
ESP Quiz #2 (Q3)
Quiz by KAREN BUMATAY
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Piliin ang opo kung tama ang isinasaad ng pangungusap at hindi po naman kung mali.
Kailangang lumaki ang mga bata na masipag at matulungin.
Tinuturuan ng mga magulang at nakatatanda na maging magalang at masunurin ang mga anak.
Ang guro ang unang nagtuturo sa mga bata na maging masipag at magalang.
Nakabubuti sa pamayanan ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ng mga mamamayan.
Isang tungkulin na maingatan mo ang iyong pangalan.
Piliin ang tsek ( / ) kung nagpapakita ng pagtatamasa ng karapatan at ekis ( X ) naman kung hindi.
Jonalyn ang pangalan ng bagong kapatid ni Almelyn.
Hindi pumapalya si Aling Nita sa pagkuha ng modyul ng kanyang anak na si Ana upang may magamit siya sa kanyang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
Gustong makipaglaro ni Mark sa bago nilang kapitbahay subalit pinagbabawalan siya ng kanyang Nanay kahit nakatapos na siya sa kanyang mga gawaing pampaaralan.
Dinala si Yuni sa Health Center upang mabakunahan at mabigyan ng mga bitamina.
Si Mang Pedro ay laging nagpapatrolya kapag gabi upang masiguro ang katahimikan ng kanilang barangay.