
ESP GR 7 BUWANANG PAGSUSUSLIT (MARCH)
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kanyang kapanganakan. Ang pangungusap ay:
Mali, simula kapanganakan, ang tao ay mayroon ng kamalayan sa sarili.
Tama, ang sanggol ay wala pang kakayahang mag-isip, mangatwiran, magpasya at kumilos.
Tama, ang bata mula kapanganakan hanggang pagtanda ay walang gawi at di nagtataglay ng birtud.
Mali, sapagkat namamana ang gawi at birtud ng tao.
30s - Q2
Ang mga pagpapahalaga tulad ng pag-ibig, paggalang sa dignidad ng tao, pagmamahal sa katotohanan, katarungan, kapayapaan, paggalang sa anumang pag-aari, pagbubuklod ng pamilya, paggalang sa buhay, kalayaan, paggawa at iba pa ay mga halimbawa ng:
Di-ganap na pagpapahalagang moral
Ganap na pagpapahalagang moral
Pagpapahalagang kultural na panggawi
Kultural na pagpapahalaga
30s - Q3
Sa paanong paraan mauunawaan ng isang tao ang pagpapahalaga?
Sa pamamagitan ng paglinang ng kaisipan.
Sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggawa nito.
Sa pamamagitan ng pagdama nito.
Sa pamamagitan ng mabusising pag-aaral nito.
30s - Q4
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng pagpapahalagang kultural na panggawi?
Ito ay hindi magbabago kahit lumipas man ang mahabang panahon.
Ito ay nakabatay sa sitwasyon.
Ito ay naiimpluwensyahan ng pagpapahalaga ng lipunan.
Ito ay maaring magdaan sa unti-unting pagbabago.
30s - Q5
Ang pamilyang Josef ay nanirahan sa bansang Canada nang matagal na panahon kaya’t nanibago sila ng umuwi sa PIlipinas lalong lalo na sa aspetong kultural. Ito ay halimbawa ng anong pagpapahalaga?
Ganap na Pagpapahalagang Moral
Obhetibong Pagpapahalaga
Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
Subhetibong Pagpapahalaga
30s - Q6
Hangga’t ang pagpapahalagang kultural at panggawi ng tao ay hindi nag-uugat sa ganap na pagpapahalagang moral, laging naroroon ang panganib na kanyang suwayin ang :
Pagpapapahalagang Ganap
Batas ng Moralidad
Karapatang Pantao
Likas na Batas Moral
30s - Q7
Bakit kailangang taglayin ng tao ang pagpapahalaga?
Ito ay nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
Ito ay biyaya ng Poong Maykapal sa bawat tao.
Ito ang nagbubuklod sa bawat miyembro ng lipunan.
Ito ang nagsisilbing inspirasyon ng tao upang mabuhay sa mundo.
30s - Q8
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho.
Pandamdam na Pagpapahalaga
Banal na Pagpapahalaga
Pambuhay na Pagpapahalaga
Ispiritwal na Pagpapahalaga
30s - Q9
Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga.
Banal na Pagpapahalaga
Ispirituwal na Pagpapahalaga
Pandamdam na mga pagpapahalaga
Pambuhay na mga Pagpapahalaga
30s - Q10
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI halimbawa ng pambuhay na pagpapahalaga?
Laging kinakausap ni Alex ang kanyang mga mahal sa buhay.
Nagpahinga si Addy dahil siya ay napagod sa kanyang trabaho.
Bumili si Amy ng mamahaling alahas at magarang sasakyan.
Kumain si Ava ng masusustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog.
30s