
EPP 4 Q1
Quiz by Daisy G. Gonzales
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Namantsahan ng chocolate cake ang pulang t-shirt ni Cora. Maaaring gumamit si Cora ng ________.
Grade 4 na si Benny. Natutuhan niya ang wastong pangangalaga sa sariling kasuotan. Sa pag-aalis ng chewing gum, maaari niyang gamitin ang _______.
Dumalo sa isang birthday party si Princess. Habang siya ay kumakain, natapunan ng spaghetti ang kanyang bagong puting shorts. Ano ang dapat gawin ni Princess pag-uwi sa bahay?
Suot ni Lani ang kanyang damit na pambahay. Napansin niyang ito ay may punit, ano ang dapat niyang gamitin sa pagkukumpuni ng punit? a. tela at gunting b. karayom at tela c. karayom at sinulid d. gunting at sinulid
 Ipinagbabawal ang paglalaro sa basketball court dahil sa quarantine o hindi pwedeng lumabas kaya naisipan ni Jonas na ayusin ang kanyang mga damit sa kabinet. Nakita niya ang kanyang t-shirt na itim at mayroon itong hindi kanais-nais na amoy. Ano kaya ang mabuting gawin sa kanyang t-shirt?
May bagong washing machine sina Joy. Gustung-gusto na niyang gamitin ito sa paglalaba pero hindi pa siya tinuturuan ng kanyang Tatay. Ano ang dapat gawin ni Joy?
Isang gabi ay hinahanap ni Henry ang kanyang polong dilaw. Nakita niya ito sa ilalim ng mga lumang damit. Lukot na lukot ito. Ano kayang kasangkapan ang maaari niyang gamitin para mawala ang lukot ng kanyang polo?
Marunong nang manahi sina Clara at Jerry gamit ang karayom at sinulid. Maraming uri ng tahi ang kanilang natutuhan sa kanilang guro. Nais pa nilang mapaunlad ang kaalaman sa pananahi ng kanilang kasuotan. Anong kasangkapan kaya ang makatutulong sa kanila?
Masakit na ang kamay ni Cely sa paglalaba ng mga pantalong maong. Para mapadali ang kanyang paglalaba, ano kaya ang maaaring gamitin upang maging malinis ang pantalong maong?
Si Mario ay mag-aaral sa Grade 4. Isang araw naisip nyang maglaba ng ilang pirasong damit na panloob. Anong kasangkapan ang mas nababagay gamitin ni Mario para sa paglalaba ng kanyang sariling kasuotan?
Ginagamit ito kasama ng sinulid sa pananahi na may iba’t ibang laki at haba.
Ginagamit itong panggupit ng tela at sinulid.
Dito nilalagay ang mga gamit sa pananahi
14. Dito tinutusok ang mga aspile at karayom kapag hindi ginagamit.
Ginagamit ito sa pagmamarka ng tela o padron
Habang nag-aayos ng damitan ang iyong kapatid ay napansin mong maluwag ang isang butones ng kanyang damit, ano ang dapat mong gawin?
Habang nananahi ang iyong nanay ay napansin mong nakakalat ang mga kagamitan niya sa pananahi, ano ang maaari mong gawin?
Natanggal ang kawit ng palda ng iyong ate, nakita mo na ang sinulid na ginamit niya ay iba sa kulay ng tela ng kanyang tinatahi, ano ang maaari mong gawin?
Sinabi ng nanay mo na hindi ka muna ibibili ng bagong uniporme sa pasukan at isasaayos na lang niya ang mga sira nito, ano ang iyong magiging reaksyon patungkol dito?
Binigyan ka ng gawain ng iyong guro na ayusin ang mga payak na sira ng iyong mga kasuotan, ano ang iyong gagawin?
Nabasag ni Mary-Ann nang hindi sinasadya ang plorera ng kanyang ina matapos niya itong masagi. Ano ang dapat gawin ni Mary-Ann sa mga piraso ng bubog mula sa plorerang nabasag?
Nanghihinayang si Bernie na itapon ang mga plastic bag at sako na naipon ng kanyang ina mula sa araw-araw nitong pamimili. Ano kaya ang pwede niya pang gawin dito?
Matapos malimutang ilagay ni Michael sa ref ang kanilang natirang pagkain sa hapunan, napanis ang mga ito. Ano kaya ang mainam gawin ni Michael sa mga panis na pagkain?
Dahil bakasyon, naisip ni Evelyn na maglinis ng kanilang bodega. Matapos sinupin lahat ng tambak sa bodega nakaipon siya ng maraming karton, bote, at plastik na lagayan. Ano kaya ang nararapat gawin ni Evelyn sa kanyang mga naipong kalat?
Malakas ang hangin, nagkalat ang mga dahon at bungang nalaglag mula sa puno ng mangga sa bakuran nila Rachel. Ano ang pinakamainam niyang gawin matapos walisin ang mga dahon at bunga?
Ang mga pagkaing sagana sa protina tulad ng isda, karne at itlog ay nabibilang sa pangkat ng _________.
Ang mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay tinatawag na Go Foods. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang nabibilang sa pangkat na ito?
Sa Food Pyramid Guide, ang nasa unang bahagdan sa ibaba ay nangangailangan ng mas maraming sukat na kakainin sa almusal. Alin sa mga ito ang hindi kasama sa pangkat?
Ang tsokolate at matatamis na pagkain ay nasa tuktok o dulong bahagi ng Food Pyramid Guide. Dapat ay malaking sukat at uri nito ang kakainin sa bawat paghahain.
Ang mga madahon at maberdeng gulay tulad ng kangkong at talbos ng kamote ay nakakatulong sa pagsasaayos ng sistema ng katawan. Sa anong pangkat ng mga pagkain ito nabibilang?
Humigop ng sabaw si Tanya gamit ang kutsara
Bago mag-umpisang kumain ay hinawakang mabuti ni Roy ang kutsara sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang tinidor.
Tinidor ang ginamit ni Liza pangkuha ng kanin.
Kahit may lamang pagkain ang bibig ay nagsasalita pa din si Lito.
Pinaglalaruan ng bata ang kutsara at tinidor.
Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato. Pagsama-samahin ang magkakaparehong kasangkapan.
Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan gaya ng baso, kubyertos, plato, sandok, at pinaglutuan.
Tiyakin na ang mga kasangkapan ay malinis at bahagyang amoy.
Ayusin at iligpit ang mga kasangkapan kahit saan
Ilagay sa lugar na madaling makuha ang mga kasangkapang madalas gamitin.