
ESP Quiz 1 - SQ
Quiz by Teacher Katrina
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Piliin ang masayang mukha kung ang tauhan sa sitwasyon ay gumagawa ng bagay na makabubuti sa kaniyang kalusugan, at malungkot na mukha naman kung hindi.
Sa lugar na maraming basura naglalaro si Omar at ang kaniyang mga kaibigan.
Umiinom ng gatas si Gab bago matulog sa gabi.
Naliligo araw-araw si Raijin. Nagpapalit din siya ng malinis na damit pagkagaling sa paaralan.
Kumakain ng agahan si Jordan bago pumasok sa paaralan.
Naghihilamos si Raijin ng sabon at malinis na tubig bago matulog.
Laging kumakain ng prutas at gulay si Gab.
Nakatatatlong baso ng softdrink si Carlo araw-araw.
Hindi naghuhugas ng kamay si Arnold bago humawak ng pagkain.
Kapag walang pasok, halos maghapong naglalaro sa kompiyuter si Chris.
Maagang natutulog si Raijin sa gabi. Sa tanghali ay natutulog din siya.