Maagang pumasok sa paaralang pampubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral. Pinagsumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heyograpiya, wikang Espanyol, maging ang wikang Ingles. Noong 1889, ipinasa niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinatag nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Kilala na ang paaralang ito ngayon bilang Centro Esscolar University.