
EPP 3rd Quarter Assessment
Quiz by Ronalyn D. Tolentino
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang natural na paraan na nagpapanatili ng sustansiya sa lupa.
Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental?
Sa pagbebenta ng halamang ornamental kinakailangang ibigay ang mga pangangailangan ng halaman tulad ng tubig, abono, at sikat ng araw upang manatili itong malusog at sariwa habang nakadisplay.
Ito ang hayop na malimit na inaalagaan at pinagkakakitaan sa mga probinsiya dahil doon may malawak na bakuran at malayo sa mga kabahayan.
Pakainin ang mga inahing manok at sisiw ng ____hanggang ___ na beses sa isang araw.
Sa pag aalaga ng baboy kinakailangan na ang kanilang tirahan ay gawa sa kawayan at pawid. Kailangang mayroon itong silong bilang pahingahan.
Ano ang ibig sabihin ng F sa ahensiya ng BFAR?
Sa pag aalaga ng isda kinakailangan na ang temperatura ng tubig nito ay ?
Sa pag-aalaga at pagpaparami ng palamuting isda kinakailangang paghiwalain ang mga babae at lalaki sa loob ng _____linggo.
Ang Animal Welfare Act of 1998 ay mas kilala bilang ?
Ito ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas.
Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga crush video at ang pamamahagi nito sa anumang paraan.
Sinasabi sa batas na ito na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.
Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas.
Nangangailangan ang goldfish ng malaking tangke upang ito ay malayang makagalaw sa loob.
Ito ay isang uri ng baboy na may maitim na may guhit na nakapulupot na puting kulay sa balikat at katawan. May maiksing paa at medyo manipis ang katawan.
Ito ay mainam alagaan dahil hindi ito masyadong maselan at hindi rin gaanong alagain.
Kilala ang uri ng kambing na ito sa pagkakaroon ng gatas na may mataas na butterfat at protina.
Ang lahi ng kambing na ito ay mainam sa mainit na lugar. Nagbibigay ito ng tatlong litro ng gatas araw-araw.
Ang pag-aalaga ng _____ay madaling pagkakitaan sapagkat ang mga ito ay nakalilibang.