placeholder image to represent content

FILIPINO 7 PRE-TEST SY 2021-2022

Quiz by Bryan Aurelio

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Ika-5 ng Setyembre 2021. Isinama ako ng nanay ko sa SM Marikina para bumili ng tablet para magamit sa aking pag-aaral. Sobrang saya ko dahil noong isang taon ay nakikihiram lang ako sa kuya ko.

    Ano ang bibilhin nila sa SM Marikina?

    Ibibili siya ng nanay ng laptop

    Sila ay bibili ng tablet

    Bibili sila ng iphone

    Bibili sila ng cellphone 

    120s
  • Q2

    Marahil narinig niyo na rin ang isa sa mga anekdota na may pamagat, Ang Tsinelas ni Jose Rizal. Nahulog sa bangka ang isang tsinelas niya, pero hindi na niya nahabol kaya inihagis na rin ang isa pa at nagdasal na sana mahabol pa ang kapares na tsinelas. Ano ang dahilan kung bakit hinayaan ni Jose Rizal na agusin nalang sa dagat ang magkapares niyang tsinelas?

    Upang hangaan siya ng mga kasama niya sa bangka

    Upang maawa ang mga tao na makita siyang nakayapak

    Upangmagamit pa ng sinumang makatagpo o makapulot

    Upang bibilhan nalang ulit siya ng bagong tsinelas

    120s
  • Q3

    Sabay kaming naglalakad pauwi ng aking kaibigan nong biglang may tumatakbo at nagsisigaw ng “ibalik mo ang bag ko, magnanakaw, magnanakaw”. Naglabasan ang mga tao sa kabahayan pero hindi na nahabol ang magnanakaw dahil dali-daling humarurot ang motorsiklong minaneho marahil ng kanyang kasabwat. Ano ang nasaksihan mo sa iyong pag-uwi?

    Nag-aaway na magkakapitbahay           

    Magnanakaw na hinahabol

    Mga tambay sa kalsada

    Mag-asawang nagsisigawan    

    120s
  • Q4

    Nakita kong sobra sa binayaran ni Elgie ang kinuhang tsokolate sa canteen ng paaralan. Nong sinabi ng tindera na kumuha ng lima ay mabilis na dumakot at hindi na binilang sabay ibinulsa kaagad. Inaya akong umalis at kainin namin sa labas ng kantin. Kakain ka pa ba o hindi nalang? Bakit?

    Hindi po, kasi alam kong galing sa pagsasamantala

    Opo, kasi wala naman akong pambili

    Opo, dahil hindi naman ako ang nagsamantala

    Hindi po, kasi alam kong galing sa pagsasamantala

    120s
  • Q5

    Nakikinig ka ba ng mga Kuwentong Pinoy? Ano ang wakas ng kuwento ni Juan Tamad at ang bayabas?

    Nabusog ng bayabas

    Inabot ng gabi sa paghihintay na mahulog ang bayabas

    Nainis dahil hindi nakuha ang bayabas

    Inubos pitasin ang bunga ng bayabas

    120s
  • Q6

    Ano naman ang naging wakas ng banyagang kuwento na Cinderella?

    Niligawan siya ng prinsipe

    Inapi siya ng kanyang madrasta

    Pinakasalan ng prinsipe at tumira sa Palasyo

    Nag-away-away sila ng kanyang mga step sisters

    120s
  • Q7

    Ang dati o alam ng batang wakas ng kuwentong Matsing at Pagong ay ang paghagis ni matsing kay pagong sa ilog, sa pag-aakalang ikamamatay ni pagong ito. Sa episode kung saan nagkita uli sila matapos ang pangyayaring iyon ay sa taniman ng sili at sa isang handaang may malaking kawa ng kumukulong tubig. Ano sa tingin mo ang wakas ng episode na ito?

    Lumundag si matsing sa kawa ng kumukulong tubig dahil naniwalang pampaganda ng kutis ng nanay ni pagong

    Ikinuskos ang sili sa kanyang mga mata at nabulag

    Humigop ng mainit na tubig na hinaluan ng sili

    Nalinlang muli ni matsing si pagong

    120s
  • Q8

    Ang malunggay ay kilala lamang na masustansiyang gulay. Maaaring ulamin ang dahon at bunga nito. Matapos mabasa ang isang akda tungkol sa kahalagahan at gamit ng malunggay ay hindi lang pala pang-ulam kundi napakarami pa, kung kaya’t tinatawag na:

    Food and herbal medicine/Halamang gulay

    Pagkain ng tagabaryo

    Ulam na gamot pa

    Miracle Tree/Mapaghimalang puno

    120s
  • Q9

    Ang nanay mo ay madalas dumaing sa sakit ang ulo, nahihilo at madaling mapagod.  Nagpatingin siya sa doktor at siya’y niresetahan ng gamot. Binili niya lahat ang mga ito at kailangan ding sundin ang payo ng doktor. Pagkatapos ng tatlong araw ay nakita mong bumubuti na ang kanyang kalagayan. Ano kaya ang susunod na mangyayari?

    Itigil na ang pag-inom ng gamot sa pang-apat na araw

    Gagaling na at manunumbalik ang sigla

    Babalik pa ulit sa doktor

    Hindi na babalik at gagastos pa sa doktor.

    120s
  • Q10

    Si Charlotte ay madalas dumating sa klase 20 minutong huli. Tahimik at hindi nakikisali sa talakayan. Minsan nakikita na lamang na nakayuko at tulog. Kapag pinaiiwan at gustong kausapin ng guro ay tumatakas pag-uwi. Ano nalang kaya ang mangyayari?

    Dadalhin ng guro sa Guidance Office

    Ipatatawag ng guro ang magulang

    Hindi siya makapagtapos

    Hindi papasok kinabukasan

    120s
  • Q11

    Ang puso ng dalaga ay inihahalintulad sa isang bagyo na pabago-bago ang direksiyon. Anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit?

    payak

    maylapi            

    Inuulit               

    tambalan

     

    120s
  • Q12

    Nagsermon si tatay dahil magbubukang-liwayway na nang matulog ang nagkasiyahang magkakaibigan. Anong kayarian ng pang-uri ang salitang may salungguhit?

    maylapi

    tambalan

    payak

    inuulit

    120s
  • Q13

    Magaling gumawa ng kuwento si Maritess maski walang katotohanan at basehan. (Paglalarawan ng tauhan) Siya ay _________

    mamamahayag     

    tsimosa

    brodkaster   

    palakwento

    120s
  • Q14

    Umaga pa lang, sa harapan ng bahay na walang nakatira mahilig magtambay sina Maritess at kanyang mga kachikahan. Titigil lang sila kapag oras na ng lutuan ng pananghalian at babalik uli pagkakain. Ang tagpuan ay masasabing________

    hayag

    ligtas

    bakante

    tago

    120s
  • Q15

    Kung inyong natatandaan ang kwentong “Mangarap Ka, Abutin Mo” sa modyul 3 ng nakaraang markahan, ano ang paksa ng akda?

    Kahirapan hindi hadlang sa pagtatagumpay

    Mag-asawang magsasaka na marami ang anak

    Nanirahan sa kamag-anak para makatapos ng pag-aaral

    120s

Teachers give this quiz to your class