placeholder image to represent content

ESP Summative Test

Quiz by Abigail Gasang

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Kayo ay nakatira sa Malvar, Marikina City at madaming nakakasalamuhang tao ang iyong kapatid. Napansin mong hindi gumagamit ng po at opo kapag kinakausap. Ano ang gagawin mo?

    Sisigawan at papagalitan ko siya upang matuto .

    Sasabihin ko sa kanya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat gumamit ng po at opo sa nakakatanda.

    Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.

    Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.

    30s
  • Q2

    May pinsan kang balikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong Tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kanya?

    Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.

    A. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.

    Iimbitahan ko siyang mag-basketbol.

    Magkukunwari akong hindi narinig ang sinabi ni Tatay.

    30s
  • Q3

    Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?

    Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil ito ang uso.

    Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag- eensayo.

    Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.

    Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na tinikling.

    30s
  • Q4

    Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Ullysses lalo na sa Lungsod ng Marikina, Hindi natinag ang mga Marikeńo. Nagtulong tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging:

    Mapagbigay.

    Matulungin

    Bayanihan

    Madasalin

    30s
  • Q5

    Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang iyong leksyon sa Matematika. Ano ang iyong gagawin?

    Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.

    Sasabihan ko siyang mag-aral mabuti.

    Sasabihan ko siyang mag-aral mabuti.

    Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksyon namin sa Matematika.

    30s
  • Q6

    Nagbakasyon kayo ng pinsan mo sa Mountain Province. Maya-maya ay isa sa mga katutubong sayaw ay pinatugtog sa saliw ng kawayan. Niyaya ka nilang sumali. Ano ang gagawin mo?

    Ituturo ko ang aking pinsan na siya na lamang ang sumayaw.

    Hindi ako sasali dahil nakakahiya.

    Magdadahilan na lamang ako na masakit ang aking ulo kaya hindi ako makakasayaw.

    Sasali ako sa sayaw upang maipakita ko na ipinagmamalaki ko ang aking kinagisnang kultura.

    30s
  • Q7

    Isinama ka ng iyong guro sa isang pagtatanghal para sa awitin ng katutubong Manobo sa darating na lunes. Ano ang mararamdaman mo?

    Matutuwa ako dahil pagkakataon ko nang maipagmalaki ang awitin ng mga Manobo.

    Malulungkot ako dahil hindi ko gusto na isinasama ako ng aking guro sa pagtatanghal lalo na kung hindi ko gusto ang aking aawitin.

    Mahihiya ako dahil hindi ako sanay na kumanta sa harap maraming tao.

    Maiinis ako dahil ayaw kong kumanta ng mga katutubong kanta.

    30s
  • Q8

    Tuwing araw ng Sabado ay naglilinis ng bakuran ang inyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin sa basura?

    Paghihiwalayin ko ang nabubulok at hindi nabubulok na basura.

    Itatapon namin sa tabi ng ilog ang mga basura para ipaanod sa tubig.

    Sasabihin ko kay tatay na sunugin na lang namin ang mga basura.

    Pagsasama samahin ang lahat ng basura

    30s
  • Q9

    Nang matapos maghugas ng mga pinggan ang iyong pinsan ay nakita mong pinagsama-sama niya ang mga basura na naipon sa kusina tulad ng mga natirang pagkain, plastik, lata ng sardinas, balat ng prutas at iba pa. Ano ang iyong gagawin?

    Ako na lamang ang magtatapon ng mga basurang pinagsama-sama ng aking pinsan sa basurahan.

    Pagsasabihan ko siya na huwag pagsamahin ang mga basura at ihiwalay ang mga basurang nabubulok sa di-nabubulok.

    Pagsasamahin ko ang lahat ng basura sa isang lalagyan.

    Hahayaan ko lamang ang aking pinsan sa kaniyang ginagawa dahil baka magalit siya sa akin kapag sinita ko siya sa kanyang ginagawa.

    30s
  • Q10

    Nakita mong itatapon na ng iyong tita ang mga lata ng gatas na wala ng laman. Ano ang iyong gagawin?

    Sasabihin ko sa aking tita na akin na lamang ang mga lata dahil maaaring taniman ng mga halaman ang mga ito.

    Hahayaan ko lang ang aking tita na itapon ang mga lata ng gatas na walang laman.

    Hihingin ko na lang sa aking tita ang mga lata ng gatas at ibebenta ang mga ito sa junkshop.

    Pagsasamahin ko ang lahat ng basura sa isang lalagyan.

    30s
  • Q11

    Ang pagmamano ay pagpapakita ng paggalang na tanging sa mga Pilipino lamang makikita.

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q12

    Tanging matatanda lamang ang dapat igalang

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q13

    Ang pagtatapon ng mga basura sa ilog, dagat at lawa ay walang epekto sa mga lamang dagat.

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q14

    Ang pagsusunog ng mga goma at plastik ay hindi nakasasama sa mga tao, hayop at mga halaman.

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q15

    Ang pangangalaga sa kapaligiran ay tungkulin lamang ng mga namumuno sa pamahalaan.

    false
    true
    True or False
    30s

Teachers give this quiz to your class