placeholder image to represent content

ESP 6 Summative Assessment

Quiz by Nerissa Moscosa

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Napanood mo sa telebisyon ang isang komersiyal ng bagong sabon. Ito ay ipinakitang gamit ng iyonh paboritong artista.

    Bibili agad nang marami nito.

    Aalamin kung ang mga sangkap nito ay angkop sa iyong balat.

    Irerekomenda sa iyong mga kaibigan na gamitin ito.

    30s
  • Q2

    Nakita mo ang bagong estilo ng damit sa isang magasin. Marami sa iyong mga kaibigan ang gumaya na sa gayong estilo.

    Magpapatahi kaagad ng katulad nito upang makasabay sa uso.

    Iiwasan ang mga kaibigan.

    Pag-aaralan muna kung babagay sa iyo ang nakitang bagong estilo ng damit.

    30s
  • Q3

    Nakatanggap ka ng tawag sa telepono na nagsasabing nadisgrasya ang iyong magulang.

    Ipagbibigay-alam mo ito sa mas nakatatandang miyembro ng pamilya. 

    Pupunta ka agad sa lugar na sinabing pinangyarihan ng aksidente.

    Ihahanda mo ang mga kagamitang kakailanganin ng magulang.

    30s
  • Q4

    Niyaya ka ng iyong kaibigan na subuking gamitin ang isang gamot na pampapayat.

    Magpapanggap ka na ininom ang gamot upang hindi sumama ang loob ng kaibigan.

    Susundin mo ang payo ng kaibigan.

    Sasangguni ka sa isang doktor upang malaman kung epektibo ang gamot.

    30s
  • Q5

    Habang ikaw ay naghihintay sa pinto ng inyong paaralan ay may taong biglang lumapit sa iyo. Sinabi niyang pinasusundo ka ng iyong ina.

    Tatawagan mo ang iyong ina upang malaman kung totoong ipinasusundo ka.

    Sasama ka sa kaniya.

    Papasok ka sa paaralan.

    30s
  • Q6

    May kumalat na mga text message sa inyong lugar na kailangan daw lumikas ng mga tao dahil sa banta ng tsunami. Isa ka sa mga nakatanggap ng mensaheng ito.

    Ipagwawalang-bahala ang mensaheng natanggap.

    Iiwan mo ang inyong bahat at pupunta sa evacuation center.

    Magtatanong ka sa mga kinauukulan tungkol sa kumakalat na balita.

    30s
  • Q7

    Nais mong malaman ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang sakit na dengue.

    Magtatanong ka sa mga kalaro.

    Magsasaliksik ka sa Internet tungkol dito.

    Magsasagwa ka ng isang eksperimento.

    30s
  • Q8

    Ang pinsan mo at ang matalik mong kaibigan ay parehong kumakandidato bilang pangulo ng student council sa inyong paaralan.

    Pipili ka batay sa talino at kasanayan.

    Iboboto mo ang kamag-anak mo.

    Hindi ka na lamang boboto upang walang magtampo.

    30s
  • Q9

    Isa sa inyong takdang-aralin sa Araling Panlipunan ang alamin ang mga maaaring dahilan ng pagkakasuspinde ng isang opisyal ng pamahalaan.

    Aaalamin mo ang opinyon ng iyong mga kamag-aral.

    Mangangalap ka ng mahahalagang impormasyon sa diyaryom radyo at telebisyon.

    Magtatanong ka sa mga kapitbahay.

    30s
  • Q10

    Iba't ibang aklat at magasin ang itinitinda nang mura sa book fair sa inyong paaralan.

    Ang pinakakailangang aklat at magasin lamang ang iyong bibilhin.

    Bibili ka ng maraming aklat at magasin.

    Palihim mong babasahin ang mga itinitindang aklat at magasin.

    30s

Teachers give this quiz to your class