
CLVE 9: Ikalawang Buwanang Pagsusulit
Quiz by Francis Gonzaga
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Ano ang katawagan sa samahan o organisasyon na may layuning itaguyod ang mga espisipikong interes o kagustuhan ng mga mamamayan tulad ng pagkakaroon ng mapayapa at malinis na halalan, pangangalaga sa mga hayop sa kagubatan, at pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng walang kinikilingang kasarian?
Anong samahan ng lipunan ang nagtataguyod ng likas-kayang solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran na may kaugnayan sa basura at polusyon?
Anong samahan ng lipunan ang pangunahing kilusan na nagtataguyod sa pangangalaga sa kapaligiran na itinatag noong taong 1972?
Anong samahan ang nagpapakita ng pangunahing tungkulin na ituro at gabayan ang kanilang mga tagasunod sa paglinang ng mga moral at espirituwal napagpapahalaga na magtataguyod ng paggalang sa buhay at dignidad ng tao?
Ano ang isa pang katawagan sa lipunang sibil dahilan sa kanilang adbokasiya at mga adhikaing itinataguyod at ipinaglalaban?
Anong biyaya ng Diyos ang ipinagkaloob Niya sa tao upang gamitin at mapalago ang kaniyang pagkatao?
Anong karapatan ng tao ang nagpapakita na ang mga magulang at ang gobyerno ay gumagawa ng paraan upang lahat ng mga kabataan ay magkaroon ng magandang kinabukasan?
Anong tungkulin ng tao ang tumutukoy sa paraang ito upang makabili ng pagkaing sapat sa sarili at pamilya, makabili ng damit upang maprotektahan ang sarili sa lamig at init, makainom ng malinis na tubig, makalanghap ng sariwang hangin o maprotektahanang sarili at pamilya sa maruming hangin sanhi ng polusyon ng basura, usok ng sasakyan o iba pang kemikal ng mga pabrika?
Ano ang kaakibat ng mga karapatang ipinagkaloob ng Diyos sa tao? Ito ay kinakailangang gampanan at isabuhay ng bawat tao.
Anong uri ng batas ang tumutukoy sa batas na ibinigay ng Diyos ayon sa Banal na Kasulatan?
Anong uri ng batas ang tumutukoy sa batas na likas sa pagkatao, ang mga tungkulin at karapatan na nakaatang na galing sa kaniyang dignidad bilang tao?
Sino ang sikolohosta ang gumawa ng pag-aaral at lumikha ng teoryang Hirarkiya ng Pangangailangan?
Ang mga samahan sa lipunang sibil ay kadalasang Non-GovernmentOrganizations.
Ang bawat tao ay may tungkuling panatilihing maayos at mapayapa ang kaniyang kapaligiran.
Hindi kailangan ang tulong ng lipunang sibil sapagkat natutugunan ng bawat tao ang ispisipikong pangangailangan nila nang sila lamang.
Ang tao ay hindi nabubuhay sa sarili lamang.
Layunin ng Bantay Bata 163 na bigyang proteksiyon ang mga batang biktima ng pang-aabuso sa pamamagitan ng isang nationwide network ng panlipunang serbisyo.
Ang mapanagutang tao ay laging gumaganap ng kaniyang tungkulin sa sarili, kasapi ng pamilya, kamag-aral, kapuwa sa barangay, kaibigan, kababayan, at sa buong mundo.
Layunin ng organisasyong GABRIELA na itaguyod ang mga karapatan ng kalalakihan.
Bago maudyukan ng pangangailangang pangkaisipan (cognitive) at kaganapan bilang tao (self-actualization), kailangang matugunan muna ang mga nasa mababang pangangailangan.
Ang samahan ng NAFREL o National Movement on Free Election ay naglalayong maitaguyod ang isang malinis at maayos na kalsada ng bawat barangay nanasasakupan ng lungsod.
Ang tao ay may sosyal at politikal na aspeto, at siya ay nabubuhay kahit sa sarili lamang.
Madalas nang hinahayaan ng mga magulang na makihalubilo ang kanilang anak sa kaniyang mga kaibigan o kasing edad. Ito ay sa kadahilanang nais nanilang matuto sa pakikipagkapuwa-tao ang kanilang anak.
Dahil lumalaki na ang anak nina Ruben at Tanya, mas pinag-igihan nila ang paghahanap-buhay at pag-aalaga sa kanilang anak. Nais nilang masiguro ang maayos na kapaligiran at mga nakakasama ng kanilang anak upang maging maayos ang paglaki nito.
Pagkatapos manganak ni aleng Berta ay inihanda na ang lahat ng pangangailangan ng bata. Magmula sa gatas nito, bitamina, damit, at iba pang kinakailangan upang maging maayos at ligtas ang kaniyang paglaki.
Madalas pinupuri ng kaniyang magulang ang magaganda at maayos niyang gawi kung kaya ay lumalakas ang kalooban niya sa pagharap pa sa ibang pagsubok sa buhay niya.
Si Mario ay mahilig tumuklas ng maraming bagay. Kapag may hindi siya alam o nais niyang malaman ang kahulugan, agad niya itong itinatanong. Kung kaya marami pa siyang nais na matutuhan sa kaniyang paghahanap.
Ang lahat ng bagay ay nabibigyang liwanag ni Gerry sa pamamagitan ng kaniyang kaalamang may integridad at nabibigyang kalutasan nito ang mga bagay namahirap ipaliwanag mula sa pisikal na bahagi lamang ng buhay.Â
Dahil sa kakayahang mayroon si Klay ay marami ang humanga sa kaniya. Nakilala siya mula sa kaniyang angking galing at mula sa pagbabahagi niya ng kaniyang mga kaalaman at kakayahan upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang kapuwa-tao.
Nais ng magkakaibigan na magtungo sa kabundukan upang makalanghap ng sariwang hangin at makita ang magagandang tanawin sa kanilang lugar. Ito ang dahil kung bakit nagiging maayos ang kanilang pakiramdam upang magpatuloy sa hamon ng buhay at sapagkakamit ng mithiin nila sa buhay.