FILIPINO 6 - Summative Assessment
Quiz by Nerissa Moscosa
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Basahin ang sumusunod na seleksyon pagkatapos ay ibigay ang pamagat ng mga ito.
Nagkaroon ng sunog sa isang pook sa kabahayan. Ito ay malapit na malapit sa bahay nina Allan.
“Mommy, aabot po ba rito sa atin ang sunog?” nagaalalang tanong niya.
“Naku, Anak. Magdasal tayo. Hilingin natin sa Diyos na tayo’y huwag abutin,” sagot ni Ka Vilma.
“Kung hindi po pumayag ang Diyos, saan po tayo titira?”
“Naku, ang bunso ko. Bastat’t magdasal ka. Huwag kang umalis sa tabi ko,” wika ng ina sabay yakap sa anak. Ngumiti si Ka Vilma sa huli niyang narinig. “Jesus, patayin po ninyo ang apoy. Malayo po kami sa Batangas. Iilan ang damit ko roon. At saka maliliit na po sa akin. Salamat po, Jesus!”
Si Ka Vilma
Panalangin
Si Allan
Sunog
60s - Q2
Basahin ang sumusunod na seleksyon pagkatapos ay ibigay ang pamagat ng mga ito.
Mapagkakatiwalaan si Cris. Tiyak na tatapusin niya sa takdang oras ang anomang gawaing ibibigay mo sa kaniya. Isang araw, may ibinigay ang Tita niyang gawain.
“Hintayin mo ang kuya mo. Baka hindi mo kayang gawin,” bilin ng kaniyang Tita.
“Opo, Tita,” magalang niyang sagot. Pinag-aralan niya ang gawain. Sa palagay niya kayang-kaya niya kaya ginawa niya. Inusisa isang hapon ng kaniyang Tita si Cris.
“Cris, ano nga pala, tapos mo na ba ang ipinagagawa ko sa iyo?”
“A, e, opo. Noon pa pong isang lingo,” medyo natatakot na sagot ni Cris. “Bakit hindi mo ibinigay sa akin?”
“E, baka po kayo magalit. Hindi ko na po nahintay si kuya, e.”
“Naku, bata ka. Ang sabi ko hintayin mo ang iyong kuya kung hindi mo kayang gawin,” wika ng kaniyang Tita sabay pasasalamat sa pamangkin.
Pamangkin
Ang Gawain
Si Cris
Tita
30s - Q3
Basahin ang sumusunod na seleksyon pagkatapos ay ibigay ang pamagat ng mga ito.
“Hoy, Terry. Tanghali ka na yatang nagbukas ng tindahan ngayon,” puna ni Aling Tali sa pamangkin.
“Magpapasko na po Tiyang. Madilim pa po ang alas sais,” katuwiran ni Terry,“ maginaw pa po. Kaya wala pong mamimili nang ganoong kaaga.
“Hoy, bata ka, hindi katuwiran iyon. Alam mo bang ang ibong patanghali, nauubusan ng uod sa parang,” may halong gigil na pangaral ni Aling Tali. “Dahil magpapasko, magbubukas ka ng tindahan ng alas singko,” dugtong pa.
“Wala na ho bang tawad iyon?” pabulong na sabi ni Terry. Narinig pala iyon ni Ka Tali.
“Ganoon ba! Sige, ako ang magbubukas ng tindahan ng alas singko. Pero babawasan ko ng dalawang oras ang suweldo mo.”
“Sige po. Nasa inyo pa naman ang gatang, di kayo po ang magtakal,” ni Terry.
“Naku, kung naiba ka lamang sa akin, paaalisin na kita.” Matigas na ang ulo, pilosopo pa.”
“Sori po Tiyang. Ako na po ang magbubukas ng tindahan ng alas-singko. Ang mababawas po sa aking suweldo ay maipambibili ko na ng regalong Pamasko si Inay.”
“Diyan ka na nga, baka maawa pa ako sa iyo,” nangingiting wika ni Aling Tali.
Si Terry
Ang Tindahan
Si Ka Tali
Ang
60s - Q4
Basahin ang sumusunod na seleksyon pagkatapos ay ibigay ang pamagat ng mga ito.
Likas na mapanukso si Ruben. Minsan silang mamasyal sa zoo, napagtuunan niya ng pagbibiro ang isang elepante. Isang piraso ang kaniyang inialok sa elepante at kung malapit na sa kanya ang trompa ng elepante saka niya iuurong ito. Ganoon ng ganoon ang ginawa ni Ruben hanggang sa magsawa ang elepante. Subalit hindi madaling makalimot ang elepante. Nang mapalingat si Ruben agad sinungkit ng elepante ang gora nito. Kailanma’t naaabot na ni Ruben ang gora niya’y agad iuurong ng elepante ang kaniyang trompa. Paulit-ulit niyang ginawa ito hanggang sa tuluyan nang maglupasay si Ruben.
Ang Elepante
Trompa
Si Ruben
Gora
60s - Q5
Basahin ang sumusunod na seleksyon pagkatapos ay ibigay ang pamagat ng mga ito.
Nag-iisip si Danny. Wala siyang pagkukunan ng ibibili ng gagamitin sa proyekto. Walang pera ang kaniyang ina at ama. Noong uwian ay naiwan sa silid-aralan si Danny. Sa pagwawalis ay nakakita siya ng pitaka. Agad itinago iyon, subalit humahangos na bumalik ang kaniyang guro. Halikwat dito, halikwat doon pero sa tingin ay hindi matagpuan ang hinahanap.
Hindi nakatiis si Danny.Lumapit sa guro at iniabot ang pitaka. Laking pasasalamat ng guro.
Ang Pitaka
Si Danny
Ang Guro
Ang Proyekto
60s