placeholder image to represent content

FIL - Mini Pre-Board No. 6

Quiz by SALINDUNONG REVIEW AND TRAINING CENTER

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
65 questions
Show answers
  • Q1

    Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

    Teoryang Bow-Wow

    Teoryang Ding-Dong

    Teoryang Ta-Ra-Boom De Ay

    Teoryang Pooh-Pooh

    30s
  • Q2

    Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

    Teoryang Sing-Song

    Teoryang Mama

    Teoryang Ding-Dong

    Teoryang Hey You

    30s
  • Q3

    Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree, 2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay

    Teoryang Coo Coo

    Teoryang Eurekal

    Teoryang Babble Lucky

    Teoryang Hocus Pocus

    30s
  • Q4

    Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

    Teoryang Yoo-He-Yo

    Teoryang Babel

    Teoryang Pooh-Pooh

    Teoryang Ta-Ta

    30s
  • Q5

    Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.

    Teoryang Coo-Coo

    Teoryang Hocus Pocus

    Teoryang Mama

    Teoryang Ta-Ta

    30s
  • Q6

    Ito ay isang sangay ng linggwistika na  sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

     Semantika

    Ortograpiya 

     Sintaks

    Morpolohiya 

    30s
  • Q7

    “Lumilindol.” Anong uri ito ngpangungusap na walang tiyak na paksa?

    Penomenal

    Modal

    Eksistensyal 

    Temporal

    30s
  • Q8

    Ibigay ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan,pagmamahalan,pagkatiwalaan.

    kabilaan

    hulapi

    tambalan 

     laguhan

    30s
  • Q9

    Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”?

    panaklong 

    kuwit

    tuldok 

    gitling

    30s
  • Q10

    Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kayanaman ay naunawaanng lahat ng kasapi ng lahi.

    likas

    dinamiko

     masistema 

    arbitraryo

    30s
  • Q11

    Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid.

    Urbana at Feliza

    Indarapatra at Sulayman

    Barlaan at Josaphat

    Dasalan at Tocsohan

    30s
  • Q12

    “Nahulog ang bata!” Anong uri ngpangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?

    pasalaysay 

    tambalan

    payak

    padamdam

    30s
  • Q13

    Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, kahoy?

    ponema 

    pares minimal

    diptonggo

    klaster

    30s
  • Q14

    Sa kasaysayan ng ating panitikan, ang kinikilalang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng______.

    Hapones

    Kastila

    Kontemporaryo

     Amerikano

    30s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ay sadyangisinulat upang ibigkas sa harap ng madla?

     talambuhay

    anekdota 

    pabula

    talumpati

    30s

Teachers give this quiz to your class