
ESP 4 Q3- Modyul 4, Aralin 1- Short Quiz
Quiz by Stephanie Anne A. Katigbak
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Inihihiwalay ko ang basurang nabubulok sa di-nabubulok.
Ang kaibigan kong si Tina ay nagtapon ng basura sa bintana ng sasakyan.
Sinunog ng aming kapitbahay ang mga lumang dyaryo sa harap ng kanilang bahay.Â
Winawalis ko ang mga kalat sa loob ng aming bahay at itinatapon ang mga ito sa tamang tapunan.Â
Dumura ang isang lalaking naglalakad sa kalsada.Â
Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura sa inyong tahanan?
Nang matapos maghugas ng mga pinggan ang iyong pinsan ay nakita mong pinagsama-sama niya ang mga basura na naipon sa kusina tulad ng mga natirang pagkain, plastik, lata ng sardinas, balat ng prutas at iba pa. Ano ang iyong gagawin?
Naabutan mong sinusunog ng iyong kapatid ang mga lumang papel para itaboy ang mga lamok sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin sa kapatid mo?
Nakita mong itatapon na ng iyong tita ang mga lata ng gatas na wala ng laman. Ano ang iyong gagawin?
Tuwing araw ng Sabado ay naglilinis ng bakuran ang inyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin sa basura?