placeholder image to represent content

ESP 6 Summative Quiz Q1-W2

Quiz by Nerissa Moscosa

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Inaaya ka ng iyong kaklase na sumama sa kaniya sa computer shop pagkatapos ng inyong klase, sasama ka ba sa kaniya?

    Hindi po, dahil kami ay mapapagalitan ng aming mga magulang.

    Opo, dahil masaya ang maglaro ng computer games.

    Opo, dahil baka magalit siya sa akin kapag hindi ako sumama.

    60s
  • Q2

    Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura sa inyong lungsod ngunit nakita mo ang iyong tatay na sinusunog ang mga basura ninyo sa bakuran. Ano ang gagawin mo?

    Magkunwari na hindi nakita at pababayaan na lang ito. 

    Sabihin kay tatay ang masamang epekto nito sa kalikasan at kalusugan. 

    Isumbong sa nanay ang ginagawa ng iyong tatay.

    60s
  • Q3

    Pagpasok mo sa paaralan naalala mong nakalimutan mong ipasa ang iyong proyekto sa iyong guro dahil inaya ka magbasketball ng iyong mga kaibigan, ano ang iyong gagawin?

    Kakausapin ang guro at sasabihin ang tunay na dahilan.

    Uuwi na lamang ulit at hindi na papasok.

    Gumawa ng dahilan upang hindi mapagalitan ng guro.

    60s
  • Q4

    Nakita mong kinuha ng iyong kaklase ang baon ng iyong katabi dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?

    Pagsabihan siya na masama ang pagkuha ng hindi sa kaniya at magbahagi ng iyong baon sa kaniya. 

    Manahimik na lang dahil nakakaawa ang kaklase mong walang baon.

    Huwag pansinin sapagkat problema na nila iyon.

    60s
  • Q5

    Nagkaroon kayo ng pangkatang gawain, ang isa sa inyong miyembro ay hindi tumulong sa paggawa ng inyong gawain. Isasama mo ba ang kanyang pangalan sa inyong listahan? Bakit?

    Opo, dahil kagrupo ko siya. 

    Hindi po, dahil hindi po siya tumulong sa aming gawain.

    Opo, dahil nakakaawa naman kung wala siyang marka.

    60s
  • Q6

    Nakita mong itinago ng iyong kaibigan ang ballpen ng inyong kaklase at sinabihan ka na huwag magsusumbong, ano ang gagawin mo?

    Aalis na lamang upang hindi madamay. 

    Hahayaan na maghanap ang kaklase.

    Pagsasabihan ang kaibigan na hindi magandang gawain ang pagtatago ng mga bagay na hindi sa kaniya.

    60s
  • Q7

    Inaya mo ang iyong kaibigan na sumama sa iyo sa Coastal Clean Up Drive, ngunit hindi siya sumama dahil naglalaro pa siya at ayaw niyang sumali sa paglilinis. Tama ba ang kanyang pasya?

    Opo, dahil nakakapagod maglinis. 

    Hindi po, dahil mabuting sumama sa mga ganoong gawain upang maging malinis ang ating mga tabing ilog at dagat.

    Hindi po, dahil galit lang siya sa akin kaya ayaw niyang sumama.

    60s
  • Q8

    Habang naglalakad sa parke ay may napulot kang cellphone, nagkataon naman na nasira ang iyong cellphone. Ano ang magiging pasiya mo?

    Hahanapin at ibabalik ko sa may-ari ang cellphone.

    Gagamitin ko ang cellphone upang may magamit ako.

    Ibibigay ko ito sa aking kalaro.

    60s
  • Q9

    Nagkaroon kayo ng pagsusulit, nakita mo ang kaklase mo na nangongopya sa kanyang katabi, ano ang gagawin mo?

    Sasabihin ko sa aking guro dahil gusto kong mapagalitan siya.

    Hindi ko na lamang siya papansinin.

    Sasabihin ko sa aking guro ang kanyang ginawa upang malaman niya na mali iyon.

    60s
  • Q10

    Isa ka sa magaling sumayaw sa inyong klase, nagkaroon ng patimpalak sa pagsayaw at inaaya ka ng iyong kaklase na sumali sa kanilang grupo para sa patimpalak. Sasali ka ba sa kanila? Bakit?

    Opo, dahil sila ay mga kaklase ko at alam kong gusto nila akong isali sa kanilang grupo.

    Hindi po, dahil mas magaling ako sa kanila.

    Opo, dahil gusto kong ipatalo ang kanilang grupo.

    60s
  • Q11

    Isa sa mga tagubilin sa gitna ng pandemic ay ang bawal lumabas ang mga bata. Nais mong sumama sa iyong nanay na pumunta sa palengke. Hindi ka niya isinama dahil bawal lumabas ang mga batang kagaya mo. Ano ang mararamdaman mo?

    Iiyak ako upang isama niya ako. 

    Maiintindihan ko si nanay, dahil alam ko na iyon ay para sa aking kabutihan.

    Magtatampo ako sa aking nanay dahil hindi niya ako isinama.

    60s
  • Q12

    Mayroon kayong pagsusulit kinabukasan, Nakita mo ang matalik mong kaibigan na naglalaro lamang at hindi nag-aaral ng aralin. Hiniling niya sayo na pakopyahin mo siya sa pagsusulit. Papayag ka ba?

    Opo, dahil ayaw kong mag-away kami. 

    Hindi po, dahil hindi siya matututo sa kanyang pagkakamali.

    Opo, dahil matalik na kaibigan ko siya.

    60s
  • Q13

    May pagpupulong sa klase tungkol sa gaganaping programa para sa araw ng mga guro at nagmungkahi na magbigayan na lamang ng pera para sa bibilhin na regalo, ngunit naisip mong hindi lahat ay makakapagbigay ng pera.

    Huwag na lamang pansinin ang mungkahi ng pangulo. 

    Sumang-ayon na lamang dahil ito ang pinakamadaling paraan.

    Magmumungkahi ng iba pang paraan upang lahat ay makalahok sa programa.

    60s
  • Q14

    Aayusin ang isang bahagi ng inyong silid-aralan at pansamantalang ililipat kayo sa isang masikip na lugar. Sasang-ayon ka bang lumipat? Bakit?

    Opo, pansamantala lamang ang paglipat at para ito sa ikagaganda ng aming silid aralan.

    Hindi po, dahil maiinitan kaming mga mag-aaral.

    Opo, pero hindi na lamang ako papasok dahil masikip.

    60s
  • Q15

    Bumili ka sa tindahan ng iyong merienda. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?

    Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.

    Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.

    Uuwi ako sa bahay at itabi ang sobrang sukli. 

    60s

Teachers give this quiz to your class