EsP8/Post-Test/Ikatlong Markahan
Quiz by Rosevi Amid
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen
Correct quiz answers unlock more play!
- Q1
Ang pasasalamat ay isang gawi ng taong mapagpasalamat. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pasasalamat ay nagdudulot ng mabuting kalooban hanggang sa maging birtud
Ang pasasalamat ay ginagawa ng mga taong nakatanggap ng tulong mula sa iba
Ang pasasalamat ay palaging sinasabi upang maging kaayaaya sa paningin ng iba
Ang pasasalamat ay kilos na kailangang patuloy na pagsasagawa upang makasanayan hanggang sa maging birtud
120s - Q2
Ang dalawang positibong pakiramdam na ibinibigay ng taong nagpapasalamat sa taong gumawa sa kanya ng kabutihan ay?
Masayahin at panatag na pakiramdam
Pagmamahal at masiglang pakiramdam
Masigla at magiliw na pakiramdam
Malambing at magiliw na pakiramdam
120s - Q3
Isa sa pinagmulan ng salitang ingles na “Gratitude” ay ang salitang latin na “gratus” na ang ibig sabihin ay _________ .
Libre o walang bayad
Biyaya o kabutihan
Nakalulugod
Pagtatanging damdamin
120s - Q4
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ikatlong antas ng pasasalamat ayon kay Sto Tomas de Aquino ?
Pagbibigay ng regalo
Pasasalamat
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
Pagbabayad sa kabutihang ginawa sa abot ng makakaya
120s - Q5
Isa pinagmulan ng salitang ingles na "Gratitude ay ang salitang Latin na "Gratis" na ang ibig sabihin ay?
Libre o walang bayad
Nakalulugod
Pagtatanging damdamin
Kabutihan
120s - Q6
Isa pinagmulan ng salitang ingles na "Gratitude ay ang salitang Latin na "Gratia" na ang ibig sabihin ay?
Libre o walang bayad
Nakalulugod
Kabutihan
Pagtatanging damdamin
120s - Q7
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ikalawang antas ng pasasalamat ayon kay Sto Tomas de Aquino ?
Pagbabayad sa kabutihang ginawa sa abot ng makakaya
Pasasalamat
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
Pagbibigay ng regalo
120s - Q8
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng unang antas ng pasasalamat ayon kay Sto Tomas de Aquino?
Pagkilala sa ginawang kabutihan ng kapwa
Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa
Pagbibigay ng regalo
Pasasalamat
120s - Q9
Ito ay isang uri ng pagkilala sa kabutihan at bahagi ng pagpapahalaga ng mga Pilipino?
Pag gamit ng "Po" at "Opo" sa pakikipagusap sa nakatatanda
Pag tanaw ng utang-na-loob
Pagiging masunurin
Pagiging masayahin at masigla
120s - Q10
Ayon kay _________________, “Ang pinakamabuting ugali ng isang tao ay ang pagiging mapagpasalamat.”
Sto. Tomas de Aquino
Dr. Manuel Dy
Jacques Maritain
Fr. Jerry Orbos
120s - Q11
Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.
Paghangad ng mga bagay na nararapat sayo
Pag-aasam sa mga bagay na ninaais
Pasasalamat
Entitlement Mentality
120s - Q12
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng pasasalamat?
Patuloy ang pag-iipon ng magkakaibigang guro na sina Kristin, Chinnie at Mavic para sa plano nilang pagbubuo ng isang libreng Day Care Center upang makatulong sa mga batang kapus-palad
Pag-obserba sa ginagawa ng mga matatanda na nakakakanlong sa loob ng bahay-ampunan
Mula sa ipon nakabili si Adel ng limang daang (500) pirasong pandesal at kanya itong inilagay sa papel na supot at ipinamigay sa mga kapitbahay na nasa ilalim ng lockdown
Si Marie na patuloy ang pag-aaral at pagsasaliksik kung papaano makatulong sa kapwa
120s - Q13
Ang taong mapagpasalamat ay kakikitaan ng mga sumusunod malibansa, ano ito?
Pagsasabi ng pasasalamat sa mga taong nagawan siya ng kabutihan
Palagiang pagsilay ng ngiti sa labi
Pagiging matulungin sa mga nangangailangan
Mainitin ang ulo at akala mo ay pasan niya ang bigat ng mundo
120s - Q14
Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapakita ng pasasalamat sa loob ng paaralan maliban sa?
Hindi pagpansin sa naka-alitang kaklase
Pagpapahayag ng pasasalamat sa kaklaseng tumulong sa paglilinis ng silid aralan
Pagbibigay ng munting regalo na nakayanan sa pinakamalapit na kaibigan sa klase
Hinatian ng baong sandwich ang kaklaseng nagugutom
120s - Q15
Si Mang Ador ay may minamanehong jeep at masasabing beterano na sa larangan ng pagmamaneho. Dahil sa uri ng kanyang trabaho ay hindi naiwasang maranasan ang isang aksidente na nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan at pagkaputol ng kanyang kaliwang paa. Ano ang dapat na maramdaman ni Mang Ador sa kasalukuyan niyang kalagayan?
Magpapasalamat sa biyaya ng panibagong buhay na kaloob ng Diyos
Magagalit sa mga taong kasangkot sa nasabing aksidente
Maawa sa kanyang abang kalagayan
Matatakot dahil nawalan siya ng isang mahalagang parte ng kanyang katawan at maaring hindi na siya makapag-maneho.
120s