placeholder image to represent content

BALIK-TANAW KABANATA I Page 1-22

Quiz by Princess Gamban

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1
    Walang malinaw at tiyakang ulat o kasaysayang pansarili ang Bataan bago dumating ang mga Kastila. Ngunit may ilang banggit na mga pangyayari ukol sa lalawigang ito noong mga panahong iyon sa kasaysayan ng Pampanga (na nakasasakop ditto) at ng Pilipinas o Timog-Silangang Asya. Nabanggit din na ang Bataan sa kasaysayan ng rehiyon sa kapaligiran ng Look ng Maynila na kilala sa taguring __________________________________( sumasaklaw mula sa Arko ng Batangas, Cavite, Bulacan,pulo ng Lubang, Mindoro at Corregidor)
    Lundayan ng Katagalugan
    30s
  • Q2
    May mga ulat na nagpapatunay na ang Bataan bago pa man dumating ang mga Kastila ay bahagi o sakop ng Imperyong Kapampangan. Ayon sa pag-aaral at pananaliksik ni _________________________________________, si Prinsiope Balagtas na pinuno ng Imperyong Madyapahit (natatag noong 1300 A.D.) sa Silangang Gitnang Java (Indonesya ngayon) ay dumating sa Luzon.
    Propesor H. Otley Beyer
    30s
  • Q3
    Ito ay ayon kay___________________ ng dating Kawanihan ng Edukasyon, kasama ang mga Pampango, Pangasinense at Zambaleño, itinatag ni Prinsipe Balagtas ang imperyong Kapampangan sa pagitan ng 1335-1380.
    Dr. Luther Parker
    30s
  • Q4
    Itinala niya na ang Imperyong Kapampangan ay sumasakop sa Pampanga, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at bahagi ng Bulacan, Pangasinan at Zambales. Siya ay taga- Tambugao, Calumpit, Bulacan at apo ni Prinsipe Balagtas at sumakabilang buhay noong Marso 21, 1589 sa San Carlos, Pangasinan.
    G. Fernando Malang Balagtas
    30s
  • Q5
    Ito ay mga pamayanan sa pook na ngayon ay kilala bilang Hermosa.
    Babuyan o Mabuyan o Mabuco
    30s
  • Q6
    Ayon sa mga tala, kinilalang bayan ang Abucay at Morong noong 1588 at 1607. Patunay ito na maunlad na ang mga nabanggit na pamayanan nang sumapit ang mga Kastila sa Pampanga noong 1571. Katunayan, ang pagkakatatag ng dalawang bayang nabanggit ay nauna ng halos ___________________________________________ taon sa San Fernando, Pampanga.
    Dalawandaang taon
    30s
  • Q7
    Lugar kung saan dating nakasasakop sa Mariveles at sa mga baryo nito na Bagac at Morong, bagaman ito ay bahagi ng Zambales noon. Dahil sa kinalalagyan ng lugar na ito sa bungad ng Look ng Maynila, tumigil dito upang sumalok ng tubig ang mga sasakyang-dagat bago tumuloy sa paglalakbay sa Maynila.
    Camaya
    30s
  • Q8
    Si ___________________________________ang unang Franciscano na nakaabot sa Bataan. Siya marahil ang unang Kastila na nagtala ng pangalan ng Lalawigan. “Bataan” ang ginamit niya sa halip na “Vatan” o “Vathan”.
    Padre Sebastian de Baesa
    30s
  • Q9
    Anong taon unang nakaabot sa Bataan ang unang Franciscano na ito?
    1578
    30s
  • Q10
    Laganap ang mga Ita sa limang bayan sa Bataan. Anu-ano ang mga pangalan ng mga bayang ito?
    Abucay, Bagac, Orani, Hermosa at Dinalupihan
    30s
  • Q11
    Ayon sa pag-aaral ni Propesor H, Otley Beyer, si ____________________________ na pinuno ng Imperyong Madyapahit (natatag noong 1300 AD) Sa Silangang Gitnang Java (Indonesya ngayon) ay dumating sa Luzon. Itinatag niya ang Imperyong Kapampangan. Siya ay isang mestisong Tagalong-Kapampangan.
    Prinsipe Balagtas
    30s
  • Q12
    Iniulat naman ni _____________________________________ (kura paroko ng Mayantoc, Tarlac) na ang Vatan o Bataan ay natagpuan ng mga nagsidating na paring Agustino sa Pampanga noong taong 1571 na sakop o bahagi ng Imperyong Kapampangan. Sinabi niya na ang naibang pagbaybay sa pangalan ng pook na ito ay dahilan sa katutubong ugali ng mga Pampango na pagpalitin ang bigkas ng F at P, ng V at B.
    Padre Evaristo Marcelino
    30s
  • Q13
    May nagpapalagay na ang pangalang Bataan ay inugat sa salitang bata na ayon sa talatinigang Tagalog noong 1617 ay may tatlong kahulugan sa Kastila. Anu-ano ang tatlong kahulugan na ito sa Kastila?
    Niño, muchacho, rapaz
    30s
  • Q14
    Salitang kastila na maibabatay sa haka-hakang ang nabanggit na lugal ay anak o supling ng Pampanga. Katunayan, ayon kay Padre Evaristo Marcelino, ito ang “kauna-unahang anak” na humiwalay sa Inang Lalawigan noong 1754.
    Niño
    30s
  • Q15
    Ayon kay Veneracion, may mga kwentong-bayan sa Pampanga na nagsasaad na ang pangalang Bataan ay nagmula sa salitana “bataan” o “_____________________” o “__________”
    Muchacho, “bataan” o “utusan”
    30s

Teachers give this quiz to your class