
CLVE 10: Pagsusulit 1 (Unang Markahan)
Quiz by Francis Gonzaga
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ano ang mahalagang espirituwal na handog ng Diyos sa tao na nagpapaangat sa kaniya sa iba pang nilikha?
Ano ang pangunahing tunguhin ng isip ng tao na kaloob ng Diyos?
Ano ang espirituwal na kaloob ng Diyos sa tao na ang pangunahing tunguhin ay magganyak upang gustuhin ng tao ang isang kilos o gawain?
Bilang indibiduwal na pinagkalooban ng isip at kilos-loob, ano ang mataas na tunguhin nito na inaasahang taglayin at isabuhay ng bawat tao?
Sino ang haring kinilala bilang pinakamatalinong taong nabuhay sa daigdig noong 970–931 BCE? Siya ang bumuo ng kalipunan ng mga aral at tagubilin na mabuting gamiting gabay sa buhay.
Anong pagpapahalaga ang nagpapakita ng kung ano ang totoo, walang halong pagpapanggap o pagsisinungaling? Ito ang siyang nagpapalaya sa tao.
Anong uri ng batas na pamantayan ang nagpapakita ng mismong karunungan ng Diyos o isip ng Diyos na namamahala sa lahat ng kilos at galaw na umiiral sa sanlibutan?
Likas na sa tao na ingatan at pangalagaan ang kaniyang buhay. Likas na din sa kaniya na naisin ang mabuti at iwasan ang masama. Alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi nakaugnay sa Likas na Batas Moral ng tao?
Anong uri ng batas ang nagbibigay ng direksyon tungo sa isang makataong kilos?
Anong uri ng batas na pamantayan at gabay ng kilos-loob ng tao ang nagpapakita ng pakikibahagi ng tao, bilang rasyonal na nilikha sa batas eternal?
Anong uri ng batas ang nagpapakita na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may malayang daloy ng buhay at sila ay sumusunod sa batas na itinakda para sa kanilang pagkakalikha?
Ang nilalang na may isip at kilos-loob lamang ang nasasaklaw ng Batas Moral. Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng Batas Moral?
Ano ang binanggit na pananaw ng pari na si Fr. Joseph De Torre patungkol sa kahulugan ng batas?
Ayon kay Esteban, anong kategorya ang makikita sa pangunahing utos ng Kristiyanismo na ibigin ang Diyos ng higit sa lahat at ang aral ng Islam na si Allah ang Diyos at si Mohammad ang propeta?
Ayon kay Esteban, anong kategorya ang makikita sa ikatlong utos para sa mga Kristiyano na italaga sa Diyos ang araw ng pamamahinga, ng kautusan para sa mga Muslim na Pag-aayuno sa panahon ng Ramadan, at aral ng Budhismo na Wastong Paglilimi?