Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Ipinadala ng guro ang Liham Patawag para sa magulang kay Jian dahil sa mababang markang nakuha nito. Takot na takot si Jian dahil alam niyang mapapagalitan siya kaya’t kinausap niya ang kanilang kapitbahay na magpanggap bilang kanyang magulang.

    Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan

    Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit na makapinsalang ibang tao

    Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

    Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q2

    Alam ng buong pamilya ang pagkahilig ni Ken sa online gaming. Minsan ay nahuli siya ng kanyang nanay na naglalaro kasama ang kanyang pinsan. Sa ganitong sitwasyon ay pinangaralan siya na disiplinahin ang sarili sa ganitong uri ng laro subalit nangatwiran ito na hindi niya ito hilig bagkus ay napapasama lamang siya.

    Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

    Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

    Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan namapahiya, masisi o maparusahan

    Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit na makapinsala ng ibang tao

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q3

    Dahil sa inggit sa isang kamag-anak na palaging nagbibiyahe, ipinamalita ni Tessa sa kanilang buong angkan na lubog na ito sa utang gayung wala itong katotohanan.

    Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit na makapinsala ng ibang tao

    Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan namapahiya, masisi o maparusahan

    Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

    Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q4

    Nagkayayaan ang magkakamag-aral sina Francis, Keir, at Al na pumunta sa bahay ng kanilang kaibigang si Gwen. Dahil sa matagal na hindi nagpangitaang mga ito ay napahaba ang kanilang kuwentuhan at inabot sila ng gabi. Sa sitwasyong ito ay balisa si Al dahil hindi siya nakapagpaalam sa kanyang mahigpit na magulang. Dagli niyang kinausap si Francis na magsinungaling na kaya sila ginabi ay dahil sa paggawa ng proyekto. Agad namang pumayag si Francis dahil ayaw niyang mapagalitan ito ng kanyang magulang.

    Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

    Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit namakapinsala ng ibang tao

    Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

    Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan namapahiya, masisi o maparusahan

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q5

    Nagulat si Rosa sa takot na takot at umiiyak na dumating nilang kapitbahay at nakiusap ito na itago siya dahil hinahabol siya ng nagwawala nitong asawa at sinabing huwag ipapaalam sa huli ang kanyang kinaroroonan. Kaagad namang pumayag si Rosa upang mapangalagaan ang kaligtasan nito.

    Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

    Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan namapahiya, masisi o maparusahan

    Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

    Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit na makapinsalang ibang tao

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q6

    Kahit anong pilit ni Mira sa kanyang bunsong kapatid na sabihin kung sino ang nakapanakit dito ay hindi ito nagsasalita.

    Pag-iwas

    Pananahimik

    Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

    Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q7

    Nagpaalam si Enzo na pupunta siya sa kanyang kaklase upang gumawa ng proyekto subalit ang hindi niya sinabi na pupunta siya sa isa sa mga kaibigan na pinapalayuan ng magulang niya sa kanya dahil sa malimit itong masangkot sagulo

    Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

    Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

    Pag-iwas

    Pananahimik

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q8

    Tinanong ni Mang Caloy ang anak niyang si Irma kung nangopya ito sa pagsusulit. Subalit ang sagot ni Irma ay nagpahiwatig kay Mang Caloy namag-isip ng posibilidad.

    Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan 

    Pananahimik

    Pag-iwas

    Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q9

    Malimit dumalaw si Luis sa kanyang pinsang si Adelfa. Nasaksihan nito ang hindi patas na pagtingin ng magulang kay Adelfa kung kaya’t hindi maiwasang magtanong ang kanyang pinsan kung masama ang loob niya sa mga ito. Sa ganitong sitwasyon, binago ni Adelfa ang usapin upang hindi nito malaman ang kanyang totoong saloobin.

    Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

    Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

    Pag-iwas

    Pananahimik

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1
  • Q10

    Tinanong ng guro si Rafa kung totoo ang balitang nakarating dito na siya ang punong-saksi sa pangongopya ng kanyang kaklase noong nakaraang pagsusulit. Sa haba ng kanilang pag-uusap ay tikom ang bibig nito at ayaw magsalita.

    Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

    Pananahimik

    Pag-iwas

    Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

    30s
    EsP8PBIIIg-12.1

Teachers give this quiz to your class