Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
29 questions
Show answers
  • Q1

    Ang pagsusuot ng facemask sa panahon ng Covid – 19 Pandemic ay pagpapakita ng isang makataong kilos.

    Tama, sapagkat pinili mo itong gawin

    Mali, dahil ito ay ayon lamang sa iyong kalikasan na pagsasakilos

    Tama, sapagkat may kaalaman, kusa at pananagutan ka na dapat mo itong gawin

    Mali, dahil ito ay mahigpit na ipinag – utos ng gobyerno

    30s
  • Q2

    Ang mga sumusunod na sitwasyon ay maitututring na mga kilos ng tao o acts of man maliban sa:

    Pagbahing ni Rian

    Pagtawid sa pedestrian lane ni Ruben

    Pagsasalita ni Sean habang natutulog

    Napatalon sa gulat si Ester

    30s
  • Q3

    Ang kilos ng tao na may kaalaman, malaya at may kusa ay _________.

    Kilos ng Tao

    Makataong Kilos

    Voluntary Act

    Mapanagutang Kilos

    30s
  • Q4

    Ginagawa at pinagtutuunan ng panahon ni Rian ang kanyang mga modyuls sa lahat ng kanyang asignatura upang maipasa niya sa takdang oras. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ginawa ni Rian?

    Kusang loob

    Di-kusang loob

    May pananagutan

    Walang kusang loob

    30s
  • Q5

    Sa layunin nang makataong kilos malalaman kung ang isinagawang kilos ay mabuti o masama.

    Tama, dahil may epekto ang kilos

    Mali, dahil mabuti lagi ang layunin ng kilos

    Tama, dahil sa layunin makikita kung bakit isinagawa ang kilos

    Mali, dahil may sanhi ang kilos

    30s
  • Q6

    Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng mapanagutan at makataong kilos maliban sa:

    Pagsunod sa health protocols ng IATF sa mga pang publikong lugar.

    Palagiang pagsususot ng face mask ngayong new normal.

    Masayang ipinagdiwang ng mag – anak ang ika – 5 taong kaarawan ng kanilang anak sa pamamagitan ng pag gagala sa mall.

    Nanatili sa bahay si Liza ng malaman niyang siya ay nag positibo sa Covid – 19.

    30s
  • Q7

    Hindi agad mahuhusgahan kung mabuti o masama ang kilos o gawa ng isang tao. Sapagkat nakasalalay sa intension kung mabuti o masama ang isang kilos ayon kay:

    Aristotle

    Dr. Manuel Dy

    Agapay

    Sto.Tomas de Aquino

    30s
  • Q8

    Ito ang damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o hindi sinasadya. Ang kilos na ito ay itinuturing na Acts of Man.

    Mahuhuli o Consequent

    Kamangmangang Madaraig

    Kamangmangang Di – Madaraig

    Mauuna o Antecedence

    30s
  • Q9

    Napatalon sa tuwa si Myrna ng malaman niyang siya ay nakapasa sa Unibersidad, anong masidhing damdamin ang kanyang nadrama?

    Kamangmangang Di – Madaraig

    Antecedence

    Consequent

    Kamangmangang Madaraig

    30s
  • Q10

    Nagbigay ka ng pera sa isang batang lansangan na nanghihingi ng limos dahil ipangbibili daw niya ito ng pagkain. Ngunit ito pala ay ipinambili lamang nya ng rugby. Anong uri ng kamangmangan ang ipinakita mo sa sitwasyong ito?

    Kamangmangan na di madaraig

    Kamangmangang di – umiiral

    Kamangmangang umiiral

    Kamangmangan na madaraig

    30s
  • Q11

    Dalawa lamang kayo ng iyong nakakabatang kapatid na naiwan sa bahay. Nang bigla siyang umiyak dahil sa sakit ng kanyang tiyan. Hindi mo alam ang gamot na kailangang ipainom sa kanya sapagkat hindi ka nabilinan ng inyong ina. Anong uri ng kamangmangan ang ipinakita mo sa sitwasyong ito?

    Kamangmangang di – umiiral

    Kamangmangan na di madaraig

    Kamangmangan na madaraig

    Kamangmangang umiiral

    30s
  • Q12

    Ang mapanagutang kilos ay may kaakibat na responsibilidad sa taong nagsasagawa ng kilos at dapat gamitan ng Isip at loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang bunga ng ating kinikilos o ginagawa kung kaya dapat na _______________________.

    Gawin at isa alang-alang ang lahat ng nabanggit

    Maging mapanagutan sa ikinikilos sa kabila ng takot at pangamba

    Maging maingat sa mga pagpapasiya

    Magkaroon ng pagkukusa, malayang pagpili at konsensya

    30s
  • Q13

    Saksi ka sa nangyaring cyber bullying ng iyong kaklase sa inyong kapwa kamag – aral. Masasabi ba na may pananagutan ka sa iyong pananahimik bilang saksi?

    Wala, kasi baka madamay pa ako sa gulo nila. Isa pa karapatan ko na manahimik

    Mayroon, sasabihin ko ang katotohanan, ngunit, itatago ko ang aking sarili mahirap ng masangkot sa gulo

    Mayroon, kasi ako ang nakasaksi kaya obligasyon kong papanagutin ang may sala

    Wala, kasi walang mambu bully kung walang magpapa bully

    30s
  • Q14

    Sa dami ng iniuutos sa iyo ng iyong magulang ay nalalate ka sa pagpapasa ng iyong mga modyuls, ano ang gagawin mo?

    Gagawa ako ng Time Schedule. Ipaliliwanag ko ang aking magulang na kailangan ko munang tapusin ang modyul bago ako makagagawa ng gawaing bahay

    Tatapusin ko lahat ang mga modyul at hindi ko na muna susundin ang aking mga magulang

    Hindi muna ako gagawa ng modyul dahil mas importanteng sundin muna ang iniuutos ng mga magulang ko

    Susundin ko pa rin ang iniuutos ng aking mga magulang upang hindi ako pagalitan bago gumawa ng modyul

    30s
  • Q15

    Kung may napulot ka na cellphone mula sa tricycle na sinakyan mo at nagkataon na wala kang magamit para sa iyong online class, ano ang gagawin mo?

    Gagamitin muna habang hindi pa tumatawag ang may ari nito

    Kapag walang naghanap, iisipin ko na lang na ito ay hulog ng langit

    Titingnan ang pagkakakilanlan ng cellphone at ipagbibigay - alam agad ito sa may-ari

    Maghihintay ng tawag mula sa may - ari nito

    30s

Teachers give this quiz to your class