
ESP MAIKLING PAGSUSULIT QTR 4
Quiz by Emelita Dilidili
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Habang naglalakad ka pauwi galing sa paaralan ay nakita mo na binubunot ng mga bata ang mga halaman sa parke ng walang paalam. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko sila sisitahin dahil ayaw ko na magalit sila sa akin.
Pagsasabihan ko sila na hindi tama ang kanilang ginagawa sa mga halaman.
Magsasawalang kibo na lamang ako.
Hihingi ako ng mga halaman na binunot nila sa parke.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q2
Nakita mo na maraming tanim na halaman ang ate mo at halos hindi na iyon magkasya sa paso na pinagtamnan nito. Ano ang gagawin mo?
Sasabihin ko sa aking ate na hindi na kasya ang kanyang halaman sa paso.
Hahanap ako sa mga paso na maaring paglipatan sa mga halaman upang tumubo at lumago ito nang maayos.
Magkukunwaring hindi ko na lamang nakita
Uutusan ko ang aking nakababatang kapatid na ilipat sa ibang paso ang halaman.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q3
Sa taniman ng tatay mo, napansin mo na maraming damong ligaw na ang tumubo. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko papansinin iyon dahil manonood kami ng programa sa plasa.
Sasabihin ko sa aking kapatid na siya na lamang ang mag-alis ng damong ligaw dahil ako ay may lakad.
Aalisin ko muna ang mga damong ligaw dahil maari itong makapinsala sa mga halaman.
Ipapaalam ko na lamang sa aking tatay ang aking napansin sa kanyang mga tanim pagkatapos kong manood sa plasa.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q4
Nag-anunsiyo ang inyong guro na magkakaroon ng proyekto ang inyong paaralan tungkol sa Tree Planting. Ano ang gagawin mo?
Magkukunwaring hindi ko narinig ang anunsiyo ng aking guro.
Hindi ako sasali dahil hindi ako mahilig magtanim
Sasabihin ko sa aking mga kaklase na sumama sila sa tree planting para hindi na ako kailangang sumama pa.
Sasali ako dahil ito ay may magandang adhikain.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q5
Dahil sa lakas ng hangin ay nabuwal ang mga halaman sa inyong bahay. Nalungkot ang nanay mo nang makita niya iyon. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko muna papansinin ang aking nanay dahil may ginagawa pa ako
Maghahanap ako ng tutulong sa aking nanay dahil hindi ko alam ang magsaayos ng mga nabuwal na mga halaman.
Tutulungan ko ang aking nanay na ayusin ang mga nabuwal na halaman.
Sasabihin ko iyon sa aking tatay upang tulungan niya si nanay.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q6
Mahilig kang magtanim ng mga halaman at bulaklak ngunit wala nang lugar na pwede mong pagtamnan. Ano ang gagawin mo?
Ipapamigay ko na lamang ang mga halaman.
Hindi na lamang ako magtatanim.
Maghahanap muna ako ng ibang paso na maaring pagtaniman ng mga halaman at mga bulaklak
Sasabihan ko ang aking tatay na itanim na lamang ang mga halaman sa ibang lugar.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q7
Napansin mo na maraming mga bata ang pumipitas sa tanim na bulaklak ng inyong kapitbahay at ito ay kanila lamang pinaglalaruan. Ano ang gagawin mo?
Sasabihin ko na lamang sa aking nanay ang aking nakita para siya ang magsita sa mga bata na pumipitas ng mga halaman
Magkukunwaring hindi ko na lamang nakita.
Hindi ko sila sasabihan dahil hindi naman tanim namin ang kanilang pinipitas.
Pagsasabihan ko ang mga bata na hindi tama ang kanilang ginagawa.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q8
Nakita mo na maraming uod ang namamahay sa halamanan ninyo dahil sa hindi ito lubos na naaasikaso ng inyong mga magulang. Ano ang maaari mong gawin
Sasabihan ko ang kaibigan na alisin ang mga uod sa aming halaman at pagkatapos ay bibigyan ko na lamang siya ng mga sobrang halaman sa aming bakuran.
Uutusan ko ang aking kapatid para siya ang mag alis ng mga uod sa mga halaman.
Aalisin ko agad ang mga uod sa mga halaman dahil maari itong makapinsala sa mga halaman namin.
Hindi ko na muna papansinin iyon dahil may ginagawa pa ako.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q9
May proyekto kayo sa ikaapat na baitang. May mga halaman kayo na dadalin sa inyong paaralan at itatanim iyon sa inyong garden plot. Napansin mo na maraming damong ligaw ang inyong garden plot. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko na muna aalisin ang mga damong ligaw dahil hindi pa naman kami magtatanim.
Aalisan ko muna ng mga damong ligaw ang aming garden plot para maging maayos ang pagtubo ng aming mga tanim.
Ipapaalis ko ang mga damong ligaw sa aking kaklase.
Lilipat na lamang ako sa ibang garden plot na walang damong ligaw.
30sEsP4PD- IVe-g–12 - Q10
Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating mga halaman
Dahil ito ay nagbibigay sa atin ng pagkain at sustansya sa ating katawan
Dahil ito ay nagbibigay sa atin ng lilim at kagandahan ng ating kapaligiran.
Dahil ito ay nakakatulong sa ating kapaligiran na magkaroon ng sariwang hangin.
Lahat ng mga nabanggit ay tama.
30s