placeholder image to represent content

Barayti at Baryasyon ng Wika (Unang Bahagi)

Quiz by Mildred Lopez Quiza

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measure skills
from any curriculum

Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
35 questions
Show answers
  • Q1
    Alin ang totoo sa sumusunod na pahayag tungkol sa 'Ang wika ni Rizal'?
    Ito ay babasahin ukol sa pagpapahalaga ni Rizal sa wikang katutubo o Filipino
    Ipinakikita rito ang kadalubhasaan ni Rizal sa paggamit ng wikang katutubo o Filipino
    Isinalaysay nitong pinagsumikapan pa ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-akda.
    Ipinaiintindi sa babasahing ito ang pagkamalaganap ng wikang Filipino
    60s
    Edit
    Delete
  • Q2
    Paano kaya nagdudulot ng barayti at baryasyon ang usapin tungkol sa 'Ang wika ni Rizal'?
    Maimpluwensiya si Rizal kaya nakapagpapabago siya sa wikang katutubo
    Bilang inidolo ng mga Pilipino ay pinaniniwalaan din nila ang mga sinasabi nito
    Ang binitiwan niyang salita o mga salita ay tinatanggap nang nakararami.
    Si Rizal ay nagturo ukol sa wikang katutubo sa mga Pilipino
    60s
    Edit
    Delete
  • Q3
    Ano ang krimen ang nakamit sa babasahing 'Ang krimen ng mga edukado'?
    Maraming ayaw makialam sa isyu ng wikang pambansa
    Mas gusto nila ang Ingles at iniisip ito na susi ng asenso
    Mga guro't propesor nakalilikha ng pagsuway sa gramatika at palabaybayan ng wikang Filipino sa labis na panghihiram
    May mga nagsasalita at nagsusulat sa Ingles ay itinataguyod nila ang paglingap at pagpapayaman sa isang katutubong wikang pambansa
    60s
    Edit
    Delete
  • Q4
    Ang babasahing krimen ng mga edukado ay nauugnay sa barayti at baryasyon ng wika dahil:
    Nagiging himig dayuhan ang wikang Filipino
    Napag-iiba-iba ang natutuhan sa wika
    Nakabatay ang itinuturo sa gusto lang ng ilang edukado
    Naiwawala ng mga edukado ang naitakdang istandard sa wika
    60s
    Edit
    Delete
  • Q5
    Alin ang hindi totoo sa babasahing 'Mga Neanderthal versus wika'?
    Hindi nila matanggap na nabobo ang mga bata sa paaralan dahil sa problema sa sistema (suweldo't edukasyon ng titser, sapat na libro't babasahin, gamit sa silid-aralan) at hindi dahil sa wikang Ingles o Filipino
    Maihahalintulad sila sa mga sinaunang tao, malayo sa kabihasnan at makikitid ang pag-iisip
    Ipinaglalaban nilang higit na mabuting patuloy tayong maging bihasa lamang sa Ingles
    Sumasang-ayon sila sa wikang pambansang ibinatay sa Tagalog
    60s
    Edit
    Delete
  • Q6
    Alin ang hindi totoo sa babasahing 'Tagapayo' Beth Day?
    Iginiit niya ang paggamit ng Ingles at huwag ng magpakahirap pang maglinang sa Filipino bilang wikang pambansa
    Si Beth Day ay Kanang manunulat na nakipanayam kay Gen Carlos P. Romulo noong 1957 para sa Readers' Digest
    Tinalakay niya kung bakit napakapobre natin samantalang hawak natin ang agimat (ang Ingles) para sa mahusay na trabaho, diplomasya, at komersyong pandaigdig.
    Binanggit niyang mas marami ang nag-aaral ng Ingles sa buong mundo ngunit nakaligtaan niyang ang mga bansa ay may sariling wikang pambansa
    60s
    Edit
    Delete
  • Q7
    Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa babasahing 'Isang bansa, dalawang wika' MALIBAN SA:
    Mas nabigyang pabor ang Ingles kaysa Filipino sa programang bilingguwal
    Binigyang pansin ang pangangailangan sa libro, silid-aralan, at pagtaas sa suweldo ng titser
    Natutungkol ito sa pagpapatupad ng sistemang bilingguwal (hiwalay na pagtuturo sa wikang Ingles at wikang Filipino)
    Pagdaragdag/Pagbabalik ng Grade VII ay nakahalukay sa problema sa wikang panturo
    60s
    Edit
    Delete
  • Q8
    Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa babasahing 'Patayin ang Pilipinas' MALIBAN SA:
    Makapagpapagaan ang pagpatay sa Pilipinas sa pagtuturo ng wastong ispeling sa mga bagay na kaugnay ng ating katangiang pambansa
    Isang hakbang pasulong, praktikal at historikal na pakinabang nating kapag nagkaisa tayo sa Pilipinas
    Higit na maiintindihan ang ating kasaysayan - mula sa watak-watak na pulo tungo sa pinag-isang kapuluan - sa pangalang Filipinas
    Nagkaroon ng tatlong pangalan ang ating bansa: Filipinas (ibinasbas ng mga Espanyol), Philippines (sa Amerikano) at Pilipinas (bersiyong Tagalog ng una at ikatlo)
    60s
    Edit
    Delete
  • Q9
    Aling pahayag ang nais tumbukin ng babasahing 'Kung Filipino ka'?
    Malinaw na paggamit ng Filipinas sa lahat ng bagay na pambansa - mula sa wika, tao, halagahan, pamahalaan - ay Filipino.
    Gagamitin parin ang Republic of the Philippines
    Ipinapasok ang kasarian ng pangngalan sa Filipinas para sa kababaihan upang maibuklod sa kalalakihan na Filipinos
    Hindi sakupin ng batas ang pagpapalit ng pangalang Philippines o Pilipinas sa mga pribadong institusyo at korporasyon
    60s
    Edit
    Delete
  • Q10
    Anong nais mangyari ng may-akda sa babasahing 'Ang wika ng ating batas'?
    Kung maiintindihan ng mamamayan ang batas, mababawasan ang mga kaso't pagsuway
    Tumatagal ang pagdinig ng mga kaso dahil sa pagsasalin o pagkakaroon ng interpreter kaya aksaya sa oras
    Madalas na hindi marunong sa Ingles ang mga testigong inihaharap sa husgado kaya may pagsasalin
    Panukalang maisulat o di kaya'y isalin sa Filipino ang ating mga batas
    60s
    Edit
    Delete
  • Q11
    Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa babasahing 'Modernisasyon?' MALIBAN SA:
    Ang mga diptonggo at klaster ay kailangang biyakin, i.e, diyaryo, kuwento, radiyo, suweldo
    Ipalit ang mga isina-Filipinong terminolohiyang Ingles: "berb" para sa pandiwa, "nawn" para sa pangngalan
    Maliban sa diin patinig (malumi at maragsa) ni Lope K. Santos ay ang kay Cecilio Lopez, isang uri ito ng katinig na minarkahan niyang K at sinasagisag ng Q, i.e "ariq" at "basaq"
    Maraming tuntunin sa Balarila ang nabalewala dahil sa mga dagdag na titik sa abakadang Tagalog (f, j,q, x, y,z)
    60s
    Edit
    Delete
  • Q12
    Ang sumusunod na pahayag ay katanggap-tanggap sa babasahing 'Hindi patay ang Tagalog' MALIBAN SA:
    Nagbabago ang ating wika, yumayaman sa pamamagitan ng hiram at likha, ngunit mananatiling puso nito't ubod and pinagsaligang Tagalog
    Nag-uumpisa ang isang nag-aaral ng ating wika sa pamamagitan ng isang pundamental na bokabularyo ngunit nililinang niya ito sa pamamagitan ng dagdag na talasalitaan
    Sa pagtawag na Filipino sa ating wika, hindi nangangahulugang pinatay natin ang Tagalog. Pinayayaman lamang natin ang bokabularyo sang-ayon sa ating pangangailangan
    Ang salitang 'guro' sa isang nobelang salin mula Ingles ay palitan daw ng 'titser' dahil iyon ang mas naiintindihan ng marami at medyo luma na ang 'maestro'
    60s
    Edit
    Delete
  • Q13
    Alin ang pinakakaisipan sa babasahing 'Bigkas mo, sulat ko' at 'Iba ang pabigkas sa pagsulat 1-3'?
    Marami diumano'y pinalalaya ang wika sa pormalismong Tagalog ngunit malimit na nabubulid sa balbal at kolokyal
    Isang klase ng wika ang Taglish at praktikal para sa mga nasanay sa Ingles at may bokabularyong syokoy (hindi Ingles, hindi Espanyol)
    Dapat suriin ang gramatika, semantika, retorika at iba pang aspekto ng iba't ibang wika upang mapagbatayan ng isang malawakang reoryentasyon ng wikang pambansa
    May puwang sa tanikalang 'bigkas-sulat-basa'. Kayat nangyayaring iba ang sulat sa bigkas at nangyayari ring iba ang basa sa sulat.
    60s
    Edit
    Delete
  • Q14
    Sa aling babasahin isinasaad na: 'Ang wika natin, kung sakali't lumaganap, ay tiyakang magkakaroon ng pagkakaiba-ibang rehiyonal bukod sa mga kulay na balbal, kolokyal at sektoral'.
    Ang Filipino ay adisyon
    Ang Filipino ay maingat
    Mag Filipino daw tayo
    Ang Filipino ay tiyak
    60s
    Edit
    Delete
  • Q15
    Sa aling babasahin isinasaad na: 'Wika ng modernong Filipino ang Filipino at sapagkat higit na sanay sa Ingles ang modernong Filipio ay higit na ginagamit ng nakararami ngayon ang hiram na salita sa Ingles, i.e titser, palisi, atbp.'
    Ang Filipino ay adisyon
    Ang Filipino ay maingat
    Ang Filipino ay tiyak
    Mag Filipino daw tayo
    60s
    Edit
    Delete
  • Q16
    Sa aling babasahin maiuugnay ang paggamit ng pahayag sa patalastas: "Isang pagpugay sa katangiang Filipino". Ang 'pagpugay sa karangalan' ay isang paghamak o pagbawas sa dangal ng isang tao.
    Ang Filipino ay adisyon
    Mag Filipino daw tayo
    Ang Filipino ay tiyak
    Ang Filipino ay maingat
    60s
    Edit
    Delete
  • Q17
    Sa aling babasahin isinasaad na: 'Dumarating ang panahon, bunga ng mga bagong pangangailangan, na kahit ang dalawang salitang magkasingkahulugan ay magkaroon ng magkaiba't tiyak na gamit.
    Ang Filipino ay maingat
    Ang Filipino ay adisyon
    Ang Filipino ay tiyak
    Mag Filipino daw tayo
    60s
    Edit
    Delete
  • Q18
    Ang pahayag na: "Batayang simulain sa panghihiram-wika... ang paglitis at pagtanggap ng nanghihiram sa diwa at kahulugan ng salitang hinihiram. May pagbabago sa salitang hiram na bunga ng pagkakamali ngunit may mga pagbabago namang batay sa pangangailangang pandila, pang-ulinig. Halimbawa ang istambay (stand by), bulakbol (blockball); oras (hora); kabayo (caballo)" ay angkop sa babasahing
    Asar, inasal, asado
    Estandardisasyon, istandardiseysiyon
    Mga bilin ni Tomas Pinpin
    Hiramang-dila, bigayang-diwa
    60s
    Edit
    Delete
  • Q19
    Malaking tulong sa estandarisasyon kung mapananatili ang E sa salitang hiram sa Espanyol kung pormal ang pagsusulat samantalang itinuturing ang may palit na I varyant na maaaring gamitin sa impormal na pangungusap, i.e espada / ispada, estorbo / istorbo. Ang pahayag ay natutungkol sa babasahing
    Mga bilin ni Tomas Pinpin
    Hiramang-dila, bigayang-diwa
    Estandardisasyon, istandardiseysiyon
    Asar, inasal, asado
    60s
    Edit
    Delete
  • Q20
    Sa aling babasahin nauugnay ang pahayag na: 'Si Nena ng Bulacan ay nagiging Nina sa Cebu at si Nina ng Makati ay nagiging Nena sa Mactan. Ang nakatutuwa, isinusulat ng taga-Cebu na Nena ang Nena ngunit binibigkas nang Nina'.
    Mga bilin ni Tomas Pinpin
    Asar, inasal, asado
    Hiramang-dila, bigayang-diwa
    Estandardisasyon, istandardiseysiyon
    60s
    Edit
    Delete

Teachers give this quiz to your class