
FILIPINO 2- Module
Quiz by Janeth Alcober
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Matalino si Jose Rizal. Siya ay masipag, matulungin at maabilidad. Isa rin siyang matapang na tao. Hindi siya natakot nang isulat niya ang kasamaan ng mga Espanyol. Isinulat niya sa loob ng madilim na kulungan ang tulang “Huling Paalam”. Sinabi niya rito ang kanyang kalungkutan dahil sa hindi pagiging malaya ng kanyang bayan. Ating ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan tuwing sasapit ang ika-19 ng Hunyo. Ang kanyang pagiging martir maging ang kanyang kabayanihan ay ginugunita rin sa lahat ng dako ng Pilipinas tuwing ika-30 ng buwan ng Disyembre.
Ano-ano ang katangian ni Jose Rizal?
Users enter free textType an Answer60s - Q2
Paano niya ipinakita ang kanyang katapangan?
Users enter free textType an Answer45s - Q3
Saan niya isinulat ang “Huling Paalam” ?
Users enter free textType an Answer30s - Q4
Bilang isang bata, paano mo tutularan si Jose Rizal?
Users enter free textType an Answer30s - Q5
Ang kuwentong inyong binasa ay walang pamagat. Ano kaya ang pinakaangkop na pamagat sa kuwentong inyong binasa?
Users enter free textType an Answer45s - Q6
Basahin ang kuwento at piliin ang angkop na pamagat.
Maaga pa lamang ay gising na si Andrew. Ngayon kasi ang kanyang ikapitong kaarawan. Binati siya ng kanyang tatay, nanay, ate, at kuya. Pagkatapos manood ng misa ay pinagsaluhan nila ang isang simpleng almusal at kasabay nito at ang pag-ihip niya ng kandila sa keyk.
Ang Pagdiriwang ng Kaarawan ni Andrew
Ang Masayang Pamilya
Ang Masarap na Almusal
45s - Q7
Ale! Mama! Bata! Bili na po kayo ng puto at kutsinta. Masarap ito. Bagong luto. Walang pagod sa pagtawag si Ella. Ganyan siya araw-araw. Ganyan siya araw at gabi. Palagi niyang sunong ang isang bilao na natatakpan ng dahon ng saging. Bili na kayo! Puto…Kutsinta…Bili na kayo!
Masipag na Tindera
Puto at Kutsinta
Bili na Kayo
45s - Q8
Pangarap kong mabigyan ang aking kaibigan ng bagong tsinelas. Nais ko siyang mapaligaya sa kanyang kaarawan. Pero, kulang pa ang aking naiipong pera. Hayun sa eskaparate ang tsinelas kong bibilhin para kay Arturo. Maganda at mukhang napakatibay. Alam kong magugustuhan niya iyon. Sana maubos ang tinda kong sampagita ngayon. Sana ay maraming bumili ng samapagita para madagdagan ang ipon ko. Sana ang tsinelas na iyon ay maibigay ko sa aking kaibigan.
Pangarap na Regalo sa Kaibigan
Pangarap na Regalo sa Kaibigan
Ang Tinda kong Sampagita
45s - Q9
Araw-araw ay naglalaba si Inay. Naglalaba siya ng damit ng kahit na sinong may gustong magpalaba sa kanya. Kahit pagod na ay hindi siya makatigil. Iyon lamang kasi ang alam niyang paraan para kumita ng pera. Mahal ko si Inay. Kaya kapag nakikita ko siyang pagod ay naluluha ako.
Labandera si Inay.
Naglalaba Araw-Araw si Inay
Mahal ko si Inay
45s - Q10
Maganda ang balahibo ni Maxx. Mahaba ang kanyang buntot. Mabilog at makislap ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga tainga ay malalaki at halos ay tumabing na sa kanyang mga mata. Pinakamatapang si Maxx sa aking mga alaga.
Balahibo ni Maxx
Ang Alaga Kong si Maxx
Matapang si Maxx
45s