Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1

    Nanghihingi ng papel ang kaklase ni Leira sa kanya bago magsimula ang kanilang pagsusulit. Ilang piraso na lamang ang natitirang papel sa bag ni Leira. Ano ang dapat niyang sabihin sa kanyang kaklase?

    “Sa iba ka na lang manghingi, wala na rin akong papel!”
    “Ayoko nga, di mo din naman ako binibigyan ng papel.”
    “Hindi kita kaibigan, bakit ka nanghihingi sa akin ng papel?”
    “Pasensiya na, wala na rin akong papel na gagamitin, sa iba ka na lang manghingi.”
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q2

    Nagsusulat si Jerry sa Facebook ng hindi magagandang comment ukol sa kanyang kaaway.  Ayon sakanya, karapatan niya ang magpahayag ng kanyang nararamdaman. Bilang kaibigan,ano ang dapat mong sabihin sa kanya?

    “Hindi lahat ng nais mong sabihin puwedeng isulat sa Facebook.”
    “Ganyan din naman ang ginagawa niya. Tama lang na maranasan niya.”
    “Tama lang na isulat mo ang nararamdaman mo, mahirap ang magpigil ang damdamin.”
    “Mabuti na ‘yung sa Facebook mo sabihin ‘yan, baka kasi magkasakitan pa kayo kapag sa harapan mo sasabihin.”
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q3

    Pagkatapos ng pangkat ang gawain at presentasyon ng bawat pangkat, binigyan kayo ng pagkakataon na magbigay ng puna. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na pagbibigay at pagtanggap ng mga puna?

    Puro magandang puna ang aking sasabihin upang maganda rin ang sabihin nila sa amin.

    Kung ano ang sinabi ng ibang pangkat sa aming pangkat, gayundin ang aking sasabihin sa kanila.
    Pasasalamatan ang pangkat na nagbigay ng magandang puna at hindi muna kikibuin ang pangkat na nagbigay ng hindi magandang puna.
    Tatanggapin namin kung ano ang puna ng ibang pangkat,maganda man o hindi, upang mapagbuti namin ang mga susunod na presentasyon.
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q4

    Mapagmahal sa mga alagang hayop si Paula. Dahil sa matinding sakit, namatay ang kanilang aso na matagal na niyang alaga. Iyak siya nang iyak at sobrang lungkot. Ano ang iyong dapat sabihin sakanya?

    “Huwag ka nang umiyak. Lilipas din‘yan.”
    “Tahan na. Baka ikaw naman ang magkasakit.”
    “Nakakalungkot talaga ang mawalan ng alagang aso.”
    “Aso pa lang iniiyakan mo nang ganyan, paano pa kung tao.”
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q5

    Nabasag ng iyong nakababatang kapatid ang isang bagong paso ng halaman. Sasabihin mo basa iyong nanay ang nangyari kahit alam mong pagagalitan ang iyong kapatid?

    Opo, dahil masama ang magsinungaling.
    Opo, upang mapagalitan ang aking kapatid.
    Hindi po, nakakaawa naman po ang aking kapatid.
    Hindi po. Hayaan ko lang magalit ang nanay ko.
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q6

    Nakita mong kinuha ng iyong kaklase ang lapis ng katabi niya. Noong hinanap ito, hindi siya nagsalita. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaklase?

    “Ibalik mo na ang lapis niya sapagkat hindi naman sa iyo iyan.”
    “Sige lang, kunin mo na iyang lapis niya at mayaman naman sila.”
    “Isusumbong kita sa ating guro kapag hindi mo isinauli iyang lapis niya.”
    “Ayaw na kitang kaibigan sapagkat nangunguha ka ng gamit ng iba.”
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q7

    Mababa ang nakuha mong iskor sa pagsusulit na ibinigay ng inyong guro sa Matematika. Sasabihin mo ba ang totoo sa iyong mga magulang?

    Opo, dahil malalaman din niya ito.

    Hindi po, dahil tiyak na pagagalitan ako.
    Sasabihin ko po kung nasa maayos na kalagayan ang aking mga magulang.
    Sasabihin ko po ang totoong iskor ko at mangangakong mag-aaral pa nang mabuti.
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q8

    Habang naglalakad ka papasok sa paaralan, Nakita mong pumipitas ng mga bulaklak ang kaklase mo sa tapat ng isang bahay. Alam mong hindi ito tama. Pagsasabihan mo ba siya kahit magalit pa siya sa iyo?

    A.     Hindi po,kasi ang bulaklak ay tutubo pa naman.
    Opo, sapagkat mali ang kaniyang ginagawa at sayang ang mga bulaklak.
    Opo, baka mapagalitan pa siya ng may-ari ng mga halaman.
    Hindi po, baka magalit pa siya sa akin kapag pinagsabihan ko siya.
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q9

    Dumating ang tatay mo galing sa trabaho at may dalang pasalubong. Mas gusto mo ang pasalubong binigay sa iyong kapatid kaysa sa ibinigay sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong tatay?

    “Tatay, puwede po ba na bigyan niyo rin ako ng laruan na pareho sa kapatid ko?”
    “Ano ba yan? Lagi na lang mas maganda angpasalubong mo sa kapatid ko.”
    “Talagang mas paborito niyo siyang anak kaysa sa akin.”
    “Maraming salamat po, Tatay. Sa susunod, gusto ko rin po ang laruang binigay ninyo sa aking kapatid.”
    30s
    EsP4PKP- Ia-b – 23
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip?

    Naipaliliwanag mo nang maayos at maykompletong detalye ang balita ukol sa lindol.
    Naisagawa mo ang sunod sunod na pamantayan sa tamang pagbabasa ng libro.
    Nababasa mo ang isang balitang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas.
    Naiisa-isa mo ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24
  • Q11

    Isang kaibigan sa Facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay na nag-positibo sa Covid-19. Mariin din niyang sinabi sa iyo nakailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan?

    Madaliang ilagay sa iyong Facebook walang balita.
    Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita.
    Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon.
    Huwag pansinin ang kaibigan kasi nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24
  • Q12

    Paano makatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng dyaryo?

    Nagbibigay ng kaalamang naaangkop at napapanahon.
    Makakakuha tayo ng fake news.
    Mapapadali ang pag-aaral.
    Magiging aktibo sa klase.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24
  • Q13

    Sino sa mga sumusunod na bata ang nagpapakita ng tama at responsableng paggamit ng media?

    Pinapanood ni Alejandro sa YouTube kahit may mga palabas na hindi akma sa edad niya.
    Inuuna ni Rose ang maglaro ng Internet games bago gumawa ng takdang-aralin.
    Nakikipag-chatsi Jean kung kani-kanino kahit di niya kilala gamit ang Facebook messenger.
    Sinisiguro ni Donna na lahat ng kaniyang ibinabahagi sa Facebook wall ayhindi nakasasakit ng damdamin ng iba.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24
  • Q14

    Binigyan kayo ng guro ng takdang –aralin  sa ESP na manood at makinig ng balita.  Paano mo ito ilalahad sa klase?

    Huwag sundin ang guro.

    Gumawa na lang ng sariling balita dahil hindi ka nakapanood.
    Tumahimik na lamang dahil hindi nagawa angtakdang aralin.
    Ilahad nang kumpleto ang detalye ng balitang napakinggan o napanood.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24
  • Q15

    Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng magandang dulot ng paggamit ng media at internet MALIBAN sa _______.

    Nakukumpara ang tama at mali sa nabasasa pahayagan.
    Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
    Napipiliang mga pelikulang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
    Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para satakdang-aralin.
    30s
    EsP4PKP- Ic-d – 24

Teachers give this quiz to your class