placeholder image to represent content

EKONOMIKS

Quiz by Estrella

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

    Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. 

    Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon

    Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap. 

      Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

     

    30s
  • Q2

    Alin sa sumusunod ang hindi salik ng produksiyon?

    I.      Lupa      II. Paggawa      III. Kapital       IV. Proseso       V. Entreprenyurship

       I,II,III 

      I,II,III,V 

    I,III, IV, V 

      I,II,III,IV 

    30s
  • Q3

    Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-

    araw-araw na pamumuhay?

    Ang produksiyon ang pinagmulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-aaraw-araw.

    Ang pagkonsumo ay nagbibigay – daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.

    Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.

    Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto.

    30s
  • Q4

    Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng 

    pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa ___.

    Pamamahagi ng likas na yaman

    Pagkonsumo ng produkto at serbisyo

      Paglikha ng produkto at serbisyo

    Paggamit ng produkto at serbisyo

    30s
  • Q5

    Sa Ekonomiks, ang pangunahing salik ng produksiyon ay kinabibilangan ng__.

    Sahod, Renta, Interes, Tubo

    Lupa, sahod, paggawa, kapital

    Input, Proseso, Output

    Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyurship

    30s
  • Q6

    Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglikha ng produkto at serbisyo upang 

    matugunan ang pangangailangan ng tao?

    Pag-aanunsiyo

    Alokasyon

    Pagkonsumo

    Produksiyon

    30s
  • Q7

    “The customer is always right”. Bilang isang mamimili, paano natin ito naipaglalaban?

    Ang mamimili ay laging tama ayon sa kanyang mga karapatan bilang mamimili

    Ang mamimili ay tama kapag inireklamo nya ang depektong serbisyo at produkto

    Lahat ng nabanggit

    Ang mamimili ay tama ayon sa pagbili ng kanyang sariling pangangailangan at kagustuhan

    30s
  • Q8

    Bakit kailangang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamimili?

    Upang ang mga mandaraya ay matigil sa kanilang di magandang gawi

    Dahil nais nating gumising ang kapwa nating mamimili sa pang-aabuso ng mga negosyante

    Lahat ng nabanggit  

    Dahil kailangan labanan ang mga di wastong pangangalakal

    30s
  • Q9

    Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkokonsumo?

    Magkaiba ang pangangailangan ng tao

    Maraming kalagayan ang isinaalang-alang

    Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

    Magkaiba ang mga katangian ng salik na nakaapekto sa pagkonsumo

    30s
  • Q10

    Paano maisagawa ng isang matalinong mamimili ang pagbili ng produktong nais bilhin?

    Pumili ng produktong di kasing mahal ngunit maganda

    Pumili pagkatapos maikumpara ang presyo at kalidad ng produkto

    Piliin ang maayos at matibay o mga de kalidad na produkto

    Pumili ng produktong secondhand upang makamura

    30s

Teachers give this quiz to your class