
Filipino 6 Pagbiibgay Kahulugan sa Sawikain
Quiz by aleli galvez
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
1. Iwasan mong biruin ang iyong kapatid upang hindi kayo magkatampuahn dahil siya ay balat-sibuyas.
2. Sanay na sanay magtrabaho si Don Anselmo, isa sa mayaman sa kanilang lalawigan. Mula pagkabata ay tumutulong na si Anselmo sa kanyang mga magulang dahil siya ay anak-pawis kaya natutong magsikap at umunlad.
3. Maraming bata na nagkalat sa kalye upang mamalimos. Para silang mga basang-sisiw na pinabayaan ng mga magulang upang may maipandagdag sa pangangailangan ng pamilya.
4. Gustong-gustong manood ng drama ni Ate sa telebisyon dahil ito ang kanyang paboritong libangan subalit mababaw naman ang kanyang luha.
5.Nabasa ni Hilda sa GC na malapit na ang pasahan ng mga sinagutan sa modyul. Kailangan na niyang magpasa dahil hindi niya nagawa ang Modyul 10 at Modyul 11. Para siyang hilong-talilong kung ano ang uunahing sagutan para makapagpasa sa itinakdang araw.
6. Kahit anong pagsusumikap na gawin niMang Teban hindi siya makakuha ng trabahong may mataas na suweldo kulang angkanilang badyet upang makakain ng masagana dahil hindi siya nakatapos ngpag-aaral kahit na sa elementarya. Kaya naman ang kanilang pamumuhay ay_____________________________.
7. Dahil sa paulit -ulit na paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanang kanyang ginawa sa matalik na kaibigan. Naging ____________ nito.
8. Pupunta sana ako sa aking Lolo at Lola upang sila ay kamustahin. Hindi ko naman madaanan ang kalyeng tambak tambak ang basura dahil sa sobrang __________________________________________.
9. Pumanaw ang mag-asawang Inchon dahilsa Covid, kaawa-awa ang mga anak na naiwan. Sila ay mga ___________________ nakaya naman nanirahan sila sa kanilang kamag-anak.
10. Bata pa si Aloy , ang lahat ng kanyang magustuhan ay ipinabibili sa mga magulang kahit sapat lamang ang kanilang panggastos para sa pamilya. kahit matanda na siya at nagka-pamilya ay inaasa pa rin niya ito. Siya ay____________________________ ng kanyang magulang.