placeholder image to represent content

DUGTONG TANAW 5

Quiz by Albert Punzalan

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
27 questions
Show answers
  • Q1
    Sino ang taga-Orani na gobernador noong mga panahong nawala na ang kalayaang tinatamasa ng mga taga-Bataan. Ipinagbawal ang pagtitipon-tipon, maging ang mga partidong pulitikal at upang maipagpatuloy ang mga gawain ng pamahalaan, nanatili sa pwesto ang mga pinuno ng lalawigan at bayan ngunit ang lahat na gawain ay alinsunod sa mga utos at kapritso ng Hapones.
    Jorge Vargas
    Kgg. Simeon Salonga
    Col. Wilson
    Gen. Francisco
    30s
  • Q2
    Ano ang tawag sa taong may takip na bayong na may butas sa tapat ng mata? Itinuturo nito kung sino ang pinaghihinalaang gerilya o magnanakaw, kasabay ang sigaw na _______ na ang kahuluga'y tanga o hangal
    Makahiya
    Makachoice
    Makalaban
    Makapili
    30s
  • Q3
    Ito ang tawag sa military police na siyang nagsimulang magpalaganap nang labis na kapangyarihan at walng pagpapahalaga sa buhay ng tao. Sinasalakay nila ang mga tahanan nang walang patumangga at dagliang ikinukulong at pinarurusahan ang mga inaakalang may kasalanan.
    Kempeitai
    dos-por-dos
    Kampay
    Puppet
    30s
  • Q4
    Maraming impormasyon ang nakalap ng intelligence service ng Hapon sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa
    Hapones na naninirahan sa ibang bansa
    Hapones na dating naninirahan sa Pilipinas
    Mga bayarang tagpagturo
    Mga nakikiramay at nakikiisa
    30s
  • Q5
    Siya ang namumuno ng Konstabularya ng Bataan.
    Gen. Vargas
    Gen. Francisca
    Gen. Reyes
    Gen. Francisco
    30s
  • Q6
    Itinatag noong Mayo 1943 ang Kilusang Bataan-Zambales Gerilya sa pamamahala nino?
    Col. Wilson
    Kgg. Simeon Salonga
    Capt. Ralph Mcguirre
    Gen. Francisco
    30s
  • Q7
    Sino ang nagtatag ng limang rehimiento ng gerilya sa Bataan na karamihan ay nasa kani-kanilang tahanan?
    Capt. Ralph Mcguirre
    Lt. John Boone
    Gen. Francisco
    Col. Wilson
    30s
  • Q8
    Ano ang nagbigay-daan sa paglaya ng Bataan at ng Central Luzon na nangyari noong Pebrero 15, 1945
    Pagbagsak ng Bataan
    Pagbagsak ng Zigzag Pass
    Pagbagsak ng Abucay-Morong Line
    Paglusob ng mga gerilya sa Zigzag Pass
    30s
  • Q9
    Ito ay nasa pagitan ng Bagac-Balanga at Abucay na kung saan ang watak-watak at demoralisadong Hapones ay tumahimik at lihim na nagtayo ng kampo sa paligid nito
    Talon Kataybang
    Talong Dunsulan
    Talon Kairukan
    Talon Limutan
    30s
  • Q10
    Naging mahirap para sa mga gerilya ang lumaban dahil lingid sa kanilang kaalaman ang Hapones ay nasa itaas ng punong-kahoy. Sino ang nasawi sa labanang ito sa Balanga at saang bario nangyari ito na kung saan ay tinatayang 3,000 na Hapones ang sumuko?
    Lt. Alfredo Napales at BarrioTalisay
    Lt. John Boone at BarrioTanato
    Lt. John Boone at BarrioTalisay
    Lt. Alfredo Napales at BarrioTanato
    30s
  • Q11
    Sa labanang ito, nataas ng ranggo si Sgt. Gibson bilang 2nd Lieutenant.
    Trahedya ng Hill 400
    Labanan sa Pulong Caraballo
    Sagupaan sa Novaliches
    Labanan sa Fort Drum
    30s
  • Q12
    Siya ay isang gerilyang taga-Bagac,Bataan na tumaggap ng medalya na karangalan, "PURPLE HEART", dahil sa katangi-tanging talino at katapangang ipinamalas sa LABANAN SA PULONG CARABALLO
    Lt. Alfredo Napales
    Armando Mandocdoc
    Lt. Col. Corbin
    Maj Eduard F. Ramsey
    30s
  • Q13
    Ito ay lalong kilala sa tawag na Concrete Battleship ng Hapon.
    Fort Drum
    Hill 400
    Caraballo
    Novaliches
    30s
  • Q14
    Sa labanang ito nilagyan ng mga gerilya at ng tropang Amerikano ng paputok ang paligid ng Fort Drum at sinabuyan ng langis ang barko hanggang sa sumabog.
    Labanan sa Pulong Caraballo
    Sagupaan sa Novaliches
    Labanan sa Fort Drum
    Trahedya ng Hill 400
    30s
  • Q15
    Ang labanang ito ay nagbigay sa mga gerilya ng Bataan ng malawak na karanasan sa pagiging praktikal sa pakikipaglaban sa mga kaaway.
    Sagupaan sa Novaliches
    Labanan sa Fort Drum
    Trahedya ng Hill 400
    Labanan sa Pulong Caraballo
    30s

Teachers give this quiz to your class