
BALIK ARAL 4
Quiz by Corazon Daan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Tayo ang bahala sa pagwawalis ng dumi sa sahig. Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.
2. Sila ang susundo sa istasyon. Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.
3. Tatapusin muna nila ang takdang-aralin. Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap
4. Ikaw ba ang magluluto ngayon?Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap
5. Tutulungan ka nina Michelle at Nicole. Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.
6. Narinig mo na ba ang awit na ito? Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.
7. Si Sam at ako ay pupunta sa Lola ko. ______ ay kakain ng masarap doon.
8. Sina Gerald at Sabrina ay matalino. ( Kami, Kayo, Sila ) ay laging mataas ang marka.
9. Ikaw at si Ate Ging ang susundo sa akin. ( Kami, Kayo, Sila ) ang magdadala ng pagkain ko.
10. Si Kuya Andy at ang kanyang kapatid ay pupunta sa Cebu. (Kami, Kayo, Sila) ay sasakay ng barko papunta roon.
11. Si Jarie ay magaling kumanta. ( Ako, Siya, Tayo) ang kakanta bukas.
12. Cheska ang pangalan ko. ( Ako, Ikaw, Siya) ay sampung taong gulang.
13. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: dito-ganito
14. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: hayun-ganoon
15. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: iyan-ganyan
16. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: ito - heto
17. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: hayan - nandiyan
18. Tukuyin ang panauhan ng panghalip pamatlig: nandoon - ganoon
19. Dito tayo bumili ng pagkain para kay nanay. Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
20. Itatago ko na itong kamera ko. Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
21. Iyon ba ang sasakyang dumating ay sa inyo?Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
22. Doon tayo tumayo upang makita natin ang dadating. Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
23. Hinog na ang mangga sa puno. Sungkitin mo na iyon. Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
24. Maganda ba ang suot ko? Bigay ito ng aking nanay.
Hanapin ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
25. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang malambot na unan.
26. Sino ang may-ari (nitong, niyang, niyong) basketbol na hawak mo?
27. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito, iyan, iyon).
28. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.
29. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan, Doon) ka umupo
30. Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang (itong, iyang, iyong) ginagawa ko.
31. Kanina ka pa diyan sa kotse. Ano ba ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?
32. Ginagamit ito sa pagtatanong sa taong nagmamay-ari ng isang bagay.
33. Ginagamit ito sa pagtatanong ng mga pangalan ng tao.
34. Ginagamit ito sa pagtatanong ng paraan sa paggawa ng isang bagay.
35. Ginagamit ito sa pagtatanong sa halaga ng isang bagay.
36. Ginagamit ito sa pagtatanong ng sukat, bigat o timbang.
37. Ginagamit ito sa pagtatanong ng pook o lugar.
38. Ginagamit ito sa pagtatanong ng dahilan ng pangyayari.
39. (Sino, Sinu-sino, Anu-ano) ang mga nagboluntaryong maglinis ng silid-aralan?
40. (Sino, Ano, Kanino) ang panyo na nahanap mo?
41. (Sino, Ano, Kanino) ang pangalan ng batang nakataas ang kamay?
42. (Ano, Kanino, Alin) ang ipapaayos ni Tatay, ang motorsiklo o ang sasakyan?
43. (Sino, Sinu-sino, Anu-ano) ang magbabantay sa mga naglilinis dito?
44. (Anu-ano, Sinu-sino, Kani-kanino) ang mga tsinelas na nakakalat sa harap ng pinto?
45. Umorder ako ng (limang kilong lansones) kay Mang Cesar. Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.
46. (Kay Ollie) ko ibibigay ang mga lumang laruan. Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.
47. (Sinungkit) niya ang hinog na bayabas para may makain. Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.
48. Inabutan ng mayaman ng (sandaang piso) ang matandang pulubi.
Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.
49. Tatawagan ko si Weng (mamaya). Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.
50. Mahilig maglaro ng (basketball) si Joseph. Ibigay ang tamang panghalip pananong ayon sa mga pangngalang nasa loob ng panaklong.