EsP Grade 10: Katotohanan- Unang Pagsubok
Quiz by rizza g. arines
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Arestado ng Bureau of Customs (BOC) ang 5 Chinese National at 1 Pinoy na sangkot umano sa paggawa ng pekeng pack labels o packaging ng sigarilyo. Ayon sa Bureau of Customs, tugon ito sa reklamo ng Philip Morris at Japan Tobacco International na may namemeke ng packaging nila. Naaresto ang 6 na suspek habang iniinspeksyon ang isang warehouse sa Valenzuela City. Doon ay naabutan pa ng mga awtoridad na gumagawa ng mga pekeng label ng mga sigarilyo ang anim na tao, tulad na lang ng mga brand na Fortune at Jackpot. Kakasuhan ng paglabag sa intellectual property rights at Customs Modernization and Tariff Act ang mga suspek. —Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Whistleblowing
Plagiarism
Pagsisinungaling
Intellectual Piracy
60s - Q2
2. Ibinunyag ng dalawang whistleblowers ang lahat ng kanilang nalalaman kaugnay ng anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito ang inihayag ng Department of Justice (DOJ) na nagsabing idinitalye ng dalawa ang lahat ng iregularidad sa ahensya kung saan nakipag sabwatan ang mga opisyal at mga kawani ng ahensya sa mga doktor at ospital sa nakalipas na mga taon. Ayon sa DOJ, inilahad ng dalawa ang kanilang nalalaman sa anomalya sa isinagawang unang pagdinig ng Task Force PhilHealth nitong Biyernes (Agosto 14). Gayunman, tumanggi ang DOJ na isapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawa para na rin sa kanilang seguridad. -Jeffrey G. Damicog, Balita
Whistleblowing
Plagiarism
Pagsisinungaling
Intellectual Piracy
60s - Q3
3. Inalmahan ng Original Pilipino Music icon na si Ely Buendia at ng ilang cast members ng “Ang Huling El Bimbo: The Musical” ang umano’y “pangongopya” ng isang contestant sa online singing competition hosted by Matteo Guidicelli. Inireklamo nila si CJ Villavicencio na siyang itinanghal na grand winner sa “The Pop Stage” na nang-agaw ng eksena sa contest matapos kantahin ang medley ng ilang Eraserheads hits. Ayon sa ilang miyembro ng cast ng “Ang Huling El Bimbo: The Musical”, ang performance ni CJ ay ginaya lamang sa isang eksena sa kanilang hit musical play, partikular na ang arrangement ng Eraserheads medley. Kinuwestiyon ng singer at musical director na si Myke Salomon ang pagkapanalo ng contestant at dismayado raw siya sa kaniyang napanood. -Bandera News
Whistleblowing
Intellectual Piracy
Pagsisinungaling
Plagiarism
60s