
EsP 4 Pre Test Quarter 3
Quiz by Leonor Jocson
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Oras ng iyong paglalaro ngunit nakita mong marumi at makakalat ang inyong bakuran. Ano ang iyong gagawin?
Lilinisin ko muna bago maglaro.
Maglalaro muna ako bago maglinis.
Hindi ko ito papansinin.
Tatawagin ko ang aking ate at siya ang maglilinis.
45s - Q2
May progama ang barangay tungkol sa “TAPAT KO, LINIS KO”. Ano ang dapat gawin?
Hayaan na lamang ang mga janitor na maglinis.
Makiisa sa programa upang makatulong sa kalinisan at kaayusan ng barangay.
Makiisa kung kalian lamang magustuhan.
Huwag makiisa, nagbabayad naman ng buwis ang mga magulang mo.
45s - Q3
Ano ang pwedeng mangyari kung patuloy na walang disipina ang mga tao sa pamamahala ng basura?
Mag-aaway-away ang mga tao dahil mag-uunahan sa pagkuha ng basura na pwedeng ibenta.
Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng mga basurang naiipon.
Tuluyan nang magiging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran.
Magiging malinis pa rin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura
45s - Q4
Lunes ng umaga at nahuli ka na sa flag ceremony kaya't binilisan mo ang lakad patungo sa pinagdadausan nito subalit kasalukuyan ng inaawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ano ang iyong gagawin?
Tatakbo na lang ako sa aking pila.
Hihinto ako sandali habang inaaawit ang Lupang Hinirang.
Hindi na lang ako magpapakita sa flag ceremony.
Hihintayin ko na lang matapos ang flag ceremony sa loob ng silid-aralan.
45s - Q5
Bakit kailangan malaman ng batang katulad mo na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
Ang pagsusunog ng basura ay ipinagbabawal sa batas.
Pwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin.
Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
Ang pagsusunog ng basura ay maaaring magbunga ng maruming kapaligiran.
45s - Q6
Ang pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan at pamayanan ay ___________para sa ating kaligtasan.
nakapagpapatagal
nakatutulong
nakaaabala
nakapagpapadali
45s - Q7
Nakita mong nagtapon ng tissue paper sa toilet bowl ang iyong kaklase. Ano ang una mong dapat gawin?
Sasabihin ko sa kanya na tanggalin niya ang tissue sa toilet bowl.
Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kanyang ginawa.
Hindi ko na lamang papansinin.
Isusumbong ko siya sa janitor ng paaralan.
45s - Q8
Isang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino ang pagiging _______ sa lahat ng tagubilin sa lahat ng mga nakatatanda sa atin.
mabait
matiyaga
masunurin
masipag
45s - Q9
Nag-uusap ang principal at ang iyong guro sa may pintuan. Nais mong lumabas. Ano ang dapat mong sabihin sa kanila?
"Nakaharang po kayo sa dadaanan ko."
"Paraan po."
."Tumabi nga kayo dyan."
"Pwede po bang makiraan.
45s - Q10
Gusto mong dumalo sa birthday party ng iyong kaklase ngunit hindi kapinayagan ng iyong mga magulang. Pupunta ka parin ba?
Hindi, dahil iginagalang mo ang pasya ng mga magulang mo.
Hindi, dahil hindi naman masarap ang mga pagakain sa party.
Oo, dahil sayang ang makukuhang premyo sa mga palaro.
Oo, sapagkat nakapangako ka na sa iyong kaklase.
45s - Q11
May alagang aso si Adriana. Tuwing umaga ito ay kaniyang inilalabas at pinapadumi sa tapat ng kapitbahay. Tama ba ang gawain ni Adriana?
Opo, sapagkat sa kalye lang naman niya ito pinapadumi.
Opo, dahil wala naman nakatingin na kapitbahay.
Hindi po, dahil hindi niya iginagalang ang kapitbahay.
Hindi po, dahil labag ito sa karapatan ng hayop.
45s - Q12
Bakit kailangan maging magalang ang isang batang tulad mo?
Upang ibili ka ng gusto mong gamit
Dahil malungkot ang batang hindi magalang.
Sapagkat ito ang tamang gawin.
Sapagkat ito ay utos ng magulang.
45s - Q13
Isa sa mga kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng kanilang pagiging magalang ay _________.
paghaharana sa babaeng nililigawan
pagmamano sa matatanda
pagbabayanihan
pagbibigayan ng regalo tuwing Pasko
45s - Q14
Ang paggamit ng mga salitang " kuya, ate, ditse, diko, manong, manang ay mga salitang nagpapakita ng ________.
pagiging magalang
katalinuhan
kaayusan
katapatan
45s - Q15
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakitang pagiging magalang ?
pagpasok sa paaralan
paglalaba ng maruming damit
pag-aaral nang mabuti
pagmamano sa nakatatanda
45s