placeholder image to represent content

EPP V Pagtatasa Q1 (Module 1-3)

Quiz by Thomas S. De Vera I

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    1. Katatapos lang magbasketbol ni Ken. Kailangan na niyang magpalit ng damit dahil basa na ito ng pawis. Habang nagpapalit ay napansin niyang napunit pala ito. Alin sa mga sumusunod ang pinakatama niyang gawin?

    Pahanginan hanggang matuyo ang damit na basa sa pawis.

    Pahanginan muna ang damit at sulsihan pagkatapos.

    Sulsihan ang napunit na bahagi ng damit.

    Sulsihan muna ang punit at pahanginan ito pagkatapos.

    30s
  • Q2

    2. Oras na para sa P.E. nina Marie, kaya pinapunta sila sa covered court. Habang naghihintay sila sa mga bilin ng guro pinaupo muna sila sa sahig. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang gawin ni Marie upang mapangalagaan ang kanyang kasuotan?

    Para wala nang masayang na oras at makapagsimula agad ay maupo na sa sahig dahil wala naman kayong nakikitangdumi.

    Walisan ang sahig bago maupo.

    Gumamit ng sapin na maaring magamit bilang upuan.

    Walisan ang covered court bago pa magsimula at magdala ng sapin na gagamitin.

    30s
  • Q3

    3. Anong mantsa ang tinutukoy ng sumusunod na hakbang na ito? “Kuskusin ng yelo ang kabila ng damit na may mantsa hanggang ito ay tumigas.”

    Tinta

    tsokolate

    Kalawang

    bubble gum

    30s
  • Q4

    4. Ang pagsusulsi ay ang pagtatahing nakakahawig sa tahi ng makina dahil ___________ at ___________ ang pagkakatahi nito.

    pinong-pino at paulit-ulit

    pinong-pino at mahahaba

    medyo pino at mahahaba

    medyo pino at paulit-ulit

    30s
  • Q5

    5. Anong mantsa ang tinutukoy ng sumusunod na hakbang na ito? “Lagyan ng asin at katas ng kalamansi ang bahaging namantsahan. Sabunin”.

    tsokolate

    tinta

    kalawang

    bubble gum

    30s
  • Q6

    6. Nasira ang washing machine nina Greg. Nang tingnan nila ang loob ng washing machine ay may bumarang piso pala sa umiikot na bahagi nito. Ano kayang hakbang ang hindi nagawa ni Greg sa paglalaba?

    paghihiwalay

    pagbabanlaw

    pagsasampay

    pagsusuri

    30s
  • Q7

    7. Nagtataka si Marie kung bakit may mantsa ang kanyang uniporme gayong alam na alam niya naman na wala pa itong mantsa noong nilalabhan niya ito kasama ng iba pang mga damit niya. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang hindi nagawa ni Marie?

    pagbabanlaw

    pagsusuri

    paghihiwalay

    pagsasampay

    30s
  • Q8

    8. Magbabanlaw na ng damit si Ana, ilang beses ba niya dapat gawin ito?

    dalawang beses

    tatlong beses

    isang beses

    wala sa nabanggit

    30s
  • Q9

    9. Bago simulan ang aktwal na paglalaba ay kailangang suriin muna ang mga lalabhan. Alin sa ibaba ang HINDI kasama sa mga susuriin mo bago maglaba?

    mantsa

    butas o punit

    laman ng mga bulsa

    laki ng damit

    30s
  • Q10

    10. Ang sumusunod ay ang mga Hakbang sa Paglalaba. Piliin sa ibaba ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod o pagkakaayos ng mga hakbang na ito.

                                                       1. Paghihiwalay

                                                        2. Pagbabanlaw

                       3. Pagbabasa/Pagbababad

                                                       4. Pagsasampay

                                                       5. Pagsusuri

                                                       6. Pagsasabon

                                                       7. Paghahanda

    7-5-1-3-6-2-4

    1-2-3-4-5-6-7

    7-5-3-1-6-2-4

    7-6-5-4-3-2-1

    30s
  • Q11

    11. Ang mga sumusunod ay mga bagay na ating madalas na pinaplantsa. Alin sa mga ito ang dapat na huli mong paplantsahin?

    Shorts

    T-shirt

    Pantalon

    panyo

    30s
  • Q12

    12. Sa pamamalantsa, ang _________________ ay nangangailangan ng mataas o mas mainit na temperatura, samantalang ang ____________ ay sapat na ang mas mababang temperatura.

    Panyo; uniporme

    Bestida; t-shirt

    T-shirt; pantalon

    Maong na pantalon; panyo

    30s
  • Q13

    13. Mamamalantsa ka ng polo, aling bahagi ang dapat na maunang paplantsahin?

    harapan

    Laylayan

    Kwelyo

    Manggas

    30s
  • Q14

    14. Mamamalantsa ka ng pantalon, alin sa ibaba ang dapat na mauna mong gawin?

    Ibalik sa karayagang bahagi.

    Wala sa nabanggit.

    Baliktarin at plantsahin muna ang mga bulsa.

    Ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang bahagi nito.

    30s
  • Q15

    15. Ang sumusunod ay ang mga Hakbang sa Pamamalantsa. Piliin sa ibaba ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod o pagkakaayos ng mga hakbang na ito.

           1. Plantsahin ang damit ayon sa paalaalang taglay nito sa mga etiketa. Unahin ang makakapal na tela.

           2. I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.

           3. Tiyakin na malinis ang plantsa at walang kalawang.

           4. Ihanda ang plantsahan (ironing board).

           5. Ihanda ang mga paplantsahing damit.

    1-2-3-4-5

    5-4-1-2-3

    5-4-3-1-2

    5-4-3-2-1

    30s

Teachers give this quiz to your class