placeholder image to represent content

Filipino 8

Quiz by carmina malazar

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
    Kuwentong-Bayan
    Salawikain
    Karunungang-Bayan
    Sawikain
    30s
  • Q2
    Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
    Karunungang-bayan
    Sawikain
    Kasabihan
    Salawikain
    30s
  • Q3
    Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.
    Kuwentong-bayan
    Sawikain
    Salawikain
    Kasabihan
    30s
  • Q4
    Ito ay yaong mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes.
    Sawikain
    Salawikain
    Kasabihan
    Karunungang-bayan
    30s
  • Q5
    Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino.
    Salawikain
    Sawikain
    Karunungang-Bayan
    Kuwentong-bayan
    30s
  • Q6
    "Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?" . Ito ay isang halimbawa ng
    Sawikain
    Kuwentong-bayan
    Salawikain
    Idyoma
    30s
  • Q7
    Ang kahulugan ng sawikaing "bagong tao" ay
    binata
    dalaga
    matanda
    bata
    30s
  • Q8
    "Putak,putak batang duwag. Matapang ka't nasa pugad." Ito ay halimbawa ng
    kuwentong-bayan
    Kasabihan
    Salawikain
    Sawikain
    30s
  • Q9
    Ano ang kahulugan ng sawikaing "buto't balat"?
    matabang-mataba
    matangkad na matangkad
    mababang-mababa
    payat na payat
    30s
  • Q10
    Ang mga kuwento ni Adam ay " hubad sa katotohan". Ito ay nangangahulugang ang mga kuwento ni Adam ay
    walang basehan
    hindi totoo
    nakakapaniwala
    walang kasiguradohan
    30s
  • Q11
    Ito ay paraan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambin
    pagsasaayos
    paghahambing
    pagtitimbang
    pagpapatunay
    30s
  • Q12
    Ito ay uri ng paghahambing na ginagamit sa magkatulad na katangian
    Pahambing na Magkatulad
    Pahambing na pasabol
    Pahambing na palamang
    Pahambing na Di-magkatulad
    30s
  • Q13
    Ito ay uri ng pahambing na di-magkatulad na ginagamit kung nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang paghahambing.
    pasabol
    palamang
    pakulang
    pahiwalay
    30s
  • Q14
    Alin sa mga sumusunod ang naiiba?
    mas
    lalo
    higit
    kapwa
    30s
  • Q15
    "Parehong makulit ang dalawang klase ni Teacher Mina." Ang uri ng paghahambing na ginamit sa pangungusap ay
    magkatulad
    palamang
    pasabol
    di-magkatulad
    30s

Teachers give this quiz to your class