placeholder image to represent content

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO - PAGSUSULIT

Quiz by Flordiliza Pacquiao

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Sa elementong ito isinasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang maglalahad ng mga pangyayari.
    Suliranin
    Himig
    Paksang-diwa
    Paningin
    30s
  • Q2
    Sa elementog ito sinusuri ng kritiko ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.
    Pagtutunggali
    Suliranin
    Banghay
    Kakalasan
    30s
  • Q3
    Ang maikling kuwento ayon sa kanya ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay.
    Genoveva Edroza-Matute
    Ponciano BP. Pineda
    Genoveva-Mendoza-Mabuti
    Efren R. Abueg
    30s
  • Q4
    Sa elementong ito pinag-aaralan ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda.
    Galaw
    Paningin
    Salitaan
    Paksang-diwa
    30s
  • Q5
    Sa elementong ito inaalam ang paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
    Pagkasunod-sunod
    Daloy
    Galaw
    Banghay
    30s
  • Q6
    Ano ang pinakapaksang-diwa ng akdang "Saranggola"?
    Pagmamahal ng ama sa anak
    Pagmamahal ng anak sa magulang
    Pamamaraan ng pagmamahal ng magulang sa anak
    Pagdidisiplina ng magulang sa anak
    30s
  • Q7
    Taglay ba ng binasang akdang "Saranggola" ang mahahalagang elemento ng maikling kuwento?
    Hindi, dahil hindi ko gusto ang wakas ng kuwento.
    Oo, dahil maganda ang wakas ng kuwento
    Oo, dahil maraming mapupulot na aral sa kuwento
    Oo, dahil malinaw, maayos, at makabuluhan ang kuwento.
    30s
  • Q8
    Sa iyong palagay, kung ang kuwento ay walang suliranin, magiging kapana-panabik kaya ito? Bakit?
    Hindi, dahil isa ito sa mga sangkap/elemento na kinakailangan upang maging kapana-panabik ang pangyayari sa kuwento.
    Oo, dahil marami pa namang ibang elemento ng maikling kuwento.
    Hindi, dahil ito ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.
    Oo, dahil ayos lang kahit wala ang elementong ito kapag susulat ka ng kuwento.
    30s
  • Q9
    Ito ay isang uri ng masining na pagsasalaysay, maikling ang kaanyuan, at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas.
    Maikling Akda
    Maikling Katha
    Maikling Kuwento
    Maikling Talambuhay
    30s
  • Q10
    Ang elementong ito ay ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat.
    Kakalasan
    Pagtutunggali
    Salitaan
    Suliranin
    30s

Teachers give this quiz to your class