
ESP GR 1 BUWANANG PAGSUSUSLIT (JUNE)
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang Mosque ang bahay-dalanginan ng mga _________.
Ang nagmimisa sa simbahang Katoliko ay ang _________.
Habang ang mga tao ay pumipila upang tumanggap ng komunyon sa misa, ano ang dapat gawin?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?
Iniiwasan si Mika ng iyong mga kaklase dahil iba ang kanyang paraan ng pagsamba. Ano ang dapat mong gawin?
Hindi sumunod si Joshua sa kanyang nanay nang utusan siyang bumili ng mantika sa tindahan dahil tinatamad siya. Tama ba ang ginawa ni Joshua?
Tinatawag na si Ada ng kanyang Ate na kumain ng tanghalian ngunit di pa tapos ang kaniyang pinapanood na palabas sa TV kaya di muna siya sumunod. Tama ba ang ginawa ni Ada?
Nakita ni Ana na nahihirapan ang kaniyang lola na umakyat ng hagdanan kaya inalalayan niya ito hanggang makapanhik sa itaas ng bahay. Tama ba ang ginawa ni Ana?
Pinulot ni Kardo ang lahat ng nakakalat na papel sa tapat ng kanilang silid-aralan. Tama ba ang ginawa ni Kardo?
Hindi alam ni Kristel ang sagot sa ilang tanong sa kanilang pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao kaya’t nangopya na lamang siya sa katabi. Tama ba ang ginawa ni Kristel?