
Filipino 4 - Q3 - Post Test
Quiz by Jasmin Vita
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sa pagluto ng Sinigang na Baboy, ano ang unang hakbang na dapat gawin.
Ano ang huling hakbang sa paglalaba na natutuhan ninyo?
Hindi ka sang-ayon sa mungkahi ng iyong kaklase tungkol sa pagbili ng mga materyales para sa inyong proyekto sapagkat masyado itong mahal. Paano mo ito sasalungatin?
Ito ay _____ na pagkakatuwiranan ng dalawang panig na magkasalungat ang paniniwala sa Sa pinagtatalunang paksa.
Para sa bilang 5 - 8. Ilarawan ang tauhan sa pamamagitan ng ikinilos, sinabi o naging damdamin nito.
Napansin ni Jack ang pawis at paghingal ng kaniyang tatay kaya binuhat niya ang iba nitong mga dala.
Narinig ni Jose ang malakas na palakpakan ng mga tao matapos ang pag-awit niya sa saliw ng kaniyang gitara. Umagos ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa nangyari. Ano ang naramdaman ni Jose?
Ito ay isang paraan upang maipaalam sa mambabasa ang isang isyu, opinyon o pangyayari sa pamamagitan ng pagguhit.
Ito ay sinasabing kaluluwa ng isang pahayagan. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mga mababasa.
Para sa bilang 9-11. Buoin ang mga pangungusap sa paglalapat ng wastong pang-angkop.
Nauuna ang pula_____ kotse sa karera.
Si Myra ay takot pumasok sa madilim ____ silid.
Limandaan___ piso ang isinukli sa kaniya ng kahera.
Para sa bilang 12-15. Tukuyin ang angkop na pang-abay sa bawat pangungusap.
Lumulubog nang ___ ang araw na mamamasdan ng mga namamasyal sa tabing dagat.
Nagtatakbuhan nang___ ang mga bata sa Rizal Park.
____na mahusay magpinta ang aking kapatid na bunso.
Ang batang lansangan ay ______ payat ang katawan.
Panuto para sa bilang 16-18. Pillin ang tamang pangatnig upang makompleto ang mga pangungusap.
Masipag si Justine mag-aral_____nakatanggap siya ng karangalan.
Maraming siyang biyayang natatanggap ________ siya ay isang mabuting tao.
Nagpaalam mamasyal si Rona sa tabing-ilog _____hindi siya pinayagan ng kaniyang ina.
Para sa bilang 19-21. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin kung Opinyon o Katotohanan.
Ang Department of Education (DepEd) Memorandum No. 392 ay kilala rin bilang ‘No Assignment on Weekends’ policy.
Aminin man natin at hindi, pagdating ng Lunes ay maraming mag-aaral ang hindi handa sa mga aralin at nakalimutan na nila ito.
Ang waknatoy, everlasting at puto sa pulo ang ilan sa mga putaheng ipinagmamalaki ng mga Marikenyo.
Panuto para sa bilang 22 - 24. Tukuyin ang may salungguhit na pangungusap kung sanhi o bunga.
Hindi nakapasok si Tisoy sa paaralan dahil masakit ang kaniyang tiyan.
Nasira ang ngipin ni Dadat sapagkat hindi siya araw-araw nagsisipilyo.
Nakilla ang Lungsod ng Marikina dahil sa kalinisan at disiplinado ang mga mamamayan.
Piliin ang angkop na pamagat: Waknatoy Puto sa Pulo, Everlasting,Hamonado