Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
5 questions
Show answers
  • Q1

    Nakita mong nagtatapon ng basura sa ilog ang iyong kapitbahay. Alam mong labag iyon sa R.A.9003 na iyong napag-aralan sa EsP. Paano mo siya mapaaalalahan?

    Sisigawan ko siya na mali ang kanyang ginagawa.

    Ipaliliwanag ko sa kanya ang batas na aking natutuhan ukol sa wastong pagtatapon ng basura.

    Pagbabantaan ko na isusumbong ko siya sa barangay.

    Sisisihin ko siya sa mga nangyayaring pagbaha sa aming lugar.

    30s
    EsP5PPP – IIIe– 28
  • Q2

    Lumabas ang kalaro ni Jean na si Oswald na walang suot na facemask. Alam ni Jean na mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng walang suot na facemask.  Ano ang dapat gawin ni Jean sa kanyang kalaro?

    Hindi niya papansinin si Oswald dahil ayaw niyang lumabas ng bahay.

    Hahayaan ang kalaro na masita ng barangay tanod dahil sa hindi pagsusuot ng facemask.

    Sisigawan niya at pagsasabihang, “Hoy! Oswald, magfacemask ka nga!”

    Bibilinan ang kaibigan na ugaliin ang pagsusuot ng facemask sa tuwing lalabas ng bahay.

    30s
    EsP5PPP – IIIe– 28
  • Q3

    Nasa bahay ka ng Tiya Ezra mo. Umiyak ang sanggol na pinsan mo, at agad siyang binigyan ng tiya mo ng gatas. Batid mong mas masustansiya ang gatas mula sa ina dahil ang mama mo ay nagpapadede sa iyong bunsong kapatid. Paano mo ipaliliwanag sa iyong tiya ang kahalagahan ng #First1000 Days Law na iyong nabasa sa klinika ng inyong paaralan?

    Sasabihin ko kay Tiya Ezra na basahin ang label ng kahon ng gatas.

    Sasabihin ko kay Tiya Ezra na mas makatitipid siya kapag siya ay nagpasuso.

    Ibabahagi ko ang aking kaalaman tungkol sa kabutihang dulot ng pagpapasuso sa sanggol.

    Papayuhan ko siya na magtungo sa health center at magtanong doon.

    30s
    EsP5PPP – IIIe– 28
  • Q4

    Napanood mo sa telebisyon ang pagpatay sa mga taong sangkot sa bentahan ng droga sa isang lugar sa Lungsod ng Quezon. Paano kaya maiiwasan ang mga kaguluhang tulad nito sa inyong lugar?

    Huwag na lamang makialam upang hindi masangkot sa gulo.

    Pagtakpan ang mga gumagamit o nagbebenta ng droga sa inyong lugar.

    Ipagwalang-bahalaang mga kautusan sa inyong lugar.

    Maging mapagmatyag sa paligid at i-report sa mga kinauukulan ang anumang hindi magandang gawain sa inyong lugar.

    30s
    EsP5PPP – IIIe– 28
  • Q5

    Nahiligan ni Fergus ang pagtatanim ng mga halaman dahil mahilig din sa pagtatanim ng halaman ang kanyang nanay. Ang kanyang pinsang si Cain ay walang hilig sa ganitong gawain dahil paglalaro ng computer games lamang ang pinagkakaabalahan nito. Paano hihikayatin ni Fergus ang kanya pinsan na sumali sa ganitong gawain?

    Makikipaglaro muna ng computer games kay Cain hanggang sa magsawa sila sa paglalaro. 

    Pagsasabihan niya ang kanyang pinsan na Plant vs. Zombies naman ang laruin.

    Sasabihin sa nanay na huwag papuntahin sa kanilang bahay si Cain kapag hindi nagtanim.

    Ipaliliwanag niya kay Cain ang mabuting dulot ng pagtatanim ng halaman.

    30s
    EsP5PPP – IIIe– 28

Teachers give this quiz to your class