
EL FILI (unang pgsusulit- kaligirang kasaysayan ng Fili at pabalat ng Noli)
Quiz by Maribeth Mayos
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang filibustero ay ginagamit na tawag sa mga taong__________________.
Ang erehe ay ginagamit na tawag sa mga taong__________________.
Ang pinagtuunan ng pansin ni Rizal sa Noli Me Tangere ay mga sakit o kanser sa lipunan samantalang ang El Fili naman ay nakatuon sa________________
Kanino inialay ni Rizal ang pangalawang nobela niyang El Filibusterismo?
Ito ay salitang kinatatakutang sambitin ng mga tao noon sapagkat ang katumbas nito ay kamatayan.
Inilarawan ni Rizal ang mga paring martir bilang_____________________.
Tawag sa paglahok ng mga Prayle sa mga usaping legal, politikal at sosyal na pampamahalaan.
Alin sa mga sumusunod ang dahilan ni Rizal sa pagsulat ng El Fili na siya ring naranasan ng kanyang ama at mayayamang encomiendero mula sa mga mapang-abusong prayle?
Sinimulan ni Rizala ang akdang karugtong ng Noli habang nagpapraktis ng Medisina sa Calamba noong_________.
Kailan palihim na umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Amerika at Europa dahil sa nakaambang panganib sa buhay ng kanyang mga mahal sa buhay.
Kailan naipagpatuloy ni Rizal ang pagpapalimbag at nailathala nang maayos ang El Fili sa tulong ng kanyang kaibigang nanirahan sa Paris?
Siya ang kaibigan ni Rizal na tumulong sa kanya sa pagpapalimbag ng El Fili. Sa kanya rin nabili ng Pamahalaan ng Pilipinas ang manuskrito ng El Filibusterismo.
Noong 1925, binili ng pamahalaan ng Pilipinas ang El Fili kay Ventura sa halagang______.
Isa sa mga dahilan ng pagsulat ni Rizal g El Fili ay dahil sa _______________ na naranasan niya noong siya ang nag-aaral sa Unibersidad ng Sto. Tomas na puro teorya lamang ang itinuturo walang aplikasyon. Ipinakikita rin ang diskriminasyon sa mga pilipinong estudyante mula sa mga kastila at mestizo.
Bagay na ginamit ni Rizal sa pabalat ng Noli upang ipakita ang pagiging maluho ng mga Prayle sa Pilipinas.
Simbolong ginamit ni Rizal upang ipakita ang pang-aalipin at kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
Ano ang ibig sabihin ng dalawang tatsulok na makikita sa pagkakahati ng pabalat ng Noli?
Sagisag ng pag-asa sa pabalat ng Noli.
Ang pulang pagkakasulat ng pamagat na Noli Me Tangere ay nangangahulugang_______.
Sagisag na ginamit ni Rizal upang ipakita ang silakbo ng damdamin ng mga Pilipino noong panahon niya. Ito rin ay ginamit na simbolo ng edukasyon at kaliwanagan.