
ESP GR 8 BUWANANG PAGSUSUSLIT (MARCH)
Quiz by Mark Joseph Marantal 2
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Natuklasan mong ipinagpaliban ng iyong nanay ang kanyang pagpunta sa doktor upang maipagluto ka ng mga handa sa araw ng iyong kaarawan. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pasasalamat ang praktikal na pwede mong gawin sa iyong nanay?
Lumiban sa klase para masamahan siya sa doktor
Ibili siya ng magandang sapatos.
Bigyan siya ng mamahaling regalo.
Sabihan siya ng “Mahal kita, Nanay.”
30s - Q2
Binigyan ni Catriona ang kaniyang kaibigan ng isang “inspirational book” matapos siyang samahan sa pagpunta sa bahay ng kaniyang tita. Paano ipinakita ni Catriona ang kanyang pasasalamat sa kaniyang kaibigan?
Binigyan niya ito ng isang libro.
Sinamahan niya ito pauwi sa kanilang bahay.
Sinabihan niya ito ng “Salamat.”
Binigyan niya ito ng masarap na pagkain.
30s - Q3
Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay nalanghap mo ang masarap na almusal at binati ka ng iyong nanay ng magandang umaga. Paano mo pasasalamatan ang iyong nanay?
Babatiin ko rin siya ng magandang tanghali.
Tutulungan ko siya sa paghahanda ng hapagkainan.
Kakain ako ng marami.
Sasamahan ko siyang mamalengke kahit may pasok.
30s - Q4
Si Roy ay nag-iipon ng pera para sa Paskong darating. Gusto niyang ibili ng regalo ang tatlo niyang kapatid ng mga bagong laruan. Isang araw, nakita niyang naiwan ng kaklase ang pitaka na may lamang dalawandaang piso. Ano ang dapat niyang gawin?
Ibalik niya ang pitaka sa kanyang kaklase.
Itago niya muna ito at kapag di hinanap, aangkinin na lang niya.
Hayaan na lang niyang maiwan ang pitaka sa loob ng silid-aralan.
Kukunin niya ito para may pandagdag sa ipon niya.
30s - Q5
Ayon sa pag-aaral ng Institute for Research on Unlimited Love (IRUL), ang mga sumusunod ay magagandang dulot ng pagiging mapagpasalamat sa kalusugan maliban sa isa. Alin ito?
May mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon
Nagiging mas malusog ang pangangatawan
Mas madaling ma-promote sa trabaho
Mas pokus ang kaisipan ng taong mapagpasalamat.
30s - Q6
Ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga.
Ang pamilya bilang presensiya
Ang pamilya bilang hiwaga
Ang pamilya bilang hamon
Ang pamilya bilang halaga
30s - Q7
Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang proseso na mula sa mga ugnayang nauna sa iyong pag-iral.
Ang pamilya bilang hiwaga
Ang pamilya bilang hamon
Ang pamilya bilang halaga
Ang pamilya bilang presensiya
30s - Q8
Lumaki ka sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon. Paano mo maipapakita ang paggalang sa iyong mga magulang sa aspetong ito?
Sumali sa fraternity upang may mga kaibigang tutulong sa iyo.
Sumunod sa kanilang bilin na mag-aral kang mabuti.
Mag-aral mabuti upang bigyan ka ng maraming baon.
Mag-aral mabuti upang maging isang “honor student.”
30s - Q9
Kung ikaw ay lumaki sa isang pamilyang nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal, at pagmamalasakit sa kapwa, paano mo maipapakita ang pagkilala at paggalang sa bawat miyembro ng pamilya?
Aalamin ang puno’t dulo ng problema bago magbigay ng sariling opinyon
Ipapaubaya na lang sa magulang ang pagdedesisyon para sa ikabubuti ng pamilya
Pakikinggan ang kuwento ng kapatid kung pakikinggan ka rin niya
Iwasan ang pakikipagtalo sa tuwing may isyu sa pamilya
30s - Q10
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng totoong paggalang sa mga nakatatanda?
Bihirang makipagkuwentuhan si Alona sa kaniyang lolo dahil ulyanin na ito.
Pinapagalitan ni Ana ang kaniyang lola dahil lagi itong mapanghi.
Umiiwas lagi si Ador sa mga gawaing bahay tuwing Sabado at Linggo.
Nagmamano lagi si Adriana sa kaniyang lolo at lola kahit hindi na siya makilala ng mga ito.
30s