Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Magiliw na pinagmamasdan ni Jose ang pamilya Santos sa bahay sambahan. Napansin niya na hindi nila nakakalimutan na manalangin ng sama-sama higit sa lahat ang pagsamba ng magkakasama. Anong kilos ang kapansin-pansin sa pamilya na nagpapakita ng pag-iral ng pananampalataya?
    Pagbibigay ng donasyon sa simbahang kinabibilangan ng mag-anak.
    Sama samang pumupunta at nanalangin sa bahay sambahan.

    Pag-aaral ng mga salita ng Diyos ng buong mag-anak.

    Pakikinig ng buong mag-anak ng mga musika tungkol sa pananampalataya.
    30s
    EsP8PBIa-1.2
  • Q2
    Sobrang saya ni Archie na kabilang siya sa isang masaya at mapagmahal na pamilya. Kamakailan lamang ay nalaman niya sa kaniyang mga magulang na siya ay ampon ng mga ito. Nang mga sumunod na araw naging balisa at malungkutin si Archie na kaagad namang napansin ng kaniyang nanay. Dahil dito, kinausap niya si Archie na huwag magpapaapekto sa impormasyong kanyang nalaman. Makatuwiran ba ang ginawa ng nanay ni Archie?
    Oo, dahil mahalaga ang maayos na komunikasyon sa loob ng pamilya.

    Oo, dahil pag napabayaan niya na hindi makausap si Archie ay maaaring pag-umpisahan ito ng problema ng pamilya

    Oo, dapat ay ipinaliwanag ng nanay kay Archie na ang tunay na pamilya ay hindi lang sa pagiging kadugo mapapatunayan bagkus ito ay nasa puso.
    Oo, dahil kailangang maiparating ng nanay kay Archie na dapat ay maging mapagpasalamat ito sa ginawa nilang pag-aaruga.
    30s
    EsP8PBIa-1.2
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang magkaroon ng higit na kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa?
    Pakikinig sa radyo ng mga aralin habang nagsasagot ng modyul.
    Pagbabasa ng mga napapanahong balita tungkol sa iba’t ibang kaganapan sa bansa.
    Panonood sa television hinggil sa mga paksang may kinalaman sa asignatura.

    Pagsasagot sa mga modyul na ipinamahagi ng paaralang kinabibilangan.

    30s
    EsP8PBId-2.4
  • Q4
    Bilang isang mag-aaral sa Grade 8, pagsunod-sunurin ang mga hakbang na dapat gawin mula sa una hanggang sa huli upang masagutan nang tama ang mga gawain sa modyul. I. Matiyagang sagutan ang mga modyul. II. Ihanda ang mga kakailanganing gamit sa pagsagot. III. Maghanap ng komportableng lugar na nasa loob ng inyong tahanan. IV. Alamin at unawain ang tagubilin ng guro hinggil sa gawaing iniatang.
    II, III, I, IV
    III, II, IV, I
    IV, II, III, I

    I, III, II, IV

    30s
    EsP8PBId-2.4
  • Q5
    Hirap man ay malugod na itinataguyod na mag-isa ni Aling Elsa ang naiwang apat na maliliit nilang anak ng kaniyang namayapang asawa. Naniniwala si Aling Elsa na magiging maganda at maayos ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa pagpapala ng Poong Maykapal. Sa iyong palagay, tama ba ang paniniwalang ito ni Aling Elsa?
    Oo,dapat na ipaampon ni Aling Elsa ang ilan sa kanyang mga anak dahil hindi niyakakayanin ang responsibilidad ng pagpapalaki dito.
    Oo, dahil isinasabuhay ni Aling Elsa ang matibay na pananampalataya sa Diyos.
    Oo, dahil ang bawat sakripisyong ginawa ni Aling Elsa para sa pamilya ay may kaakibat na gantimpala mula sa Diyos.

    Oo, dahil kailangang obligahin niya ang pamilya ng kanyang namayapang asawa na tulungan siya sa pagpapalaki ng kanilang anak.|3:

    30s
    EsP8PBId-2.4
  • Q6
    Si Dave ay nasa ikatlong taon na ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa isang paaralan sa Maynila. Dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa kanilang bayan sa Pangasinan, naantala ang pagpapadala ng pera ng kaniyang mga magulang para sa pambayad niya sa bahay na kaniyang tinutuluyan at para na din sa kaniyang mga gastusin sa bahay. Nabanggit ng kaniyang Nanay na masyado pang makapal ang putik sa kanilang kalsada kung kaya't hindi pa sya makalabas para maipadala ang hinihintay niyang pera. Kung ikaw si Dave, ano ang pinakamakatuwirang gagawin mo upang magkaroon ng solusyon ang iyong kinakaharap na sitwasyon?
    Kakausapin ko nang maayos ang may-ari ng bahay at ipaliliwanag sa kaniya ang nangyari.
    Manghihiram ako ng pera sa aking mga kaibigan para makabayad na ako sa may-ari ng bahay.

    Tatahimik na lamang ako at hihintayin kung kailan maipadala ang pera.

    Maghahanap ako ng trabaho upang makabayad sa may-ari ng bahay.
    30s
    EsP8PIIf-7.4
  • Q7
    Sa pang-araw araw na pamamahala sa iyong emosyon ay natutuklasan mong may mga pagpapahalaga o birtud ka na unti-unting naisasabuhay. Alin sa mga pamamahala sa emosyon sa ibaba ang nagpapakita ng birtud ng lakas ng loob (fortitude)?
    Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang pangamba, ngunit isipin na mayroon pang higit na magandang mangyayari.
    Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?”

    Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o bagay.

    Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong.
    30s
    EsP8PIIf-7.4
  • Q8
    Ang DSWD ay nakatakdang magbahagi ng ikalawang pondo ng social amelioration program (SAP) o ayuda sa inyong pamayanan. Dumagsa ang tao dahil may mga kumalat na balita na maaari nang pumunta sa bangko upang makuha ang kanilang pera kahit wala pa silang natatanggap na text message mula sa UBEX. Dahil sa sitwasyon ng pandemiya ng COVID19 ay alam mong bawal na bawal ang mga pagkakataon kung saan ang mga tao ay nagsisiksikan sa isang lugar. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, ano ang nararapat mong gawin?
    Hihintayin ko na makatanggap ako ng text message mula sa UBEX bago pumunta sa bangko para kunin ang pera mula sa SAP.
    Magtatanong ako sa Kapitan ng aming barangay patungkol dito.
    Hihintayin ko na makatanggap ako ng text message mula sa UBEX ngunit kapag wala ay pupunta na ako sa bangko.

    Pupunta ako sa bangko sa oras na kaunti na lamang ang tao upang magbakasakali na makuha ang pera mula sa SAP.

    30s
    EsP8PIIh-8.4
  • Q9
    Mahusay na lider si Kurth. Siya ay madiskarte at maraming alam gawin subalit mainitin ang kaniyang ulo at madali siyang magalit sa kaniyang mga miyembro. Mula sa mga sumusunod na pamamaraan, ano ang dapat na unahing gawin ni Kurth upang maiwasan niya ang mga maling kilos ng isang mapanagutang lider?
    Pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang.
    Pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.

    Pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong kinahaharap ng pangkat.

    Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
    30s
    EsP8PIIh-8.4
  • Q10
    Si Jose ay maaasahang mag-aaral. Nais niyang maging lider ng kanilang pangkat subalit maraming pagkakataon na hindi niya nagagampanan ang kaniyang tungkulin bilang lider. Nais lamang niyang magkaroon ng posisyon at makilala, kung magawa man ng pangkat ang mga gawain, inaako ni Jose ang pagkilala at hindi binibigyan ng kaukulang pagkakilala ang mga kasapi ng pangkat. Alin sa mga gampanin ng isang mapanagutang lider ang dapat na paunlarin ni Jose?

    Maging sapat ang kaalaman at kasanayan.

    Tanggapin at gampanan ang tungkulin.
    Magbigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat
    Maging mabuting halimbawa.
    30s
    EsP8PIIh-8.4
  • Q11
    Noong nasa elementarya si Danah, isa sa kanyang mga guro ang nagpakita ng kakaibang dedikasyon sa kaniyang pagtuturo. Sinabi ni Danah sa kanyang guro na siya ang pinakapaboritong niyang guro at binigyan siya ni Danah ng isang liham-pasasalamat. Dahil sa kaniyang mabuting halimbawa, nagpasiya si Danah na maging isang guro. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pasasalamat ang naipakita ni Danah?
    Magpasalamat sa bawat araw.
    Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat.
    Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.

    Magbigay ng munti o simpleng regalo. 

    30s
    EsP8PBIIIb-9.3
  • Q12
    Higit na katangi-tangi kung sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon, positibo o negatibo mang karanasan, ang isang tao ay nakapagpapasalamat sa Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ng pagpapasalamat ang binibigyang diin sa nabanggit na pahayag?
    Magpasalamat sa bawat araw. Mahalaga na sa bawat araw ng iyong paggising ay alisin ang mga negatibong kaisipan bagkus isaisip ang kagandahan at layunin sa buhay
    Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit. Kapag ang puso ay mapagpasalamat, hindi mahirap para sa iyo na gumawa ng simpleng kabutihan na maaring ikatuwa ng iba.
    Magkaroon ng ritwal na pasasalamat. Unahin ang Diyos na dapat mong pasalamatan. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksyon.

    Magbigay ng munti o simpleng regalo. Isang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pag-alaala sa taong gumawa sa iyo ng kabutihan ay tunay na nagbibigay kasiyahan

    30s
    EsP8PBIIIb-9.3
  • Q13
    30s
    EsP8PBIIIb-9.3
  • Q14
    Ang mga kabataan ay nararapat lamang na sumunod at gumalang sa magulang, mga nakatatanda at may awtoridad. Ang pahayag ay________________.

    Tama, sapagkat walang gagalang sa kanila kundi ikaw.|

    Tama, sapagkat tungkulin ng isang kabataan na sundin at igalang ang kanilang magulang, mga nakatatanda, at may awtoridad.
    Tama, sapagkat ikaw ay mas nakababata sa kanila
    Tama, sapagkat nais lamang nilang mapabuti ang iyong buhay.
    30s
    EsP8PBIIIc-10.2
  • Q15
    Ang kawalan ng paggalang, paglabag o pagsuway sa magulang at nakakatanda at may awtoridad ay maaring magdulot ng kapahamakan.

    Tama, sapagkat nais lamang nilangsundin natin sila.

    Tama,sapagkat nais lamang nilang mapabuti tayo.
    Tama, sapagkat nais nilang mapabuti ang atingkalagayan, makaiwas sa kapahamakan at mapanatili ang birtud ng paggalang atpagsunod.

    Tama, sapagkat sila ang maykarapatang magpasunod at sundin.

    30s
    EsP8PBIIIc-10.2

Teachers give this quiz to your class