
Filipino 7 Reviewer
Quiz by Shiena Lotto
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Saan nagmula ang akdang ibong Adarna?
Sa anong panahon isinulat ang ibong Adarna?
Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ibong Adarna?
Alin sa mga sumusunod ang nakatulong upang madala ang akdang Ibong Adarna sa Pilipinas?
Bakit mahalaga ang Ibong Adarna sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas?
Siya ang hari na tinitingala at hinahangaan ng iba pang kaharian dahil sa kaniyang
kahusayan sa pamumuno.
Ang awit ng ibong ito ang tanging lunas sa sakit ng hari ng Berbanya
Ang kanyang puso ay malasutla kaya siya ang paboritong anak ng hari at reyna ng Berbanya.
Siya ang panganay na anak ng hari at reyna ng Berbanya na may tindig na pagkainam
Siya ang malumanay na pangalawang anak ng hari at reyna ng Berbanya.
“Landas na sasalungahin, inakyat nang walang lagim;sa itaas nang dumating, katuwaa’y
sapin-sapin.”
“Natambad sa kaniyang mata ang tahanan ng Adarna,punong pagkaganda-ganda, sa
mundo’y siyang una. Mga daho’y malalabay, pati usbong kumikinang; magingsanga’y
gintong lantay, yamang dapat na pagtakhan.”
“Natutukso nang matulog si Don Juang nanunubok; ang labaha ay dinukot at ang palad ay
binusbos. Lamang gumiti sa balat pinigaan pa ng dayap; sa hapdi’y halos maiyak, dugo’y
bumukal sa sugat.”
Munting kubo lamang subalit narito ang tinapay na inilimos ni Don Juan sa matandang
Leproso.
Kakaibang puno na pinananahanan ng Ibong Adarna
Ilan ang sukat ng saknong na ito?
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.
Anong tugma ang mayroon sa saknong na ito?
Labis yaring pangamba
Na lumayag na mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y ‘di makaya
Sa taludtod na ito “O, Birheng kaibig-ibig, inanaming nasa langit,” ano ang ginamit na
kariktan?
Sa taludtod na ito,“Sila ay may tatlong anak, tatlong bunga ng pagliyag,” ano ang Talinghaga?
Sa saknong na ito, “Kabiyak ng puso niya, ay si Donya Valeriana, ganda’y walang pangalawa,
sa bait ay uliran pa,” ano ang talinghagang ginamit?
Bilang isang pinuno ng bayan, tinipon ni Haring Fernando ang kaniyang mga kagawad upang
pagdesisyunan ang parusang ipapataw sa ginawang kataksilan ng kaniyang mga anak at
nang huwag nang pamarisan ng mga mamamayan. tukuyin kung anong tunggalian ang ipanakikita sa pahayag.
Nasasaktan si Don Juan sa ginawa sa kaniya ng mga kapatid subalit sa halip na magtanim
ng galit, inisip na lamang niya na gagaling ang kaniyang ama dahil naiuwi nila ang Ibong
Adarna.
Walang kalaban-laban si Don Juan sakaling may dumating na mabangis na hayop sa gitna
ng parang sapagkat tadtad siya ng sugat at bugbog sa katawan.
Nakaisip na muli si Don Pedro ng bagong ikapapahamak ni Don Juan at niyaya niyang
muli si Don Diego naisakatapuran ang kaniyang plano.
Nais mang sabihin ni Don Juan ang katotohanan sa pagkawala ng Ibong Adarna, mas pinili
niyang umalis kaysa mapahamak ang dalawang kapatid dahil sa tinuran ng kanilang ama
na kapag umulit pa ay wala nang makahihingi ng tawad para sa kanila.
Nandiri si Don Juan sa maitim na tinapay ng matanda at inakala na ito ay hindi masarap. piliin kung anong ESTEREOTIPO ang ipinakikita
Bilang babae, si Donya Leonora ay mahina at madaling magupo ngkalungkutan. piliin kung anong ESTEREOTIPO ang ipinakikita
Inakala ni Don Juan na alam ng mga ermitanyo kung nasaan ang kahariang hinahanap
dahil may edad na sila o matagal nang nabubuhay.
Binanggit ng agila na ugali ng mga katutubo na maligo nang madaling-araw.
Bilang lalaki, mabilis na nalimot ni Don Juan si Donya Leonora dahil kay Donya Maria.
Ano ang itinuturing na kaluluwa ng isang dula na naglalaman ng diyalogo, kilos ng tauhan,
at gabay sa pagtatanghal?
Ayon kay Rogelio Sicat, saan nagsisimula ang pagsulat ng isang iskrip?
Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip upang maging angkop
ang nilalaman ng dula?
Alin sa sumusunod ang tamang katangian ng diyalogo sa isang iskrip ng shadow play?
Aling bahagi ng banghay ang tumutukoy sa pinakamatinding bahagi ng tunggalian sa
kuwento?
Nang marinig ni Donya Leonora ang sinabi ni Don Juan, nagsalita siya at isinalaysay ang
kaniyang panig na kanina pa niya tinitimping sabihin. anong moral na birtud ang masasalamin sa sitwasyon
Ayon sa kautusan ng arsobispo, ang nauna ang may karapatang magpakasal kay Don
Juan. anong moral na birtud ang masasalamin sa sitwasyon?
Dahil hindi maramdaman ni Maria Blanca ang patas na desisyon, binasag niya ang prasko
upang gunawin ang buong kaharian.
Tiniis ni Maria Blanca ang lahat ng hirap upang maipaglaban ang pag-ibig nila ni Don
Juan. anong moral na birtud ang masasalamin sa sitwasyon?
Naghintay ng pitong taon si Donya Leonora sa pagbabalik ni Don Juan upang tuparin ang
kaniyang pangako.