Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
35 questions
Show answers
  • Q1
    Pupunta kayo sa kabilang bayan. Sa terminal ng bus ay wala ng upuan. Pinasakay pa rin ng tsuper ang isang babaeng buntis. Inialok mo ang iyong upuan dahil nakikita mong hirap na hirap siya sa kaniyang pagtayo. Ano ang magandang kaugalian ang iyong ipinamalas?
    Pagiging maka-Diyos
    Pagiging makatao't matulungin
    Pagkamapuri
    Pagkamalikhain
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q2
    Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng COVID-19. Dinala siya sa ospital at ang buong pamilya niya ay nasa matinding obserbasyon. Ano ang gagawin mo dahil nakausap mo siya ng personal bago siya madala sa ospital?
    Ililihim ko na kami ay nag-usap.
    Pupunta ako sa mall para makalimutan ang mga nangyari.
    Lalabas ako ng bahay at ikukuwento sa mga kaibigan na may kapitbahay kaming positibo sa COVID-19.
    Sasabihin ko sa aking mga kinauukulan na ako ay nakipag-usap sa kanya.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q3
    Ano ang maaaring gawin ng isang may-ari ng kumpanya upang malutas ang sigalot sa pagitan ng kanyang mga manggagawa?
    Hayaang lumala ang sigalot.
    Huwag na lamang pansinin ang pangyayari.
    Tumawag ng isang pulong at alamin ang sanhi ng sigalot.
    Kampihan ang mas kilalang manggagawa.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q4
    Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang babae na nakatayo at maraming dala-dalang gamit. Ang lahat ay nakaupo nang maayos. Ano ang iyong gagawin?
    Titingnan ko at kukuhanan ng video.
    Tatayo at siya’y pauupuin.
    Magkukunwari na wala akong nakita.
    Pababayaan ko siya.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q5
    Ang dalawa ninyong kapitbahay ay matinding magkaaway. Walang sino mang makapag-ayos ng kanilang sigalot. Bilang kapitbahay, paano mo sila matutulungang magkasundo?
    Ipapaalam ko sa kapitan ng barangay para maiwasan ang mas malalang away nila.
    Ipagdarsal ko na umalis na lamang sila sa aming lugar.
    Tatakutin ko sila.
    Panonoorin ko ang kanilang pag-aaway
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q6
    Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano ang nararapat mong gawin ?
    Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
    Sasabihan ko ang mga nakakatanda na linisan nila ang mga kanal.
    Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
    Wala akong gagawin.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q7
    Marami kang inimbak na tubig. Nagkataong nasira ang poso at walang mapagkunan ng tubig ang iyong kapit-bahay.Humingi siya sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
    A. Bibigyan mo siya ng tama lamang sa pangangailangan niya.
    D. Wala rito ang tamang sagot.
    B. Hindi mo sya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan siya ng aral.
    C. Pababayaran mo sa kanya ang tubig.
    30s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q8
    Plano ng inyong samahan ang mangampanya laban sa polusyon at napagkasunduan ninyong gumuhit ng poster tungkol dito. Ano ang nararapat mong maging desisyon?
    Sasalungat ako sa plano dahil iniisip ko na nakakapagod ang gagawin.
    Makikiisa aka sa plano ng samahan.
    Sasabihing makikiisa ako ngunit panonoorin lang sila.
    Hindi ako kikibo dahil ayaw ko ang kanilang plano.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q9
    Nagulat ka ng malaman mong itinuloy pa rin ni Harvey ang kanyang planong paglalayas. Tinawagan ka niya at sinabi kung nasaan siya naroroon. Dumating ang mga magulang niya at tinanong ka sa kinaroroonan ni Harvey. Ano ang nararapat mong gawin?
    Sasabihin mo sa mga magulang niya kung bakit ginawa iyon ni Harvey at ituturo ang kinaroroonan nito.
    Hahayaan mong mamroblema ang mga magulang ni Harvey.
    Hindi mo sasabihin sa kanila para tulungan si Harvey.
    Susumbatan ang mga magulang ni Harvey dahil naglayas ito.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q10
    Bukas na ang fiesta sa inyong lugar. Ang mga opisyales ay abalang-abala sa pag-aayos ng kapilya. Sa dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga opisyales kung ano ang uunahing gawin. Ano ang gagawin mo?
    Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya.
    Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang ginagawa.
    Tutulungan sila sa abot ng aking makakaya.
    Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q11
    Kumakain ka at mayroong gutom na batang humihingi ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
    Sasabihan ko ang bata na humingi na lang sa iba.
    Hahatian ko siya ng pagkain.
    Itataboy ko siya.
    Ituturo ko ang iba kung saan siya makakahingi ng pagkain.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q12
    Naghihingalo ang inyong kapitbahay na si Mang Gorio. Nagkataon na wala na siyang kasama sa kanilang bahay. Ano ang iyong gagawin?
    Kukuhanan ko ng video ang kaniyang paghihingalo para marami ang makaalam ng kanyang kalagayan.
    Huwag na lamang siyang pansinin.
    Tatawag ng kapitbahay upang isugod sa ospital si Mang Gorio.
    Hintayin na lamang na dumating ang kamag-anak ni mang Gorio.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q13
    Ano ang ating dapat na ilaan sa ating kapwa para sila ay matulungan?
    Lahat ng sagot ay tama.
    Pag-aaruga
    Oras
    Atensiyon
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q14
    Humahanga ka sa isang artista. Ano ang nararapat na gawin?
    Tutularan ang kaniyang mabuting halimbawa.
    Pupurihin sa kanyang social media.
    Gagayahin ang mga sinusuot at pananalita.
    Sasambahin at susundan sa Facebook.
    120s
    EsP5PD - IVa-d – 14
  • Q15
    Binigyan kayo ng takdang-aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin. Ano ang gagawin mo?
    Isusulat ko sa aking panalangin na umalis na sa paaralan ang mga masusungit na guro.
    Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
    Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap namin.
    Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
    120s
    EsP5PD - IVe-i – 15

Teachers give this quiz to your class