
ESP 8 Quiz #4(Lesson 4)
Quiz by Maricris Delima
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay isa sa mga papel ng pamilya na kung saan mahalaga itong papel na magampanan upang makatulong sa pagbuo ng matiwasay na lipunan.
Ito ay mahalagang papel ng pamilya na kung saan sila ay may karapatang bumoto ng kandidatong nais nilang mamahala.
Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa isang pamilyang tumutulong sa ibang pamilya sa oras ng kanilang pangangailangan?
Ano ang tawag sa pagtulong nang walang bayad ng mga Pilipino sa mga kababayan nilang nangangailangan ng tulong?
Bakit ang tao ay hindi maaaring mabuhay ng nag iisa sa lipunang kanyang ginagalawan?
Ito ay papel ng pamilya na kung saan pinapangalagaan nila ang ating kalikasan.
Sa konsepto ng pagbibigayan unang nasisilayan ito dahil ang mga tao ay nagkakaisa sa lahat ng suliranin na kinakaharap nila.
Ang pagsasabi ng "po" at "opo" ang isa sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang. Ano ito?
Bakit dapat makisangkot ang isang pamilya sa mga isyung pampamayanan o pambansa?
Ito ay itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan at malaon ay isinasabuhay ng pamilya sa paraang pagtulong sa pamayanan.