B. Basahin ang kuwento nang may pag-unawa. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin lamang ang pinakawastong sagot.
Si Jam at ang Kaniyang Alagang Aso
ni J.M.
Sa lugar ng Malvar, may isang batang ang pangalan ay Jam. Lagi
niyang kasama ang paboritong aso na si Whitie. Masayahin siyang bata. Kasama palagi ang aso kahit sa pagtulog. Bago pumasok, pinakpakain at pinaliliguan niya ito. Sinisiguradong maayos ang lahat. Pag-uwi niya ng bahay, agad na sumasalubong ito sa
kaniya. Binuhat niya ito at saka papasok sa loob ng bahay.
Isang umaga, paggising ni Jam laking gulat niya nang wala si Whitie
sa kaniyang tabi. Tinanong niya ang magulang kung nakita nila ito. Hinanap nila sa loob ng bahay pati sa may labasan. Nagtanong-tanong sila
sa kapitbahay pero wala pa rin si Whitie.
Dumaan ang araw, subalit di pa rin nakikita ang kaniyang alagang aso. Naging malulungkutin na at walang ganang kumain si Jam. Nang biglang narinig ang kahol ng isang aso. Hinanap niya agad kung saan galing ang kahol at laking tuwa niya dahil sa wakas nakita rin niya ang mahal niyang aso. Bumalik na si Whitie.
Tanong: 1. Tungkol saan ang kuwentong binasa?