
ESP WEEK 2 QUARTER 4
Quiz by JARA
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Biktima ng sunog na puminsala sa maraming ari-arian noong Linggong nagdaan ang ilan sa iyong mga kaibigan. Naglunsad ng isang proyekto ang ESP Club na tulungan sila. Kailangan mong magbahay-bahay para mangalap ng donasyon. Kailangan mong kumatok sa mga pintuan ng mga kakilala at hindi mo kakilala. Nahihiya kang gawin ito. Ano ang nararapat mong gawin?
Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang mabuting mong gawin?
Nanghiram si Marian na kaibigan mo ng inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang pauwi sa bahay dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang makatwirang pananaw sa sitwasyong ito?
Tatlong araw na lang ay ika-11 kaarawan mo na. Naalala mo ang pangako ng iyong ina na bibilhan ka ng bagong sapatos ngunit nadukutan siya habang namamalengke. Paano mo harapin ang sitwasyong ito?
Pinulot ni Rayan ang perang nakita niya sa loob ng silid-aralan. Ano ang nararapat niyang gawin?
Mayroon tayong iba’t ibang opinion sa bawat bagay sa mundong ito. Sa anong paraan mo maipakita ng paggalang sa ideya at opinion ng iba?
.May takdang aralin si Jimmy. Hindi niya nagawa dahil sinamahan niya ang tatay sa pagbebenta ng balut. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
Ang pagtutulungan ay magandang kaugalian natin lalo na kung may nangangailang ng ating tulong. Napagkasunduan ninyong magkaibigan na magbigay ng pamasko sa isang kumunidad. Sa anong paraan mo maipakita ang iyong pagsang-ayon?
Bawat isa sa atin ay may karapatang tinatamasa. Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng responsableng pagbibigay ng opinyon at paggalang sa suhestiyon ng iba MALIBAN sa isa?
Ang taong responsable ay tinutupad ang kanyang sinasabi. Ano ang ibig sabihin nito?