.
Sa lahat ng mandirigma, sila ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamagaling na sandatahang lakas sa buong mundo.
Isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan pwede magtinda o magtipon-tipon.
Dalawang malakas na lungsod-estado ng Greece.
Ito ang estratehiyang pangdigmaan ng mga Griyego.Ito ay binubuo ng 16 na sundalong sa isang hanay na may hawak na mahahabang sibat at bilugang panangalang.
Katawagan ng mga Greek sa kanilanh sarili na hango sa salitang hellas.
Uri ng pamahalaan na na nagmumula ang kapangyarihan sa mamamayan.
Naging tanyag na lider ng Macedonia na anak ni Philip II.
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat.
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat.
Madaling mahanap ang bansang ito dahil sa natatangi nitong hugis bota.
Ang kambal na nagtatag ng lungsod ng Rome.
Sa pangunguna niya idineklara ng mga Romano na hindi sila papayag na pmunuan ng hari.
Humahawak ng karamihan sa kapangyarihan sa sinaunang Rome.
Sila ang mas makapangyarihan sa pamahalaan sapagkat sila ang nangangasiwa sa ugnayang panlabas at sa kalagayan ng estado
Mga Romanong kabilang sa mga nakatataas sa lipunan.
Tatlong Magkakahiwalay na digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage
Pinaka mahalagang ambag ni Augustus Caesar sa kasaysayan ng Rome ang pag-iral ng kapayapaan.
Umunlad ang mga imperyo sa lugar na ito dahil sa pakikipagkalakalan ng asin, ginto, at iba pang produkto sa bawat kaharian at sa mga karatig na lugar sa disyerto ng Sahara.
Matagumpay silang nakabuo ng kabihasnan sa kabila ng hamon ng kapaligiran dahil ang kanilang mga lungsod ay nabuo sa gitna ng lawa o kaya ay sa tuktok ng kabundukang Andes.
Tunay na magkakaugnay ang kultura at paraan ng pamumuhay ng kabihasnang nabuo nila kahit na kalat-kalat ang pamayanan at nakalatag sa karagatan.
Ang mga piramideng itinayo nila gaya ng Pyramid of Kukulkan sa gitna ng kanilang lungsod ay sinasabing sentro rin ng kanilang sinaunang pananampalataya.
Naimpluwensyahan ng pananampalatayang Islam ang mga kaharian sa lugar na ito bunsod na rin ng kanilang malapit na ugnayang pangkalakalan at pangkarunungan sa mga Asyano.
Mababakas ang pagpapahalaga nila sa biyaya ng kalikasan sa kanilang paniniwala na may “lakas” ang bawat bagay na sentral na ideya ng Animismo at Mana.
Mayaman ang ambag ng kabihasnang ito sa iba’t ibang larangan patunay ang kanilang iniwang mga artifacts gaya ng glyphs na isang sinaunang sistema ng pagsulat, at quipu na kakaibang paraan nila ng pagbilang at pagrekord.
Ayon sa pag-aaral tungkol sa Migrasyong Austronesian, may pagkakapareho ang kultura ng kabihasnang ito sa kultura ng mga tao sa Timog-Silangang Asya gaya ng Pilipinas.
Ang Sankore mosque sa Timbuktu na bagamat simple at gawa sa pinatigas na putik o mudclay ay patunay ng kaalaman sa arkitektura ng kabihasnan sa lugar na ito.
Makikita sa isang animation movie na “Moana” ang kultura ng kabihasnang ito dahil naipapakita ang karaniwang hanapbuhay nila na pangingisda sa malawak na karagatan, gayundin ang kanilang kasuotan, pananampalataya at sining.
Inilunsad ito ng simbahang katoliko upang mabawi ang “lupaing banal” mula sa mga muslim
Sistemang pang-ekonomiko ukol sa pagmamay-ari ng lupa
Sistemang politikal na nagkakaloob ng proteksyon mula sa panginoong may-ari ng lupa
Jerusalem
Tinutukoy din bilang “Panahon ng Karimlan” tumigil ang pag-unlad sa Europa dahil sa pananakop ng mga Barbaro
Pinakamahalagang templo ng Greece para kay Athena, diyosa ng katalinuhan at digmaan.
Bukas na teatro o pook tanghalan bantog din bilang istrukturang arkitektural
Sistema ng patubig para sa pananim at pagpapadaloy ng malinis na tubig sa mga kabahayan
Kasuotan na isinusuot ng mga kalalakihan sa sinaunang Roma
Daang ipinagawa upang mapabilis ang paglilipat ng mga hukbo
Sa pagsigla ng kalakalan ay umusbong ang bagong gitnang pangkat, ang Bourgeoise na ginamit ang yaman upang mag-aral at magkaroon ng boses o kapangyarihan upang itaas ang kanilang kalagayan at karapatan.
Sa mga unibersidad sa Europe nagsimula ang paglaganap ng mga makabagong kaisipan na sumusuri sa nangyayari sa kanilang lipunan at kapaligiran.
Lumitaw ang mga pamilihan at lumaganap ang mga bagong uri ng kabuhayan, kasanayan at hindi na lamang umaasa sa pagsasaka sa mga lupa.
Ang sining noon na may bahid ng relihiyong katoliko at arkitektura gaya ng Gothic na disenyo ng mga palasyo at mga simbahan ay nakilala rin sa panahong ito.
Ang pagkakaroon ng mga batas gaya ng Justinian’s Code ng Imperyong Byzantine at Magna Carta sa Inglatera na nagsusulong ng mga karapatan ng tao noong Gitnang Panahon.
aAng samahang itinatag ng mga artisano o mga taong may kasanayan sa iba’t ibang trabaho gaya ng karpintero o sastre.
Lugar kung saan sinasabing unang lumaganap ang sistema ng pagbabangko at pagpapautang noong Gitnang Panahon.
Inilunsad ito dahil sa panawagan ni Pope Urban II na bawiin ang banal na pook ng Jerusalem mula sa mga Turkong Muslim.
Ito ang bagong gitnang pangkat ng tao na ang yaman at kapangyarihan ay nagmula sa kalakalan at industriya.
Ang samahang binuo ng mga mangangalakal na naging maimpluwensya sa pagkontrol ng kalakalan sa mga bayan at lungsod.