
ESP 2 TQE
Quiz by Teacher Katrina
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
I. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.
Kaarawan ng iyong ina at nasa bahay ninyo ang iyong mga kamag-anak. Napagdesisyunan ng iyong mga magulang na sa inyo na lamang patulugin ang mga ito. Pinalilipat ka sa kuwarto ng iyong kapatid upang doon muna matulog. Ano ang gagawin mo?
May bagong mag-aaral sa inyong seksiyon. Ano ang gagawin mo?
May taga-ibang lugar na dumayo sa inyo upang makilahok sa pista ng inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
Ang inyong kapitbahay ay isang matandang lalaking mag-isa na lamang naninirahan sa kaniyang tahanan. Napansin mong toyo lamang ang inuulam nito sa kaniyang kanin. Ano ang gagawin mo?Â
Kasalukuyan kayong kumakain nang biglang may dumating na panauhin. Ano ang gagawin mo?
Nakita mong malungkot ang iyong kamag-aral.
May sakit ang iyong ate kaya hindi niya magagawa ang kaniyang nakatakdang gawaing bahay.
Malalim ang baha sa inyong lugar. Walang matuluyan ang inyong kapitbahay dahil lumubog ang kanilang bahay. Ang bahay ninyo ay may ikalawang palapag.Â
Nakita mong maraming ginagawa ang inyong kasambahay.Â
Naiwan ng kamag-aral mo ang kaniyang baon. Wala siyang pagkain sa rises.Â
May dalawang gurong nag-uusap sa iyong daraanan.Â
Kinakausap ka ng iyong guro.Â
May itinatanong sa iyo ang inyong kasambahay.
Gusto mong gamitin ang tablet ng iyong kapatid.
Nakasalubong mo ang iyong tito at tita.Â
Dumating ang lola mo sa inyong bahay.
Nagkukuwento ang inyong lolo.Â
Malayo sa iyong pwesto ang plato na may ulam, malapit naman ito sa iyong kapatid.Â
Binigyan ka ng kendi ng iyong kaklase.
Lalabas ka muna ng bahay, magpapaalam ka sa iyong lola.Â
II. Tama o Mali.Â
Huwag sayangin ang pagkain.
Hindi ako titigil sa panonood ng telebisyon hanggat hindi ako pinagsasabihan ng aking mga magulang.Â
Bawal sa bahay ang paglalaro ng gadyet kaya maghahanap na lang ako ng ibang mapaglalaruan.
Sasama ako sa aking kaklase mamaya para maglaro ng kompiyuter sa labas, minsan lang naman.Â
Nagmamano lang ako sa mga ninong at ninang ko na nagbibigay ng regalo.Â
Kinakain ko ang nakahain na pagkain sa mesa,hindi ako naghahanap ng wala.Â
Bawal magpuyat, may pasok man o wala.Â
Hindi ako nagpapatay ng ilaw sa gabi, takot kase ako sa dilim. Di bale ng mahal ang bayarin sa kuryente.
Lagi akong nahuhuli sa pagkain, mas gusto ko munang tapusin ang binabasa o pinapanuod ko bago kumain.Â
Nagdarasal kami bago at pagkatapos kumain.
Pagsusulat sa pader ng banyo.Â
Wastong paggamit ng banyo ng paaralan upang maayos din itong magamit ng iba.Â
Hindi pagmamadali kapag bumibili upang hindi mahirapan ang mga tao sa kantina.Â
Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan upang hindi maging makalat ang paaralan.Â
Pag-iingay kapag nagtuturo ang guro.Â
Pagwawalis ng silid-aralan kapag may napansing kalat.
Hindi pakikinig sa guro.Â
Pagtulong sa guro kapag nakitang marami itong bitbit na gamit.Â
Pagtakas sa guwardiya upang makalabas ng paaralan sa oras ng klase.Â
Hindi pagkakalat sa loob ng paaralan upang hindi na mahirapan ang dyanitor na maglinis.Â
Pagbibigay ng tinapay sa matandang pulubi.Â
Pagtapon ng balat ng saging sa daraanan ng iyong kaaway.Â
Pagbibigay ng meryenda sa inyong kasambahay.
Paggaya sa paglalakad nang nakita mong may kapansanan.Â
Pagbabahagi ng mga sobrang pagkain.Â
Pagtulong sa pagpulot ng mga nahulog na gamit ng isang kaklase.Â
Pagbibigay ng sariling gawang birthday card para sa iyong nanay.Â
Pagbulabog sa natutulog na mga kapatid.Â
Itinatago ang bag ng mga kaklase.Â
Pagpapahiram ng bagong laruan sa iyong mga kalaro.Â