
EsP Grade 4 Post Assessment
Quiz by Nenita Hocson
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 4 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naglalahad ng wastong kaisipan?
Si Rina ay nagpapatulong sa kaniyang katabi habang kumukuha ng pagsusulit.
Magpatulong sa nakakatandang kapatid sa paggawa ng takdang aralin.
Ginagampanan ni Ana ang kaniyang gawain sa pangkat sa abot ng kaniyang makakaya.
Nakalimutan ni Alice na gawin ang kaniyang takdang aralin. Nang tawagin siya ng kaniyang guro, sinabi niyang naiwan niya ito sa bahay.
30sEsP4PKP- Ia-b – 23 - Q2
Narinig mo ang usap-usapan sa inyong lugar tungkol sa diumano ay pagkakaroon ng Covid ng inyong kapitbahay ngunit nakikita mo na patuloy sila sa paglabas-labas sa kanilang tahanan. Ano ang iyong gagawin?
Magtago sa bahay upang hindi mahawahan
Alamin muna ang katotohanan bago umisip ng tamang paraan
Ipamalita sa buong lugar upang ang lahat ay makapagquarantine
Umiwas na makasalamuha ang pamilyang 'di umano’y may Covid
30sEsP4PKP- Ia-b – 23 - Q3
Nagkaroon ng oryentasyon ang guro sa klase nila Hanna sa unang araw ng pasukan. Tinawag siya ng guro para pangunahan ang pagdarasal. Walang kahandaan at nabigla si Hanna. Ano angkop niyang gawin?
Magsabi sa guro na ayaw mo dahil hindi ka handa
Makiusap sa guro na iba na lang ang gumanap sa pagdarasal
Pakiusapan ang katabi nasiyang gumanap ng tungkulin
Pangunahan ang pagdarasal ayon sa laman ng puso
30sEsP4PKP- Ic-d – 24 - Q4
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?
Dinalhan ni Nilo ng pagkain ang batang pulubi
Tinatapos ni Ella anglahat ng kanyang takdang-aralin bago matulog.
Hinintay ni Jenna na matulog ang lahat upang makapaglaro ng gadyet
Nagugutom na si Damian kaya nakiusap siya sa katabi na mauna na sa pilahan.
30sEsP4PKP- Ie-g - 25 - Q5
Lubhang naapektuhan ng pandemya anginyong kabuhayan kaya’t naghigpit ng sinturon ang iyong mga magulang. Kailanganmo ng mga kagamitang pampaaralan sa pagbubukas ng klase ngunit wala pa kayongpambili. Alin ang pinakamainam mong gawin?
Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit na walang kagamitan
Hintayin ang mga magulang na mabili ang mga kagamitan
Hihinto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa paghahanapbuhay
Ayusin ang mga lumang kagamitan na maaari pang mapakinabangan at iyon muna ang gamitin
30sEsP4PKP- Ie-g - 25 - Q6
May bago kang kapitbahay na galing sa malayong probinsiya. Nalaman mo na pinipintasan siya ng iyong mga kalaro. Ano ang iyong gagawin?
Sasali ako sa pamimintas nila sa bagong kapitbahay.
Sasabihan ang bagong kapitbahay na huwag makipaglaro sa kanila.
Sasabihan kong itigil nila ang pamimintas sa bagong kapitbahay.
Hindi ko iintindihin ang kanilang pamimintas.
30sEsP4PKP- Ie-g - 25 - Q7
Alin sa mga sumusunod ang iyong ginagawa kapag may nagawa kang
pagkakamali sa iyong kaibigan?
Pinapalampas ko ang bawat pagkakamaling nagagawa ko.
Hinahayaan ko na lamang na magalit sa akin ang aking kaibigan.
Humihingi ako ng tawad kapag nagkakamali ako.
Sinasadya ko pa lalo na magalit sa akin ang aking kaibigan.
30sEsP4PKP- Ih-i - 26 - Q8
Sa bahay ninyo iniimbakang “relief goods” para sa mga nasalanta ng bagyo.
May nagustuhan kang laruan na nakasama sa mgaito. Ano ang gagawin mo?
Itago ang laruang nagustuhan.
Palitan ng ibang laruan at kunin ang nagustuhang laruan.
Hindi pakikialaman ang laruan.
Sisirain ko ang laruan para hindi maipamigay sa iba.
30sEsP4PKP- Ih-i - 26 - Q9
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa kapuwa tao sa
pamamagitan ng pag-iwasna makahawa ng sakit?
Pagsusuot ng facemask kung kailangang lumabas
Pananatili sa bahay habang may sakit
Pag-iwas na lumapit sa ibang tao
Lahat ng nabanggit
30sEsP4PKP- Ih-i - 26 - Q10
Kasalukuyang nagpapaliwanag sa online class ninyo ang inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
Hahayaan ko lang ang aking guro na nagsasalita.
Papakinggan ko nang mabuti ang aking guro
Titingin ako sa facebook habang may online class.
Makikipagchat ako sa mga kaklase ko sa Group Chat namin.
30sEsP4PKP- Ih-i - 26 - Q11
May bago kayong kaklase na isang katutubong Badjao, nagkukuwento siya tungkol sa kanilang kultura. Paano mo maipaparamdam na pinapahalagahan mo ang kanyang pinagmulan?
I. Magiliw ko siyang pakikinggan habang nagkukuwento.
II. Magtatanong ako upang higit kong maintindihan ang kaniyang
pinagmulan.
III. Makikisama ako sa pakikinig sa kanyang kuwento upang makilala
ko siya.
IV. Tatawagin ko ang aking kaibigan upang siya ang makinig sa kuwento.
I, at II
I, II at III
I, III at IV
IV
30s - Q12
Nagkaroon ng proyektong pangkalikasan ang inyong paaralan. Isa sa mga layunin nito ay segration o ipaghiwalay ang mga nabubulok, di nabubulok at ang mga basurang maaari pang i-recycle. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pakikiisa sa proyektong ito?
Ipagpapatuloy ko pa rin ang pagtatapon ng plastik kahit saan
Itatapon ko lang sa tamang basurahan ang aking mga kalat kung may nakakakita sa akin.
Hihikayatin ko ang aking mgakamag-aral na sundin ang mga alituntunin sa proyektong ito.
Hahayaan ko lang ang mga mag-aaral na hindi sumunod sa tamang pagtatapon ng basura.
30s - Q13
Nakasabay mo sa paglalakad ang isang matandang maraming bitbit. Ikaw ay nagmamadali dahil may mahalaga kayong pupuntahan ng mga kaibigan mo, ikaw na lamang ang hinihintay at maaari ka nanilang iwanan dahil mahuhuli na kayo sa inyong pupuntahan. Nagkataong nahulog ang ibang dala ng matanda, ano ang dapat mong gawin?
Kakausapin ang ibang mga kasabay na pakitulungan ang matanda dahil nagmamadali ako.
Tatawagan ko ang mga kasama ko na hindi na ako makakasama dahil may tinulungan ako
Hahayaan na iwan ako ng mga kasama ko upang matulungan ko ang matanda.
Sisikapin ko na makarating sa oras ng pinag-usapan namin ng mga kaibigan ko pagkatapos kong matulungan ang matanda.
30s - Q14
Sinabihan kayo ng inyong guro na magsasayaw ng Pandango sa Ilaw sana lalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Alin sa mga sumusunod na gawain ang pinakamainam mong gawin?
Makikiisa ako at pagbubutihin koang pag-eensayo upang makilala sa paraalan.
Gagalingan ko upang makasali pang muli sa mga programang pampaaralan.
Ipagmamalaki ko sa aming bahay na sasali ako sa pagsayaw kahit hindi ako gaanong marunong.
Sasali ako sa pag-eensayo subalit hindi ako sasayaw sa araw ng pagdiriwang.
30s - Q15
Ikaw ay nasa ikaapat na baitang,paano mo mapapanatiling malinis at maayos ang iyong kapaligiran?
Ibabaon ang mga di nabubulok na basura sa bakanteng lote.
Ipamimigay ang mga bagay na di mo na gusto sa iba.
Paghiwahiwalayin ang mga basura sa nabubulok at di nabubulok.
Sunugin ang mga natuyong dahon at papel sa umaga.
30s