placeholder image to represent content

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 - QUARTER 3

Quiz by JEAN PAUL BANAY

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
35 questions
Show answers
  • Q1

    Kung ikaw ay tumatawid sa highway, saan mo dapat ito ginagawa?

    sa ibaba ng overpass

    sa lugar kung saan may tawiran

    kung saan walang pulis na nakakakita

    kung saan may traffic lights

    30s
  • Q2

    “Habulin natin ang red light para makatawid,” ang sabi ni Chayong. Ano ang masasabi mo?

    Tama, dahil mapapagalitan kayo kapag kayo ay nahuli.

    Hindi dapat hinahabol ang red light kung nagmamadali.

    Dapat tumawid lamang kung green light.

     

    Tama ang sinabi ni Chayong kung kaya’t sila ay nagmamadali.

    30s
  • Q3

    Tuwing oras ng uwian, ang mga tao ay lumalampas sa daan sa pag-aabang ng masasakyan. Ano ang masasabi mo?

    Maaaring gawin ito kung walang mga sasakyan.

    Hindi ko sila masisisi    

    Kailangan nila ng disiplina

    Dapat silang ikulong

    30s
  • Q4

    Sa inyong barangay, ginagamit ang kalsada bilang basketball court. Ano ang masasabi mo?

    maaaring gamiting palaruan ang kalsada kung gabi

    hindi palaruan ang kalsada

    dapat lamang na nasa daan ang mga kabataan

    ipahuli sila sa barangay tanod

    30s
  • Q5

    Ang pagtatapon ng basura o kalat sa kanal ay ____________.

    ginagawa lamang kung panahon ng tag-ulan

    mabuti itong gawain

    nararapat lamang magtapon sa kanal

    maling gawaing

    30s
  • Q6

    Maraming tao ang nawalan ng mga kamag-anak at nawalan ng tahanan nang dumaan ang      malakas na bagyo. Nagpanukala ang pangulo ng inyong klase na magbibigay ng mga donasyong pera, pagkain, at lumang damit sa biktimang naiwan. Ano ang masasabi mo?

    may mga ahensya ang pamahalaan na dapat tumulong

    hayaan na lamang na ang mga may pera ang tumulong

    walang magagawa ang ating donasyon

    dapat tayong tumulong sa abot ng ating makakaya

     

    30s
  • Q7

    Taun-taon ay may solisitasyong natatanggap ang pamilya ni Eden mula sa isang organisasyon ng kawanggawa na tumutulong sa mga taong may kapansanan. Bilang paghahanda, nag-iimpok ng pera sa alkansiya si Eden at humIhingi rin ng solitasyon mula sa kanyang mga kapamilya. Ano ang masasabi mo rito?

    mas mabuti pang ipunin na lamang nya ang kanyang pera

    hindi maipagmamalaki ang gawaing ito

    malaki ang malasakit ni Eden sa may mga kapansanan

    wala itong maidudulot na mabuti

    30s
  • Q8

    May programang piso para sa Mindanao na naglalayong pondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar sa Mindanao na nasira ng giyera. Ano ang gagawin mo?

    Hihingi ako ng pera sa mga magulang ko bilang kontribusyon.

    Iiwasan ang pagbibigay ng anumang kontribusyon.

    Manghihingi ako sa aking mga kaklaseng mayaman.

    Maglalaan ako ng piso mula sa aking baon.

    30s
  • Q9

    Naulila ang isa sa iyong kamag-aral. Ano ang nararapat mong gawin?

    Walang ginagawa sa mga ganitong pagkakataon

    Dadalaw sa bahay ng kamag-aral upang makidalamahati at mag-abot ng  tulong.

    Pupunta sa bahay ng kamag-aral upang makibalita sa mga pangyayari.

    Pupunta sa bahay ng kamag-aral at makikikain

    30s
  • Q10

    Isang paanyaya sa inyong paaralan na manood ng palatuntunang idaraos ng mga kabataang may kapansanan, bilang fund raising. Abot-kaya naman ang ticket. Ano ang gagawin mo?

    Manonood na lang ako ng sine.

     

    Ibebenta ko sa iba ang ticket.

    Hindi ako interesadong manuod  ng  palabas

    Manonood ako ng palatuntunan, bilang pagbibigay kasiyahan at tulong sa mga may kapansanan.

    30s
  • Q11

    Kung nagagalit si Rita, siya ay humihiyaw, si Dimples naman at nagtatapon ng gamit, sinansaktan naman ni Marco ang sarili. Ang mga ganitong paraan ng paglalabas ng galit ay ____________.

    makaluma at dapat iwasan

    nakakatakot at dapat sampalin

    maktwiran at dapat tularan

    marahas at dapat pinipigil

    30s
  • Q12

    Sa aking palagay, ang lahat ng tao ay ___________.

    dapat iisa lamang ang opinyon

    may karapatang magkaroon ng sariling opinyon

    dapat sumunod na lamang sa opinyon ng nakararami

    dapat umiwas sa pagkakaraon ng opinyong naiiba sa nakakarami

    30s
  • Q13

    May negosyanteng nais magtayo ng pagawaan ng produktong goma sa inyong subdivision. Ano ang gagawin mo rito?

    dapat sang-ayunan ang proyektong ito

    hindi angkop ang  pang-industriyal na negosyo sa lugar na pinaninirahan ng tao

    dapat itong pigilan dahil hindi naman ako makikinabang

    magandang hanapbuhay para sa mga makatira rito

    30s
  • Q14

    Sino ang pinakamatalinong gumagamit ng kanilang oras: Si Leny ay madalas makipagkuwentuhan. Si Teresa ay naggagantsilyo habang nakikinig sa radyo. Si Gigi naman ay nanonood ng paboritong telesine o natutulog. Si Alyzza na maghapon at magdamag na naglalaro ng ML.

    si Teresa

    si Gigi

    si Alyzza

    si Leny

    30s
  • Q15

    Kung ikaw ay may natanggap na malaking pera, ano ang uunahin mong bilhin?

    pinaka-bagong cellphone

    bagong damit at sapatos

    masasarap na pagkain

    gamit para sa darating na pasukan

    30s

Teachers give this quiz to your class