Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Alin ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
    Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
    Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
    Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
    Paggawa ng tao para sa ikauunlad ng kapwa.
    120s
  • Q2
    Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
    Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
    Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
    Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
    Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
    120s
  • Q3
    Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
    Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
    Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
    Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
    Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
    120s
  • Q4
    Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
    pagbibigayan
    pakikipagkapwa-tao
    panghuhusga
    paggalang
    120s
  • Q5
    Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao. Aling sektor ang nakaaapekto sa kaalaman ng tao?
    Ekonomiya
    Paaralan
    Pamahalaan
    Simbahan
    120s
  • Q6
    Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
    Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
    Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
    Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
    Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.
    120s
  • Q7
    Si Gwen ay mahilig magpopost sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na mga kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga mahihirap. Sang ayon ka ba sa ginawa ni Gwen?
    Oo, upang magkaroon ng malaking utang na loob ang mga tao sa kaniya.
    Hindi, dahil pagpapasikat lamang ang kaniyang mga ginagawang pagtulong.
    Hindi, dahil ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa puso at hindi pagpapakitang tao lamang.
    Oo, dahil may karapatan si Gwen na ipakita sa buong mundo ang kaniyang ginagawang pagtulong.
    120s
  • Q8
    Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
    Komunidad
    Simbahan
    Pamahalaan
    Paaralan
    120s
  • Q9
    Ang pakikilahok sa rally ng mga grupong aktibista, pagsalungat sa hakbang ng gobyerno, pagpa-post ng bulgar na memes sa social media, paggawa ng mga sensitibong artikulo at pahayag laban sa gobyerno ay iilan sa mga halimbawa ng “freedom of expression” Matatawag ba na mga halimbawa ng kabutihang panlahat ang nakasaad sa talata?
    Oo, dahil mas mabilis na maiintidihan ng iba ang sariling hinaing laban sa gobyerno
    Oo, dahil ito ay paglalabas lamang ng sariling hinaing laban sa gobyerno.
    Hindi, dahil naaapakan mo ang integridad at pagkatao ng iyong kapwa ng walang tamang basehan.
    Hindi, dahil may hangganan ang freedom of expression at ang mga ito ay hindi naaayon sa karapatang pantao at mga pinapairal na batas.
    120s
  • Q10
    Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
    Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low-income families sa gitna ng COVID- 19 pandemic
    Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng COVID-19 pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.
    Pagbibigay ng libreng PhilHealth sa mga kwalipikadong beneficiaries na walang kakayahang magbayad ng Health Insurance.
    Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong- medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat komunidad.
    120s

Teachers give this quiz to your class